Chapter 31 “…maraming salamat po,” sabi ni Christine nong matapos siyang magkwento at iabot ang bolang muli kay brother Mike. Siya kasi ang naabutan nong pangalawang ikot nong bola. Yong iba halos mag-iyakan na sa kwento niya at paglaban niya sa cancer niya araw-araw. “Maraming salamat din, Christine.” Sabi ni Brother Mike nang makuha niya ang bola. “Sige umpisa uli tayo,” sabay bato niya uli yong bola, “ready sing!” Tumatawa pa siyang sigaw at sabay-sabay uli kaming kumanta. “Old Macdonald had a farm…e-i-e-i-o…and on his farm he had a cow… e-i-e-i-o…” Binabato-bato namin kani-kanino yong mga bola at minsan pabiro nilang hinahawakan bago nila iaabot sa iba. Kapag sa kantahan na ganito tuwang-tuwa sila pero ‘pag makikinig nan g kwento tungkol sa kada-isa, nawawala na ang saya at napapal