JAM Maaga kaming umuwi ni Tim. Actually inaya ko siyang umalis kaagad. Hindi siya pumayag noong una dahil nagkakasiyahan pa sila ni Dion kaya ang ginamit kong alibi. "Are you mad at me dahil inaya kita kaagad?" tanong ko sa kaniya para mabasag ang katahimikan. Simula noong pumasok kami sa sasakyan ay hindi na niya ako kinakausap. Alam ko kapag ganito siya, paniguradong magsisinungaling siya sa tanong ko pero ayos lang, hindi niya naman ako matitiis at sasabihin niya rin naman kaagad sa akin ang totoo. "Hindi sa gano'n. Alam mong hindi ako nagagalit sa iyo. Naguguluhan lang ako dahil para bang nagiging malayo na ang loob mo kina Dion. May nangyari ba noong muli kang bumisita sa bahay nina Danaya?" tanong niya. Hindi sa akin nakatuon ang kaniyang atensyon kung hindi sa kalsada kaya malaya

