Chapter 29
Pagkatapos ng date na ‘yon mas lalo pang naging clingy si Adam sa ‘kin, palagi siyang nagtatanong sa chat and text kong ayos lang ba ako. Minsan napapangiti na lang ako sa mga mensahe niya kahit wala namang nakakatuwa at bigla na lang kinikilig lalo na ‘pag nag-aalala siya sa ‘kin. Hindi ko pa nasasabi kila mama o kay Kelly yong tungkol sa amin pero pakiramdam ko nakakahalata na sila.
Magkakaroon kami ng three days last group activities ng chapel kasama sila brother Mike at lahat ng members sa session bago matapos ang taon. Hindi naman gaanong malayo at malapit na bundok lang kami pupunta. Noong nakaraang taon nagkaroon kami ng pamimigay ng mga regalo sa mga bata at nagpakain sa mga kapos-palad. This time napili ni brother Mike ang activities na para naman daw amin para maiba naman daw. Para rin daw ito mapatibay ang relasyon namin sa bawat isa at makilala pa namin kong sino pa ang hindi pa namin masyadong nakakausap.
Syempre kailangan tignan ang kondisyon namin lalo na yong may mga sakit kong kaya bang sumama, pero sinabi ni brother Mike na may kasama kaming medic na magbabantay sa iba at ngayon lang daw ito mangyayari.
Sa una hindi ako gustong payagan ni mama dahil pakiramdam niya delikado kong hindi namin siya napilit ni Kelly baka ako lang ang hindi nakasama sa apat. Sa wakas pinayagan din niya ako. Maaga pa lang ng makapaghanda na kami ng kailangan naming gamit at kailangan naming gumising ng maaga para makahabol sa biyahe.
Kailangan din gumising nila mama at tito Mark para handaan kami ng pagkain na babaunin at si tito Mark naman ang maghahatid sa amin ni Kelly sa chapel.
“Handa na ba ang lahat?” Tanong ni mama habang tinutulungan ko siyang ilagay isa-isa ang mga baon sa iisang bag lang.
“Okay na ma,” sabi ko saka ko sinara ang zipper ng bag.
Pagkaharap ko sa kanya ay agad naman niyang kinuha ang mukha ko at binigyan ng halik sa noo. Napangiti naman ako ng lumayo siya sa ‘kin, “mag-iingat ka.”
“Opo ma, salamat po.”
Si Kelly naman ang hinarap niya, “ingatan mo ‘to,” sabay turo sa ‘kin.
“Opo, boss, makakaasa po kayo nasa ligtas na kamay ni Ver,” natawa na lang ako sa biro ni Kelly.
Tinulungan niya akong buhati ang gamit ko at siya na mismo ang naglakad sa likod ng kotse ni tito Mark ang mga gamit namin. Sobrang lamig sa labas ng makalabas kami kahit nakasuot na ako ng jacket at madaling araw pa. Pumasok na si tito Mark sa driver seat, si Kelly sa passenger seat at ako naman ang nasa likod habang katabi ang mga gamit namin ni Kelly. Binaba ko ang salamin ng kotseng malapit sa ‘kin at kinawayan ko si mama sabay flying kiss. Kumaway naman si mama pabalik.
Ilang minuto lang ang nakalipas nang makarating kami sa chapel, pagka-park ni tito Mark ng kotse niya, medyo marami na rin ang tao ro’n na makakasama namin sa three days stay in namin sa Celestine Mountain para sa special session na magaganap doon. Kasama ang mga magulang nila, tinutulungan silang maglagay ng mga gamit nilang dadalhin sa biyahe, do’n ko natanaw si Adam at Kent na magkasama at mukhang naghihintay sa amin.
Gusto ko sanang lumapit agad ngunit hindi pa ako pwedeng magpahalata sa kanilang lahat lalo na’t hindi ko pa nasasabi ang totoo. Pagkababa ko ng kotse, tinulungan kami ni tito Mark sa pagbaba ng mga gamit at saka naman lumapit sila Kent at Adam sa amin. Hanggang ngayon hindi pa rin nila alam nila Kent at Adam naman ang tungkol kay Kelly.
Nakangiting kinuha ni Adam ang bag ko na hawak, “tulungan na kita.”
“Salamat,” pagpipigil ko nang kilig na nararamdaman ko dahil ngayon na lang uli nagkita simula noong last date namin.
“Tabi tayo sa upuan…”
“Ah.”
Papayag na sana ako nang magsalita si Kelly, “sorry pero kami ang magkatabi ni Ver sa buong biyahe sabi ni tita sa ‘kin.”
Nagulat naman ako sa sinabi niya at gustong tumutol dahil wala namang nangyaring ga’nun.
“Kaya ba kayo magkasabay ni November?” Tanong naman ni Kent.
Tumango naman si Kelly bago sumagot, “oo.”
Napasulyap na lang ako kay Adam, “sorry,” bulong ko.
“Ayos lang.”
“Halika at baka maiwan kayo ng bus ninyo.” Saway naman sa amin ni tito Mark.
Sumunod na lang kami at dinala na namin ang mga gamit namin nang makasakay kami ng bus. Isa lang ang bus na gagamitin pero kasya kami ro’n dahil medyo malaki rin ito. Naupo kami ni Kelly sa pinakadulo sa may kanan parte at nasa unahan namin sila Adam at Kent na magkatabi naman. Nang maayos namin ang gamit tuluyan na kaming nakaupo.
Nong mag-umpisa ang biyahe ilang beses na sumisilip sa ‘kin si Adam kahit na nasa harapan namin siya na siyang pinagtaka ni Kelly.
“May problema ka ba?” Tanong ni Kelly sa kanya.
Umiling siya, saka ako pinasadahan ng tingin at umupo ng maayos. Ilang minuto nang mapansin kong natahimik si Kelly sa tabi ko at nang tignan ko siya nakapikit na pala ang mga mata sa tingin ko natutulog siya.
Pasimple ko na lang na kinuha ang phone ko at saktong may mensahe galing sa kanya.
[Adam: Ano bang trip ni Kelly?]
Natawa na lang ako sa mensahe niya bago ako nag-reply.
[November: Hayaan na lang natin siya.]
[Adam: Gusto ko dito ka tumabi sa akin.]
Nag-init naman ang pisngi ko dahil sa mensahe na ‘yon.
[Adam: Ngayon na lang uli tayo nagkita, pinagkaitan pa :(]
[Adam: Dito ka na, please.]
Huminga ako ng malalim at hindi na nag-reply pa sa kanya. Tumayo ako, dumungaw sa kanila kaya parehas silang nagulat sa ‘kin at napatingin sila Kent at Adam.
“Kent, pwede palit tayo?” Nagpa-puppy eyes pa ako para lang pumayag siya.
Tinaasan niya ako ng isang kilay niya bago siya sumagot, “ayoko nga.”
“Sige na, palit lang tayo tapos balik ka naman dyan mamaya,” sabi ko uli.
“Kent, payagan muna,” dagdag pa ni Adam. Kaya pasalit-salit ang tingin niya sa amin. Hinihintay ko ang sasabihin niya pero sa huli, “ayoko ko nga,” saka siya pumikit at inayos ang pagkakasandal ng likod sa upuan niya.
Bumagsak ang balikat kong napasulyap kay Adam na malungkot din, pinilit ko na lang na ngumiti bago ako naupo sa upuan ko.
[November: Sorry wala tayong magagawa.]
[Adam: Ayos lang yan baby, magkikita naman tayo pagbaba at pagkakain na. Kong inaantok ka pahinga ka muna o matulog. Bantayan na lang kita kahit hindi tayo magkatabi.]
Pakiramdam ko tuloy pinagtutulungan kami ni Kent at Kelly. Alam na kaya nila? Napabuntong-hininga na lang ako at napasilip sa bintana hanggang sa dalawin na naman ako ng antok habang nasa biyahe.