MARGA "Nabasa mo na ba ang mga inaakusasa sa akin, dad?" tanong ko sa matanda na nasa harap ko. Sinadya ko pa siyang puntahan dito sa garden dahil hindi ko siya mahagilap sa loob ng bahay. Tinanong ko si mom at hindi naman daw ito umalis kaya tinungo ko na siya rito. "Ano na naman iyan, Marga?" tanong niya, may inis na halo sa tono ng kaniyang pananalita. "Patay na iyong babaeng may-ari ng video kung saan sinasaktan ko si Danaya... ikaw ba ang salarin doon?" Hindi ito kumibo kaagad. Humigop muna siya ng tsaa, ipinagpatuloy ang pagbabasa ng tabloid ng ilang segundo bago ako balingan ng tingin. "I don't know what you're talking about. Bakit ko naman sasayangin ang pera at lakas ko para sa isang maliit na surot na kagaya niya? At saka bakit ako ang tinatanong mo niyan? Bakit hindi mo ta