"MASAYANG-masaya kaming lahat para sa inyo, Danaya!" sabi ni Jam sa kaniyang kaibigan habang nagpupunas ito ng luha. Wala ni isa ang hindi basa ang panyo. Lahat sila ay pare-pareho ang nararamdaman. Ang bagong kasal ay nakatayo, tinitingnan ang kanilang bisiita na pareho nila ay naging emosyonal sa pagtatapos ng sagradong seremonya. "Maraming salamat sa inyong lahat. Honestly, kulang ang salitang salamat para masuklian namin ni Dion ang tulong at suporta na ibinigay ninyo sa amin. Ang pagdalo niyo sa mahalagang okasyong ito ay isang bagay na hinding-hindi ko makakalimutan." "Kami rin. Hindi rin namin ito makakalimutan. Thank you for letting us be part of your life," sagot ni Jam. "Enough with crying. Dapat masaya tayo ngayo dahil kasal nina Dion at Daanaya ito. Dj! Music please!" Naghi

