DION "Thank you so much, Phobos and Amira. Sobra-sobra na ang naitulong niyo hindi lang sa amin kung hindi pati na rin sa lahat ng nagtatrabaho rito. I promise, hindi ko kayo bibiguin. Hindi masasayang ang investment niyo sa amin," sabi ko pagkatapos ng pirmahan ng kontrata. "No problem, Dion. Ahm, would you mind if mahiram ko saglit itong si Tim? I also have business with him," paalam ni Phobos. Napatingin ako sa Secretary ko na chill lang na nagkakape. Tinuro niya ang kaniyang sarili dahil hindi siya makapaniwala na kakausapin siya nito. "Yeah. Makakapaghintay naman ang gawain niya," sabi ko. Tumango ng tatlong beses si Phobos tapos nilapitan na niya si Tim para isama sa pagsibat. Pinagmasdan ko sila hanggang sa makaalpas sila sa pinto. Pinaikot ko nang bahagya ang swivel chair, tina

