Chapter 27
Tinulungan namin si Kelly na maglinis noong isang guest room para sa kanya at binigyan namin siya ng damit na galing kay tito Mark. Hinayaan na lang kami ni mama dahil may iba pa siyang aasikasuhin. Tahimik lang ako nag-ayos ng sapin ng kama habang nagwawalis naman si Kelly sa sahig. Tinambakan lang namin ng gamit yon kaya madaling alisin para magamit niya.
“Ver,” napasulyap ako nang tawagin niya ako. “Thank you sa inyo ng pamilya mo at sa mama mo.”
Ngumiti na lang ako sa kanya, “wala ‘yon, ano ka ba.”
“Nahihiya pa rin ako,” sabay kamot niya sa batok niya.
“Wala ‘yan, masasanay ka rin, promise wala lang yan sa amin.”
Sandali kaming natahimik bago siya nagsalita, “pwede bang ‘wag mo munang ikwento sa kanila, nahihiya ako, baka kong ano rin gawin nila ‘pag nalaman nila, mas okay na tayo dalawa lang ang nakakaalam, ‘pag kaya ko na, ako na mismo ang magsasabi sa kanila at ‘wag kang mag-alala, ako magbabantay at magtatangol sa ‘yo.”
“Naiintindihan ko pero hindi ko kailangan ng guardian, kaya ko ang sarili ko.”
“Paano iba ang guardian mo,” biro niya at saka niya tinaas-taas ang kilay niya sa ‘kin.
Natawa na lang ako sa biro niya, “sino ba ‘yan?”
“Sino nga ba?” Saka siya nagkunwaring nag-iisip habang nagkakamot ng baba niya.
“Sige na, ikaw na bahala rito puntahan ko lang si baby,” paalam ko sa kanya.
“Sige na, kaya ko na ito.”
Saka naman ako lumabas ng silid niya. Lumipat naman ako ng sa ‘kin na malapit lang sa kanya. Napahinto ako sa mismong pintuan nang maka-received ako ng mensahe sa messenger at binuksan ‘yon.
[Adam: Hey]
[November: Hoy]
[Adam: May gagawin ka ba bukas ng umaga?]
[Adam: Simba tayo, pwede ka ba?]
Napangiti ako nang mabasa kong niyaya niya ako. Hindi na ako nagdalawang isip at nag-reply sa kanya.
[November: Yes, simba tayo.]
[Adam: Sunduin na lang kita bukas :)]
MAAGA akong nagising kinaumagahan, hindin rin ako agad nakatulog kagabi kakaisip kong anong susuotin ko at bigla akong na-conscious na dapat maayos ako sa simba namin ni Adam. Alam ko dapat magsisimba lang pero nakakaramdam ako ng excitement. Nang magising ako, nilinis at niligpit ko ang kama ko. Naghanap ng pwede kong masuot kahit pang alas-siete pa naman ang oras ng simba.
Kong ano-ano na ang hinugot ko sa kabinet, dati naman kahit ano naman ang sinusuot ko at wala naman akong pakialam hindi ko alam kong bakit ako nagkakaganito. Pakiramdam ko walang babagay sa ‘kin sa mga damit ko.
“Ang hirap naman,” bulalas ko, “bahala na.”
Basta na lang ako kumuha ng damit do’n bago ako dumiretso ng banyo para maligo.
Pakanta-kanta pa ako sa banyo habang naliligo at sinuguro kong nasabon ko lahat ng parte ng katawan ko. Pagkatapos kong maligo, nag-ayos na ako at sinuot ang pinili kong damit. Simpleng floral white dress, cardigan na color brown and white at simpleng cream doll shoes. Pag-check ko nang oras nanlaki ang mga mata ko na halos 6:30 am na pala. Agad na akong lumabas ng silid ko kahit hindi pa ako nakakasuklay ng buhok at mapahinto ‘ko nang makita siyang nakaupo sa sofa sa may sala. Kausap sila mama at tito Mark na parehas pang nakapantulog.
Nakasuot lang siya ng simpleng jeans, black tennis shoes, white shirt at pinatungan ng black chequered long sleeve polo shirt na nakabukas lang. Dahan-dahan akong bumaba kaya napasulyap sila sa ‘kin lalo na siya at tumayo.
“Hindi ka nagsasabi na magsisimba pala kayo,” sabi ni mama.
“Sorry ma,” nahihiya kong sabi dahil nakalimutan kong nakapagpaalam sa kanya.
“Ayos lang, nakapagpaalam na si Adam sa amin na aalis daw kayo.” Sabi naman ni tito Mark.
Bahagya akong napasulyap kay Adam na nakatingin pa rin sa ‘kin, bago ako sumulyap kila mama, “thank you po.”
“Alis na kayo, baka ma-late pa kayo sa misa.”
“Sige po tita, salamat po.”
“Pakiingatan ang anak ko at pakibalik ng buo,” biro ni mama.
“Ma,” saway ko kay mama at tinawanan lang niya ako.
Sumunod na lang ako kay Adam palabas ng bahay. Napansin ang kulay asul na lumang vintage car.
“Sa ‘yo ‘to?” Tanong ko sa kanya.
“Oo, lumang kotse ni papa, hiniram ko.”
“Maganda.”
“Salamat.”
Saka niya akong pinagbuksan sa may passenger seat. Saka niya naman nagbukas at sumakay sa may driver seat. Pinaandar niya ang makina at nagmaneho. Hindi ko alam kong anong sasabihin ko at paano ko uumpisahan para hindi naman awkward kasi ngayon na lang kami naiwan na dalawa.
Napasulyap ako sa kanya, “kanina ka pa ba doon sa bahay?”
“Yes.”
“Bakit hindi ka man lang nag-text para hindi ka naghintay?”
“Nahiya nga ako kila tita at tito kasi an gaga kong pumunta pero naintindihan naman nila kasi nga yayayain kitang magsimba. Mag-almusal na lang tayo pagkatapos ng simba kasi alam kong hindi ka pa nag-aagahan.”
“Naku, ayos lang.” Saka ako tumawa ng mahina.
“Kumusta naman ang araw mo kahapon?”
“Okay naman, alam mo ba…” Saka ko lang napagtanto na kamuntik ko nang sabihin sa kanya kong ano yong nangyari kahapon tungkol kay Kelly.
“Ano ‘yon?” Nagtataka niyang tanong nang hindi ko naituloy.
“Alam mo ba na binuksan na ‘yong Christmas village sa down town?” Pag-iiba ko ng usap namin.
“Oo, kagaling lang ng ilang kakilala ko, gusto mo bang pumunta ro’n.”
“Pwede naman kong kaya pa ang oras.”
Mga 15 minutes bago kami nakarating sa chapel at halos mag-uumpisa na ang misa nang makarating kami. Agad kaming humanap ng mauupuan at napili namin sa pinakadulo na dahil medyo puno na rin.
Tahimik lang kaming nakikinig sa sermon hanggang ‘ama namin’ na kami at kailangan naming maghawakan kamay. Kasama mo ang isa sa importanteng tao sa buhay mo at makasama siyang magsimba ay isa sa pinakamagandang pwedeng mangyari sa ‘yo. Napakagaan at isang lalaki ang magyayaya sa ‘yo dahil bihira na lang ang lalaking katulad nila.
Nasa ‘peace be with you’ part na nang sakto kaming magkaharap at magkatitigan. Parehas kaming napangiti sa isa’t isa at nagbatian.
“Peace be with you,” sabay naming bulalas sa isa’t isa.
Nang matapos naman ang misa ay agad kaming dumiretso sa diner na malapit sa park at doon sabay na nag-almusal. Hindi muna kailangan ipaalala sa kanya kong ano ang pwede sa ‘kin at hindi dahil alam na niya kong ano ang pwede at maari kong kainin.
Nag-order siya ng dalawang pancake para sa amin at gatas. Sabay kaming kumain at nagkwentuhan pa ng ilang bagay tungkol sa mga nangyari sa amin kahit na napag-usapan na namin ‘yon sa text at chat. Hindi nakakasawa at para bang walang tapong oras. Parang lahat sa kanya ay maganda at dahil do’n may lalong nag-udyok sa ‘kin na ipagsigawan ang nararamdaman ko para sa kanya.