Chapter 30

1175 Words
Chapter 30 Bigla na lang ako nagising sa ingay na meron sa bus, naramdaman ko na lang na nakasandal ang ulo kong kaninong balikat, nakayakap pa ako kaya agad akong lumayo at umayos ng upo. Nagulat ako nang makita si Adam na katabi ko ngayon na nakangiti sa ‘kin at hindi si Kelly. Hindi ko maiwasang magtaka at mapataas ang kilay ko sa kanya. “Anong ginagawa mo rito?” Tanong ko sa kanya habang pinupunasan ang mukha ko dahil baka may panis na laway ako. Napaisip din ako kong ilang oras akong nasa ga’nung posisyon sa kanyang nakasandal at nakayakap habang natutulog. “Katabi ka, nakipagpalitan ako kay Kelly kanina.” Speaking of Kelly naririnig kong nangingibabaw ang boses niya sa pagsasabay na pagkanta ng ilan sa amin sa kanta ni Jason Mraz na I’m Yours. Medyo malakas din ang patugtog ng kanta na yon sa radio. Muli akong napasulyap kay Adam at napansin ko ring may araw na habang nagpapatuloy pa rin kami sa biyahe. “Kanina ka pa dyan?” Sandali siyang napaisip, “hindi ako sure, diba sabi ko sa ‘yo babantayan kita.” Hindi na ako nagsalita at nag-ayos ako ng upo ko sa puwesto. “Nagugutom ka ba?” “Medyo,” sabi ko na lang. Kinuha naman niya yong bag niya at binuksan ‘yon, napansin kong puno rin sila ng dalang pagkain pero mas marami siyang dala na halos sandwich. Habang pinapanood ko siyang kumuha ro’n ng pagkain. Napansin ko naman nagbago ang tugtog at nakita kong tumayo na si Kelly habang kumakanta naman sa You and Me ng Lifehouse. Para siyang entertainer at hinaharanahan kami. Nagkukuwanri pang vocalist ng banda at may hawak na bote ng tubig para gawing mic niya. Napangiwi naman ako, “ano bang nakain niya? Nakapag-almusal na ba siya?” Simple kong tanong kay Adam. Natawa naman si Adam sa tanong ko at inabot ang sandwich na kakabukas pa lang niya. “Oo naman kanina pa,” saka naman siya kumuha ng kanya at kumain. Lumipat na si Kelly sa tabi ni Kent at ‘yon naman ang pinagdiskitahan niya. “Hindi ka titigil, sasapakan na kita ng bote ng tubig yang bibig mo,” masungit na pagbabanta ni Kent kay Kelly pero mukhang hindi naman natinag si Kelly. Natawa na lang kami ni Adam habang kumakain ng sabay. Napansin kong may mayonnaise ang gilid ng labi niya kaya pinang punas ko ang hinlalaki ko, kaya nagulat siya sa ginawa ko, “ang dumi mo kumain,” sabi ko. Hindi ko agad nabawi ang kamay ko nang kunin niya ang kamay ko at sipsipin ang mayonnaise sa daliri ko. Nag-init ang pisngi ko at namilog sa kanyang ginawa. Agad kong binawi nong binitawan niya ako. Hindi na ako umimik at narinig ko na lang siyang tumawa sa tabi ko. Napangiwi na lang ako sa hiya at parang ang lakas niyang mang asar ngayon. HUMINTO muna ang bus namin sa isang gasolinahan, para makapagpahinga sandali at makagamit ang ilan sa amin ng banyo ang may gusto. Kahit wala naman kaming gagawin, lumabas na lang din kami para maunat ang mga legs namin dahil sa biyahe, may dalawang oras pa at makakarating na rin kami sa pupuntahan namin. “Ang ganda ng tanawin oh,” turo ni Adam sa ‘kin habang nakaturo sa foggy part ng mga nagtataasang bundok malapit sa amin dahil nasa papaakyat na kami sa Celestine Mountain. Wala na ring gaanong dumadaan na kotse at hiwa-hiwalay ang mga bahay naroon. Naglakad kami papalapit sa kabilang sidewalk para matanaw ng maayos at madungaw ang bayan sa baba. Napakaliit nila tignan pero hindi naman nakakatakot tignan bagkusa pakiramdam ko napakalakas mo dahil mas mataas ka sa kanila. Doon ko na lang naramdaman na tumabi sila Kent at Kelly sa amin. Ngayon lang ako nakarating dito kaya masasabi kong ito ang pinakamagandang view sa Celestine. “Picture tayo guys,” yaya ni Kelly at saka niya nilabas ang phone niya para sa picture taking. Umayos naman kami ng puwesto namin at nagdikit-dikit kami para makita sa camera. Siya ang may hawak at nag-selfie na lang kami gamit ang front camera. Ilang beses kaming kumuha at pati ang mismong lugar. “Kayo naman ni Adam,” hinila naman ni Kelly si Kent, “lumayo ka dyan, nakakapangit ka sa view nong dalawa,” biro nito bago sila tuluyang lumayo at natatawa na lang ako sa kanila. “1...4…3…Cheese!” Pagkasabi ni Kelly sabay kaming ngumiti ni Adam sa picture. I am happy na kasama ko na naman ‘tong mga ito sab ago kong adventure. Pagkatapos namin doon at nag-umpisa na ang biyahe namin. Naging maingay na naman ang buong biyahe sa pangunguna ni Kelly at hinayaan lang siya dahil mas natutuwa nga yong mga kasama namin sa kanya dahil sa pagiging makulit niya. Makalipas lang ng dalawang oras nang tuluyan na kaming nakarating sa mismong bundok ng Celestine pero hindi naman namin kailangan umakyat sa pinakatuktok. Nag-tulong-tulong kaming apat na maibaba ang mga gamit namin. Puno ng mga pine tree ang lugar, mas malamig sa bundok na ito at medyo foggy rin ang lugar. May isang malaking wooden house sa gitna ng bundok pero para lang yon sa mga babae at sa mga tent na itatayo ang mga boys. Kasi gagawa rin ng bon fire mamayang gabi at mag-uumpisa na rin ng activity namin para sa ngayong araw. Hinayaan lang kami ni brother Mike na ayusin ang mga gamit namin at mag-umpisa na sa pagtatayo ng tent. Nong maayos ko ang gamit ko kasama sa ilang magiging roommates ko, sila Adam naman ang tutulungan ko sa pagtatayo ng tent sa iisang tent lang naman sila magkakasama. Nong matapos naming maayos ang lahat do’n naman kami nag-umpisa. Lahat niya kami’y pinaupo ng Indian seat sa lupa na may sapin. Nagpaliwanag si brother Mike ng mga gagawin namin, kada-team na mahahati ang maglilinis at magluluto. Alam naman nila kong sino ang hindi pwede ro’n at maaring makatulong. “Para sa una nating activity ngayong araw, magkakaroon tayo ng 5 minutes sharing stories,” saka niya nilabas ang kulay asul na laruang bola, “lahat tayo’y kakanta ng Old Mac Donald Had A Farm habang pinagpapasa-pasahan ang bola na ito, kahit na anong sharing ang pwede ninyong pwedeng ibahagi na hindi mo pa nasasabi kahit kanino, sa oras na huminto at sumigaw ako ng STOP, kong kanino man ang huling humawak ng bola siya ang magkwento ng gusto niya.” Paliwanag ni brother Mike. May ilang natawa at may ilan naman na para bang nahiya sa laro. “Syempre wala naman makakalabas dahil atin-atin lang ito, matuto tayong magtiwala sa mga kasama natin dahil pare-parehas kayong nakakaranas ng lungkot at kayo-kayo lang din ang magkakaintindihan sa bawat isa.” Dagdag pa niya. Tama siya, siguro kaya habang tumatagal kaya kami naging malapit sa isa’t isa dahil nagkaintindihan kaming apat. Doon naman nag-umpisa ang pagkanta at pinasa na niya sa unahan. Nakaramda kami ng excitement sa laro na yon at may ilan na minamadali sa pagpapasa ng bola sa kasama o katabi nila, kaya natatawa rin kami at halos ibato nila ang bola.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD