DANAYA "Ginawa mo talaga 'yun kay Dion, Danaya? Grabe ka! Hindi ka man lang naawa? Kawawa sa iyo, eh," panenermon ni Jam. Kanina pa siya nanenermon akala mo naman talaga ginusto kong pahirapan si Dion. Kung may pagpipilian lang ako, hindi na ako manghihingi ng pagkain sa kaniya. "Anong magagawa ko? As if may laban ako sa paglilihi, duh?! That's part of motherhood, baka masapok kita dyan, Jam. Hindi ko gustong pahirapan si Dion, alam ng Diyos 'yon," depensa ko. Nanahimik ito, akala ko hanggang mamaya hindi na niya ibubuka ang kaniyang bibig, ngunit mali ako. Inubos lang pala niyang kainin ang popcorn sa kaniyang kamay bago muling magsalita. "Pero tangina naman, Danaya... sa lahat ng paglilihian mo, sa blue na strawberry pa? Saan maghahagilap si Dion no'n? Aba kung ako sa kaniya, hihi

