DION "I am looking forward to this collaboration, Mr. Dion. Malaki ang tiwala ko sa iyo dahil kita ko naman kung paano mo pinalago ang company na ipinamana sa iyo ng iyong ama. Masaya ako sa achievement na natatamo mo bilang isa sa mga batang CEO sa industriya. Naua'y hindi mo ako mabigo at hindi ko pagsisihan na ipinagkatiwala ko ang pera ko para sa bago mong project," ani Mr. Wang, ang nagmamay-ari ng ESM, sikat na supermarket. Matagal nang matalik na kaibigan ni dad si Mr. Wang. Nag-back out lang siya bilang stockholder sa company dahil nagkaroon siya ng doubt na hindi ko maha-handle ang naiwang obligasyon sa akin dahil sa ako'y bata pa lang at kaka-graduate lang noon sa college. After 3 years ng pagha-handle, sa wakas, nakuha ko rin ang kaniyang loob at napapayag siya na bumalik sa