"WHAT? So, sinasabi mo sa akin na mamo-move 'yung kasal nina Danaya? Instead na next week, magiging bukas?" hindi makapaniwalang tanong ni Amira sa kaniyang asawang si Phobos. Kasalukuyan silang nasa sasakyan, binabagtas ang mahabang kalsada patungo sa kumpanyang pagmamay-ari ng magkasintahang Dion at Danaya. "Oo. Hindi ko na kasi pwedeng gawin pa ang plano sa susunod na linggo dahil pupunta akong America para isagawa ang misyon. Hindi ko naman matanggihan iyon dahil kami nina Deimos at Crik ang representatives ng Underground." "Iyon ba iyong nakarating sa akin na special mission?" tanong ni Amira. Kaagad na tumango si Phobos. "Kasama namin ang iba pang representatives... nasasabik akong makita kung ano ang kayang ibigay ng mga taga-Upperground, batang-bata ang kanilang ipapadala, kasing

