DANAYA
"Walanjo 'yan, napakalandi mo namang nilalang, Danaya. Pero wag kang umiyak dyan, mag-shot kang bruha ka! Sa akin na naman iyong baso hindi ka pa naman umiinom, eh," sermon ni Jam sabay bigay sa akin ng shot glass na punong-puno ng alak.
"If this isn't unfair, I don't know what is this," wika ko, inikot-ikot iyong baso at tinitigan iyong laman nito.
"Baliw, hindi unfair ang tawag dyan. Kanina ka pa hindi umiinom kaya naipon na. Lagukin mo na hoy para makausad na tayo," muli nitong sermon. Labag man sa loob, pinisil ko na lang ang ilong ko at mabilisang nilagok iyong alak. Napapangiwi na lamang ako sa sobrang pait, pero walang sinabi iyong pait na nadarama ko ngayon.
"Now... ano nang gagawin mo niyan? Paano kapag bumalik nga sa bahay niyo si Dion at doon na manirahan kasama mo? Mukha pa naman siyang obsessive type of kuya. Napaka-- nanggigigil ako sa kaluluwa niya. Hindi naman kayo biologically magkapatid, right? Makaasta akala mo tunay, eh." May pag-irap-irap pa siyang nalalaman kaya natatawa ako habang nagsasalin ng alak para sa kaniya.
"Obsessive, huh? Hell nah! Siguro sa fiancee niyang bulok baka doon siya obsess. Hindi mo ba siya friend sa fbook? Lagi silang may post together, and take note! Ang clingy nila sa isa't isa! Kasuka! Nakita mo ba iyong itsura ng fiancee niya? Mukha siyang hindi bagay kay Dion."
"Hahahahaha! At sino naman sa tingin mo ang bagay sa kaniya? Ang kaniyang little sister? Pfft! Nako, Danaya kung ako sa iyo itigil-tigil mo na iyang pagpapantasya mo sa kapatid mo dahil hndi ka naman niya nakikita the same na tingnan mo siya. Why settle sa gano'ng tipo ng tao? Matagal mo na siyang gusto, right? Umamin ka na rin sa kaniya. o anong punto ng pagpapagal mo ngayon? Hindi naman niya ion maa-appreciate kahit pa maghubad ka ata sa harapan niya. Hindi sa gusto kitang awayin, ha. I'm just concern sa iyo, sa mental health mo at sa emotional state mong buang ka. Ayaw ko magkaroon ng kaibigang baliw... baliw sa pag-ibig. Charotizm!" mahabang lintana ni Jam. Akala ko pure sermon ang ibabato niya sa akin, may halo rin pa lang kalokohan. Boset siya!
"Gaga. Sinubukan ko na mang iwaksi ang nararamdaman ko sa kaniya dahil mali nga. Pero wala, eh! Nadadala pa rin talaga ako sa kaniya. Noong makita ko siyang umuwi sa bahay, iyong bakod na ilang taon kong itinayo para lang harangan ang pagmamahal ko sa kaniya ay nagiba in just seconds you bithc! Alam mo iyon? Ilang segundo lang talaga! Naiiyak na ako."
Patuloy na umiikot ang baso ng alak. Nakakadalawang basyo na rin kami ni Jam. May tama na ako, ramdam ko iyon dahil nagiging emosyonal na ako. Kinuha ko iyong tissue sa aking bag tapos nagpunas ng luha.
"Nasubukan mo na bang magjowa?" tanong niya out of nowhere and out of topic. Kumunot ang noo ko, naudlot ang aking pag-iyak. "Watdapak. Never akong magjojowa kung hindi man lang si Dion ang jojowain ko," tugon ko. Tumayo si Jam pagkarinig no'n tapos kinotongan ako sa bumbunan.
"Kaya naman palang bruha ka, eh! Paano ka makaka-move on sa pagmamahal mo dyan sa kapatid mong hilaw kung ganiyan na ang naka-set sa utak mong maliit? Charot iyong maliit. Malaki taaga ang utak mo dahil pati kapatid mo pinagpapantasyahan mo. Kung i-divert mo na lang kaya sa ibang tao ang atensyon mo, ang pagmamahal mo, for sure magiging masaya ka kasi somehow, hindi man sigurado, masusuklian ang inilalabas mong love. Ano sa tingin mo? Hanapan na ba kita? Tutal marami akong lalaking kaibiigan pwedeng-pwede kitang retohan," ani 'to.
Hindi ako kumibo. Ayaw ko mang aminin ngunit pinag-iisipan ko iyong offer ni Jam. "Eh... subukan natin," nag-aalangan kong sagot. Natatakot ako na baka pagsisihan ko sa dulo, pero paano nga naman ako? Alangan namang kay Dion ko lang ituon ang atensyon ko, eh, alam ko namang wala akong mahihta sa kaniya.
"YOWN! Sige, sandali at iisa-isahin ko itong mga lalaki sa contacts ko. Pati iyong mga naka-one night stand ko irereto ko sa iyo. Malay mo magustuhan mo ang performance nila sa kama."
"JAM!!"
"Hahahaha! I mean magustuhan mo kako sila," mabilis na bawi nito tapos tawa na siya nang tawa. "Boplaks! Wag mo akng retohan ng mga nagamit mo na, ha! Kaya mo nga itinapon kasi mayroong depekto tapos ipapasa mo naman sa akin. Ano ako? Basurahan?" gigil kong bulalas.
Hindi na natigil sa pagtawa si Jam. Inirapan ko lang siya tapos ipinagpatuloy namin ang pagkukwento habang umiinom ng alak hanggang sa malasing kaming pareho.
HINDI ko na alam kung ilang oras ang lumipas, kung ilang basyo na ba ng alak ang naubos naming dalawa. Palibhasa, wala sa puder ng mga magulang itong si Jam kung kaya't malaya siyang gawin ang lahat niyang gusto. Swerte niya dahil hindi strict ang kaniyang parents since she's an only child na rin. Super spoiled to the point na minsan gusto ko nang magmakaawa sa kaniya na kumbinsihin niya ang kaniyang parents na ampunin na lang ako.
"Ghago... shi Ralph sumagot sa text ko, hahahaha! Interesado ata sa iyo shi ghago," ani Jam. Ibinigay niya pa sa akin ang kaniyang cellphone, idinidiin sa akin iyong screen.
"Shandali naman! Maduduling na ako!" Marahas kong hinablot ang kaniyang cellphone tapos binasa iyong nasa scrreen. "Jam, saan ka na raw. Kanina pa tumatawag sa akin si tita, hinahanap ka sa akin. Oh! Boplaks! Hinahanap ka raw ng mama mo! Baka may nakakita sha iyo kanina no'ng nakipagjumbagan ka sa afam, akala ata kaibigan mo."
"Psh! Baka nga. Bahala na, matutulog na ako," ani to tapos maya-maya lang ay tuluyan nang bumagsak ang kaniyang katawan sa mesa.
Matutulog na rin sana ako dahil naubos na rin naman namin ang inumin tapos lasing na rin ako. Pinipilit ko na nga lang na wag bumagsak dahil baka may ichichika pang mahalaga itong si Jam. Kapag pa naman lasing siya, marami siyang nai-spill na tsaa. Tapos mamaya paggising niya 'saka ko siya ii-interrogate. Hindi pa naman ako makalimutin, hahahaha!
Inaayos ko na iyong unan na gagamitin ko nang mag-ring ang cellphone ni Jam. Sinilip ko siya, tiningnan kung magigising ba siya para siya na lang sumagot ngunit noong marinig ko ang malakas nitong paghilik ay kinuha ko na ang cellphone at sinagot iyong tawag mula sa unregistered number.
"Hello? Kung sino ka man natutulog si Jammy kaya hindi mo siya makakausap. Mamaya mo na lang ulit siya tawagan," wika ko ro'n sa kung sino man ang nasa kabilang linya. Wala akong narinig na sagot dahil pagkatapos kong magsalita ay ibinaba na nito ang tawag. Hindi ko na lang pinansin dahil antok na antok na talaga ako.
RALPH
"Ano? Nakausap mo ba si Jam? Sabi mo siya ang gagastos sa atin ngayon? Shuta pre, nakapag-order na ako, hindi na pwedeng bumack-out, ha!" Kaagad kong pinatay iyong tawag pagkatapos kong marinig ang boses ng ibang babae. Badtrip na inilapag ko ang cellphone sa lamesa. Mas lalo akong na-stress dahil inilapag na ng waiter iyong pagkain namin.
"Ano na, Ralph? Nasaan na iyong pinsan mo?" tanong muli ni Albert, kaibigan ko. "Ekis, boy. Iba sumagot. Puntahan ko na lang ngayon sa bahay nila. Malapit lang naman iyong dito," suhestyon ko. "Gege. Hintayin ka namin bago kumain. Bilisan mo, ha?"
"Oo, geh." Tumayo na ako't naglakad patungo sa pinto ng restaurant. Napasubo ako ngayon na magpakain ng tropa dahil birthday ko ngayong araw. Ang kaso, hanggang ngayon ay naka-freez ang aking account dahil sumali ako sa motor racing no'ng nakaraang linggo which is ipinagbabawal ni dad.
Pinaandar ko na ang makina ng sasakyan. Hindi naman malayo ang tinutuluyan ni Jam sa restaurant na pagkakainan namin. Madali lang naman ako sa kanila, manghihiram lang ako ng pera tapos lalarga na. Pagkatapos ng mahigit limang minutong byahe ay nasa tapat na ako ng bahay ng aking pinsan. Lumabas ako sa sasakyan, lumapit sa may gate at pinindot iyong doorbell. Sumilip-silip na ako sa loob, tinawag ko na rin ang pangalan ni Jam habang nagdo-doorbell dahil walang lumalabas sa pinto. Inabot na siguro ako ng ilang minuto, wala pa rin. Naisip ko na ngang akyatin itong gate dahil nauubos ang oras ko. Baka mapahiya na iyong mga kaibigan ko ro'n sa restaurant kapag tumagal pa ako rito. Inilukot ko na ang suot kong pantalon, handa nang isagawa ang balak. Nakarinig ako ng busina ng sasakyan sa aking gilid kaya naman napatingin ako roon habang ipinagpapatuloy ang ginagawa. May lumabas na lalaki na nakasuot ng causal tea at faded jeans. Hindi ko siya kilala kaya hula ko baka boyfriend ni Jammy.
"Good afternoon, sino po sila?" magalang kong tanong doon sa lalaki. Hindi siya kumibo, ni hindi man lang ako tiningnan at dumire-diretso lang sa paglalakad. "Tulog po ata si Jam," muli kong wika. Ngunit hindi niya pa rin ako pinansin, bagkus, pinindot niya rin ang doorbell.
Kaagad na bumukas ang pinto na ikinagulat ko. Ngunit hindi si Jam ng iniluwa ng pinto kung hindi isang magandang dilag. Pasuray-suray itong naglakad patungo sa may gate, binuksan ito tapos nagtama ang aming mata. Para akong kinuryente na ewa "Oppps..." bulalas ko noong mapatapilok ito. Bago pa man siya madulas ay nasalo na siya no'ng lalaki na bagong dating.
Tiningnan ako nito nang matalim, hindi ko alam kung ano ang dahilan. Kinarga niya iyong babaeng maganda tapos naglakad na pabalik sa mamahaling sasakyan. Naiwang bukas ang gate na isang malaking pasasalamat para sa akin. Sinundan ko ng tingin iyong sasakyan habang unti-unting umaalis. "Boyfriend niya kaya iyong lalaki? Sayang naman..." bulong ko. "Matanong na lang nga kay Jam."
Pumasok na ako sa gate at isinara iyon. Dumire-diretso ako sa loob ng bahay dahil naiwan din iyong bukas. Nadatnan ko kaagad iyong pinsan ko na nakahiga sa couch sa salas. Hindi ko ugaling mambulabog ng tulog lalo na't mukha at amoy lasing pa naman siya ngunit dahil kailangan ko ng pera ngayon, gigisingin ko siya.
"Jam. Ate Jam," tawag ko habang niyuyugyog ang balikat nito. "Hmmm... tigilan mo ako, Danaya. Magpahatid ka na sa Kuya mong hilaw," wika nito. Kumunot ang noo ko, tinatanong kung sino ang tinutukoy niyang Danaya. Sumagi sa isip ko iyong babaeng maganda kanina, paniguradong iyon ang sinasabi niya.
"Kuya niya llang pala iyon?" tanong ko noong imulat niya ang kaniyang mga mata. "Huh? Ay putangina mo pala, Ralph... anong ginagawa mo rito sa loob? Paano ka nakapasok?" sunod-sunod niyang tanong.
"Maya ko na ikwento. Sa ngayon pahiram muna ako ng 20 thousand, bayaran ko na lang next week kapag hindi na freeze ang account ko," ani ko. "Bobo kang bwesit ka. Pupunta ka rito para lang manghiram ng pera. Sandali kukuha ako. Pero nasaan si Danaya? Nakita mo ba?" tanong nitong muli. Tumayo na siya, hinihintay na lang ang sagot ko bago dumiretso sa kaniyang silid upang kumuha ng pera. "Danaya, iyon bang maganda? Ayon, sinundo no'ng mayabang na lalaki. Kaano-ano mo iyon, Jam? Pakilala mo naman ako minsan, oh! Ganoon iyong mga tipo kong babae."
"Geh, ready ka ng bonggang bouquet ng red roses tapos mamahaling perfume dahil mahilig siya roon. Set ko kayo ng date sa susunod na linggo kapag may pera ka na."
"Yon! Nice! Iba ka talaga, pinsan!" masaya kong bulalas. Niyakap ko siya nang mahigpit ngunit napakalas din kaagad dahil nanunuot sa ilong ko iyong amoy ng alak.
"Bobo, nagkataon lang na naghahanap siya ng lalaking magiging fake boyfriend niya. Since fake naman pagkatao mo, papayag ako na maging partner ka niya. Charot! Depende pa rin kay Danaya kung papayag siya, syempre. Kapag hindi ka niya trip, edi hindi. Kawawa ka."
"Mati-tripn niya ako, maniwala ka. Set mo kaagad date namin, ha? At saka ano pala ang fbook name niya nang ma-stalk ko, pati na rin cellphone number."
"Ewan ko sa iyo, dami mo namang hinihingi ngayong araw. Sinira mo na nga ang tulog ko, hayop ka."
"Hahahaha! Jam! Please! Kailangan ko! Para naman alam ko kung ano ang hates and like niya sa isang lalaki"
"LOL! Isa lang ang like niya at iyon ay si Dion. Ang hate niya ay yung mga lalaking hindi kamukha ni Dion, hindi kaugali ni Dion, in short, kapag hindi si Dion, hate niya."
Pagkarinig ko no'n, isa lang ang nasabi ko...
AGUY