Chapter 28
Pagkatapos naming mag-almusal sa diner niyaya naman niya akong magpunta sa bagong gawang public library sa bayan. Wala naman gaanong naroon at iilan lang ang nagbabasa sa loob. Pabilong ang ayos ng gusali at may salamin na bubong ang public library. Siguro dito tumatambay yong mga walang pambili ng bagong libro kasi may mga naka-display doon na mga latest international books na madalas basahin ng mga kabataan ngayon at yong mga sikat na ginagawang movie adaptation.
Ilang beses kaming kumuha ng litrato na magkasama at minsan mga solo pictures habang nasa loob kami. Kahit na iilan lang ang naroon hindi kami pwedeng mag-ingay bilang paggalang na rin. May mga succulent plants at pang inside plants na naka-display din sa kabilang gilid. May second and third floor kong saan magkakaibang section kada bookshelves. Puros salamin ang nasa third floor kaya doon kami tumambay dahil kitang-kita ang palibot ng bayan 360 degree. Nakasandal ang likod namin sa bintana habang nagbabasa ng librong napili namin.
Nang matapos kong basahin ang short story na pang bata, tumayo naman ako at bumalik sa shelves kong saan ko nakuha ang libro na yon. Hinahanap ko kong saan ko ba siya kinuha hanggang sa makita ko ang bakante sa shelves at muling naghanap pa ng iba pang babasahin para na ring pang palipas oras.
Hindi ko napansin na nakasunod pala si Adam, kukunin ko na sana yong isa pang libro nang maramdaman kong humawak din siya sa kamay ko na nakahawak sa librong kukunin ko rin sana. Nagulat ako nang nasa likod ko pala siya at sobrang lapit niya sa akin. Dahil din sa gulat aksidente akong napaharap sa kanya nong bumita ako sa libro. Pero parang mali ata yong ginawa ko, namimilog ang mga mata kong nakaharap sa kanya dahil sobrang lapit ng mukha namin sa isa’t isa at yong kamay niya nanatiling nakahawak sa libro.
Sa isang iglap parang nabuhay ang natutulog kong puso nang bigla na namang bumilis ang t***k ng puso ko. Dapat aalis na ako sa ganung posisyon namin pero para akong na hipnotimso at hinila pa papalapit ng kanyang mga kumikislap na mata niya. Napalunok ako dahil nanunuyot ang lalamunan ko at kaunti na lang gusto ko nang sabihin kong anong nararamdaman ko para sa kanya pero pinigilan ko ang sarili ko.
Pinikit ko ang mga mata ko para iwagli ang iniisip na yon at para hindi ko rin masabi kong ano itong nararamdaman ko. Ayoko ring magdala sa mga titig niya sa akin. Ididilat ko na sana ang mga mata ko nang maramdaman ko ang malambot niyang labi sa labi ko, na talagang nagpagulat sa ‘kin.
Tuluyang namilog ang mga mata kong nakatitig sa mukha niyang sobrang lapit sa ‘kin at nakapikit ang mga mata niya. Tuluyan ko nang ibinaba ang pride ko, natatakot man ako sa kakalabasan nito pero wala na akong nagawa pa nang nagpadala na ako sa nararamdaman ko. Naramdaman ko na lang na dahan-dahan niya akong itinulak sa shelves at napahawak sa likod ko habang hinahalikan niya ako.
Ito ang unang pagkakataon na naramdaman ko ito at sa kanya pa. Dahan-dahang gumagalaw ang mga labi niya at binigyan ko siyang laya para magawa niya ‘yon. Parang mga sariling buhay ang mga kamay ko nang dalhin ito sa batok niya para humawak doon. Maingat, para bang kalkulado at hindi nagmamadali. Sa halik na yon nararamdaman ko kong anong gusto niyang iparating at gusto kong sabayan ang halik na binibigay niya sa ‘kin.
Dahan-dahan siyang kumalas sa pagkakahalik na sobrang lapit pa rin ng mukha namin sa isa’t isa at idinilat ang mga mata. Ramdam ko pa rin yong bilis ng t***k nong puso ko at hindi ko na ito mapahinto.
Nakita kong sumilay ang ngiti sa kanyang labi, “I love you, November, I love you, my angel and my universe.”
Mas lalong nagwala ang puso ko nang marinig ko sa kanya ang mga katagang ‘yon, ang matagal ko nang hinihintay.
Natawa ako ng mahina, “gusto rin kita, I love you, Adam,” nag-uumpaw ang nararamdaman ko na para bang gusto kong ipagsigawan at hindi ako mapakali.
Binigyan niya ako ng halik sa labi saka niya ako yinakap, yumakap naman ako pabalik at isinandal sa dibdib niya ang ulo ko. Sana habang buhay kaming ganito at sana lagi na lang kaming ganito.
KATULAD ng napagdesisyunan namin kanina na pumunta sa Christmas village nong pumatak ng 6 pm sa hapon. Tamang-tama lang ang dating namin at medyo marami-rami na rin ang nasa loob. Medyo humahaba na rin ang pilang nakasunod sa amin, mga bata, pamilya at ilang couples na gustong mag-date sa loob. Nong makapasok kami sa loob naramdaman agad namin ang lamig dahil parang ice ages ang lugar dahil may mga statue na gawa sa yelo.
Pagkatapos naming magsabihan ng nararamdaman sa library naging masyado na siyang clingy at hindi niya binibitawan ang mga kamay ko. Ilang beses niya ako binibigyan ng halik sa noo at tinatanong kong okay lang ako which is nakakataba ng puso ang pag-effort niya.
Ilang beses kaming kumuha ng litrato kong saan-saan, may ilang wacky pose at may ilang magkasama namin kami na masaya lang. Huminto kami sa isang part ng Christmas village na may artificial ginger bread at may light post sa tabi ng bench kong saan kami nakaupo.
Tinitignan namin isa-isa yong mga pictures na nakuha namin at sabay naming pinagtatawanan ang isa’t isa.
“Ang pangit mo rito,” sabi ko sabay turo doon na sobrang yakap niya yong sarili niya.
“Hindi kaya,” sabay tawa niya.
Natigilan kami at namangha nang umulan ng artificial snow sa loob ng village. Lalong natuwa ang mga batang nasa loob kasama namin, para rin kaming mga bata na nakikisali at tumingala sa taas para salubungin pa ang pagbagsak sa amin. Nang huminto ako hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya at nang mapansin niya yon ay tinignan din niya ako pabalik.
Yumuko siya at para bang atomatik na alam ko na ang gagawin niya kaya tinakpan ko ng isang kamay ko ang bibig ko. Kaya natigil siya, “kanina ka pa,” sabi ko sa kanya dahil totoo naman, ilang beses niya akong ninakawan ng halik ‘pag walang nakatingin sa amin.
“Ayos lang din,” nilapit pa rin niya ang mukha niya at hinalikan na lang ang kamay kong nakatakip sa labi ko. Bahagya siyang lumayo at ngumiti kaya napangiti rin ako. No one question in our feelings to each other, basta alam lang naming mahal namin ang isa’t isa. Yinakap na lang niya ako kaya nawala ang pagkakatakip ko sa bibig ko.
“Gusto ko ‘tong gawin araw-araw na kasama ka,” sabi niya habang yakap niya ako.
“Ako rin,” kasi para kang nakalutang sa eri sa harap ng pakiramdam at hindi sana hindi na ito matapos.