DION 10:37 in the morning kami nakarating ni Danaya sa bahay. Kinarga ko pa siya patungo sa kaniyang kwarto dahil nakatulog ito sa byahe. Hindi ko na siya ginising dahil pagod ang kaniyang katawan at kanina niya pa iniinda ang pananakit ng kaniyang puson. "Manang, ano po kaya ang mainam na gamot sa pananakit ng puson dala ng regla? Normal po bang namimilipit sa sakit ang babae kapag mag ganoon? O dapat ko nang dalhin sa Hospital ang kapatid ko?" nag-aalala kong tanong kay manang. Hindi ako mapakali simula pa kanina dahil talagang sumisigaw si Danaya sa sakit. Mabuti na lang at noong nasa eroplano kami'y natitiis niya pa kahit papaano. Pero noong maka-landing na kami sa NAIA, doon na siya namutla. Gustong-gusto ko na siyang dalhin sa Hospital kung hindi lang siya nagpupumigil. Hindi ko