DANAYA Sinundan ko ng tingin sina Jam at iyong pinsan niya na papalabas na ng pinto. Hindi ako makapaniwala na kasama siya nitong naghintay sa akin kagabi sa bar. "Weird... ang weird niya," bulong ko. Habang nakikipag-usap ako sa kaniya kanina, parang hindi lang sa mata ko siya nakatingin kung hindi pati na rin sa aking kaluluwa. "Whoo! Goosbumps!" mahina at halos pabulong kong bulalas habang hnahawi ang balahibo sa magkabila kong braso. Umupo na akong muli hiinintay na makabalik si Jam. "Yo! Sensya na sa istorbo. Nakitulog kasi si gago sa bahay, ngayon lang nagising," kaagad na paliwanag ni Jam. Nilingon ko siya, hindi kumibo dahil wala naman akong isasagot sa kaniyang sinabi. Umupo na muli siya sa aking tabi, taas-baba ang kilay, animo'y sinasabi sa akin na ipagpatuloy ko na ang na