DANAYA
Me and Dion... muntik na kaming mag-make out. For real, hindi iyon panaginip ko lang, hindi iyon dala ng alak.
"s**t! Then why did you beg him not to continue? Anong nasa utak mo, Danaya?! You f*****g b***h! Ahhh! Ayun na, you're about to devirginized by your dream man tapos umarte-arte ka? Ang kapal ng mukha mo!" sermon ko sa aking sarili habang nasa harap ng salamin. I'm in my room, siguro dalawang oras na pagkatapos naming makabalik ni Dion.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto kanina, kulang na lang gumulong-gulong ako sa sahig sa sobrang panghihinayang. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng takot. Sa sobrang overwhelmed ko sa mga nangyayari dahil finally! After years of pagiging abangerz kay Dion, he clicked the bait. Though hindi ko alam kung may gusto ba siya sa akin o 'yong actions niya kanina are for compliance lang, I don't f*****g care. As long as I can reach him like that, okay na ako.
"I must call, Jam. I need to tell her my situation. She's an expert pagdating sa ganitong bagay, alam kong matutulungan niya ako sa sunod kong dapat na gawin." I get my phone, hinanap sa contacts ang name ni jam and I click her number. Nag-ring ito kaagad and by the grace of God, sinagot niya kaagad ang aking tawag.
"Jam, what the f**k. Mas matapang pa 'yong panghalo mo kesa mismong alfonso! 'yan tuloy kaagad na nag-worn out 'yung alak sa katawan ko hindi ko kinaya iyong---"
"H-Hello? Miss Danaya? Ahm, nasa CR po si Jam, naliligo po siya."
Natigilan ako noong may pumutol sa sasabihin ko at hindi iyon si Jam. "Who the f**k are you?" tanong ko. Hidni siya jowa ni Jam kasi kilala ko ang boses no'n. Kung ito naman iyong afam, bagay lang sa kaniya na mamura.
"I'm Ralph, pinsan ni Jam." I quikly grasp air as I heard his response. "s**t! I'm so soryy! I didn't mean to curse you..."
"And you curse me twice, miss. Hahahah! That's okay, hindi naman nakaka-turn off 'yon, siguro hindi pag sa iyo galing." Kumunot ang oo ko dahil hindi ko nasundan kung ano ang sinabi niya. Naguluhan ako kasi ang dami niyang sinabi. Nakakahiya naman kung sumagot ako ng 'huh?'.
"Ahm, bakit alam mo ang name ko by the way? Sinabi nya ba ng pinsan mo sa iyo?" Usyoso kong tanong at para na rin maiba iyong usapan.
"Nabanggit po niya iyong pangalan niyo sa akin kasi po hinanap niya po kayo noong magising siya."
"Pfft. Masyado kang pormal as if you're talking to an old lady. I'm just 23! Stop the formality..." ani ko dahil naki-cringe ako sa pagpo-po niya. "Hahaha! Sorry. Hihintayin mo ba siyang lumabas sa banyo? Medyo matagal maligo itong pinsan ko, eh."
"I know right. Di bale, call me na lang, okay? Thank you... and nice to know you, Ralph."
"Me too. And I hope this will not end here, Danaya... let's meet sometimes and have a chitchat if you're not busy."
"Sure. Kung hindi mo pa alam, mayroon akong bar. Pwede tayo roon. Pero babalaan kita, hindi free ang inumin, okay? Kahit pa man pinsan ka ni Jam, hahaha!"
Tinawanan niya rin ako and then ayun, tatawag na lang daw siya ulit kapag g na siyang uminom. Hindi naman siguro siya minor na need pa magpaalam sa parents niya for permission to drink, or baka kay jam siya magpapaalam. Pffft... interesting itong pinsan ni gaga, bakit hindi niya kaagad ipinakilala sa akin.
Teka, sabi niya tatawagan niya ako ulit, did he mean na gamit ang number ni jam or... may number siya sa akin?
Napukol muli ang atensyon ko sa aking cellphone noong makatanggap ako ng text message from an unknown number.
"This is Ralph. Next time I'll introduce myself to you will be I'm your man."
Hahahahaha! Ang laki naman ng utak ng pinsan ni Jam! In fairness may sense of humor ito, hindi katulad niya na puro desire of flesh at walwal lang ang laman.
Narinig ko ang sunod-sunod na katok sa pinto. Ibinulsa ko kaagad ang aking cellphone tapos tinungo iyon. Pipitin ko na sana ang seradura ngunit napag-isip-isip ko na kung si Dion ang nasa likod ng pinto anong gagawin ko? How should I act? To react?
"Sino 'yan?' kabado kong tanong. Gusto ko lang makasiguro. Baka si manang ang nasa pinto tapos nag-o-overthink pa ako rito. "Ma'am ako po ito. Kain na raw po kayo sabi ni Sir Dion," wika ni manang. Nagpakawala kaagad ako ng malakas na buga ng hangin out of relief. Binuksan ko ang pinto tapos tumango ako at nagpasalamat kay manang.
"Si Dion? I mean si kuya? Kumain na ba siya?" mahina at halos pabulong kong tanong. Mahirap na, baka marinig ni Dion, isipin pa no'n masyado akong concern sa kaniya. I mean, totoo naman pero, syempre, I need to make pakipot kahit kaunti pa rin.
"Hindi po. Nagmamadali po siya kanina, parang may lakad po ang kapatid niyo, ma'am." Kumunot ang noo ko dahil saan naman siya pupunt? Perhaps sa company? Anong oras na papasok pa siya?
"Sige po, ma'am kasi po maglilinis pa ako ng banyo rito sa taas," ani manang. Tumango ako tapos ako na lang ang mag-isang bumaba.
"Sana wala si Dion... Sana wala si Dion," paulit-ulit kong bulong. Siguro bago ko ihakbang ang aking paa, nakakatatlo akong orasyon. "Ano naman kung naririto ako?" Nanlaki ang mga mata ko noong may bumulong sa aking tenga. Paglingon ko, hinigit ni Dion ang aking bewang, tama lang dahil muntik na akong mawalan ng balanse.
Sobrang lap[it ng mukha ni Dion. Na-conscious tuloy ako kung amoy alak pa rin ako. s**t! Baka mabantot na ako! Dapat pala naligo muna ako bago lumabas! Inuna ko pa kasing sermunan ang sarili ko kanina, walanghiya.
"Dion, bitiwan mo ako, makita tayo ni manang!" Halos ibulong ko na iyong mga salitang iyon dahil for sure hindi maganda ang hangin ngayon sa aking bibig. Mahirap na, baka ma-turn off si Dion. "Huh? Bakit hindi mo lakasan ang boses mo? Nahihiya ka ba na baka makita tayo ni manag? Hindi ba't ito ang gusto mong mangyari? Don't tell me nagbago kaagad ang iyong isip, Danaya..."
Pinaningkitan ko siya ng mata. Hindi niya naiintindihan ang sitwasyon ko. Kung nakaligo lang ako baka mag-ala tuko ako. Pinalo ko siya sa dibdib para bitiwan niya ako. Bumaba ako ng ilang bahagdan noong makawala ang bewang ko sa kaniyang kamay tapos sinenyasan siya na wag munang bumaba dahil may sasabihin ako.
"Mabaho ako kaya wag ka munang dumikit sa akin. Amoy alak pa ako, okay? Tsaka mo na ako hamunin ng kaandian, Dion kapag mabango na ako. Isa pa, akala ko umalis ka dahil sabi ni manang nagmamadali ka raw," mabilis kong paliwanag.
"May aaikasuhin lang akong mabilis, hindi iyon tungkol sa trabaho wag kang mag-alala. Mamaya papasok ka ba sa bar ni--"
"Sandali, sagutin ko lang itong tawag," paalam ko dahil biglang nag-ring ang aking phone. Nakita ko iyong name ng pinsan ni Jam, mukhang natapos na sa paliligo ang bruha. Pero bakit siya ang tumawag at hindi si Jam? Hindi niya pa ba sinasabi sa pinsan niya na tumawag ako kanina? Mautak 'tong demuho na ito... interesado ba siya sa akin?
Pffft...
Well, hindi na ako magtataka dahil sa ganda ko ba namang ito.
"Hello? Tapos na ba si Jam?" tanong ko sa kabilang linya. "Yep. SInundo siya ngayon ng boyfriend niya."
"Owww... taray naman talaga ng pinsan mo. Nasabi mo ba sa kaniya na tumawag ako? Siya kasi ang gusto kong makausap..."
Narinig kong nag-aww si Ralph, doon ko lang napagtanto kung ano ang nasabi ko. "Ohh! I'm sorry... hindi ko naman sinasabi na ayaw kitang kausap, pero kasi impor--"
"Who's that?" sabat na tanong ni Dion. Inilayo ko ang cellphone sa aking tenga tapos binalingan ng tingin si kuya. "Ahm, ano 'yong pinsan ni Jam," sagot ko. Nalukot ang kaniyag noo, inilahad niya ang kaniyang kamay animo'y nais hingin ang cellphone sa akin.
"Eh?"
"Gimme... ako ang kakausap," ani ya. "Hindi ayos lang. Hindi naman 'to masama or may intensyong masama."
"Are you siding with him?". "N-No! Why would I?" bulalas ko. Bumaba siya, gano'n din ang ginawa ko. Mas mabilis iyong mgahakbang ko kasi sabi ko nga sa kaniya mabaho ako, ayaw kong lapitan niya ako. Nakababa na ako, siya ay naglalakad pa rin.
"D-Dion..." tawag ko. Naramdaman kong tumama na ang hita ko sa upuan. Palapit nang palapit si Dion, palakas nang palakas ang t***k ng puso ko. Hawak ko nang mahigpit ang cellphone, di ko sure kung ibinaba na ni Ralph ang tawag, pero sana pinatay na niya.
"D-Dion, f**k--" Tinakpan ko ang bunganga ko noong hapitin ni Dion nang marahas ang aking bewang palapit sa kaniya. "Siya ba 'yung lalaki sa tapat ng bahay ni Jam kanina?" tanong nito. Ibinulong niya iyon sa aking tenga, dahilan para makaramdam ako ng kiliti. "I-I dunno... hindi ko siya matandaan," sagot ko.
Hindi ko intensyong umungol, pero gago... kahit masakit iyong pagkagat niya sa tuktok ng aking tenga, hindi sigaw ang inilabas ng aking bibig kung hindi ungol. Gago talaga ang sarili ko. Napakalandi. Shet. Ganito talaga siguro kapag nilalandi na ako ng lalaking pinapantasya ko lang noon.
"W-Wait... baka bumaba si manang," bulong ko noong itinutulak akong lalo ni Dion. Hindi ba niya nakikita? Nasa bungad lang kami ng hagdan. "I don't care, Danaya... if it bothers you that much, push me hard and I'll leave you alone."
Hindi na ako nagdalawang-isip pa at kaagad na inilingkis ang kamay sa leeg ni Dion. "Can-- Can I take a shower muna?" pakiusap ko. "Can WE take a shower, that's the coorrect sentence."
Kinarga niya ako after that cheesy line. Hindi ako makapaniwala. Hindi ako naniniwala na si Dion itong nasa harap ko ngayon. He's like sinapian ng god of love!
"Sa kwarto mo?" tanong ko dahil no'ng nasa taas na kami ay hindi siya dumiretso patungo sa aking room. "Yeah. Ayaw mo ba?" tanong niya. "Of course gusto! Gusto kong mapuno ng amoy ko ang silid mo. para kung may dalhin ka mang babae sa loob ecept sa akin, magdadalawang-isip siya dahil mas mabango ako sa kaniya," biro ko. Tumawa ito, ngunit mahina nga lamang.
"As if may iba akong papapasukin sa room ko."
"Tsss... kahit ni-request ng fiance mo? Nga pala, speaking of that eveil witch, anong plano mo sa kaniya? You love me, right? Hindi mo naman ako kakargahin nang ganito kung hindi mo ako mahal," wika ko. I'm testing him kahit na takot akong marinig ang hindi magandang sagot. Wala lang, masyado nang naging mataas ang confidence ko just because pinakitaan niya lang ako ng kaunting ka-sweet-an.
Hindi kumibo si Dion, nagsimula tuloy mabalot ng negatibo iyong puso at isip ko. Excited pa naman ako kasi magsha-shower kaming dalawa, tapos...
"I guess hindi mo babawiin ang engagement mo sa kaniya, right? Dahil iyon ang gusto ni dad. Wala na siya, can you just cut your connections with them? Kaya mo namang i-manage ang company ng wala ang tulong nila. Kung gusto mo, papasok na rin ako sa company para may katulong ka," suhestyon ko just to erradicate these f*****g annoying feelings of jealousy and madness.
"You know I can't, Danaya. Dahil kung pwede lang, matagal ko nang ginawa. This is one of the consequences, Danaya... kung hindi okay sa iyo, just tell me and I'll return to being a brother to you." wika niya. Nalukot ang noo ko tapos sinenyasan ko na ibaba na niya ako dahil nasa loob na rin naman kami
"As long as kasama kita... as long as mutual ang feelings nating dalawa, wala akong problema kung ano man ang set up natin. Kung palihim itong relationship natin, kung hindi mo hiwalayan iyong eveil witch mong fiance," tugon ko out of desperation. Syempre, may kaso sa akin na hindi legal itong nararamdaman namin ni Dion pero kung gusto niyang kami lang dalawa ang nakakaalam ng lahat ng ito, aarte pa ba ako? Ano ba pang silbi ng sakripisyo, paghihintay ko para sa kaniya, para sa moment na ito kung sa dulo naman pala ay kakalas din ako dahil lang hindi pabor sa akin ang lahat.
Hindi lang naman ako ang mahihirapan, kaming dalawa. At least, hindi ako nag-iisa....
Kahit na nakangiti si Dion, alam kong hindi siya lubusang masaya. Is he regretting na pinatulan niya ako? I don't want that... ayaw kong mag-back out siya. Hindi ko pa nga alam kung genuine itong lahat or para lang tantanan ko siya... hindi ko na inisip iyon. In-assume ko nang mahal talaga ako ni DIon.
Kaya simula ngayon, I'll do everything para hindi na ito matigil pa.
Kahit siguro umabot sa punto na magmakaawa siya, I won't let him to leave me again and settle as his f*****g little sister.