Chapter 26

1171 Words
Chapter 26 Nag-umpisa na ang Christmas break at ngayon ko lang naalala na makikita ko pa pala sila Kent, Adam at Kelly kahit papaano sa chapel. Wala raw balak ang mga pamilya nila lalo na ang pamilya nila Adam at Kent na magbakasyon o mag-out of town kaya mapapasama pa sila sa mga activities ng chapel sa mga susunod pang araw. Nakakapag-chat pa rin kami kahit hindi kami madalas na magkita. Sabado ngayon at nag-browse lang ako sa internet nang makatanggap ako ng mensahe. Kinuha ko ito at binuksan. Nakita ko agad ang bungad ng pangalan ni Kelly. Hindi ko pa nababasa ang mensahe niya nang makatanggap na naman ako ng mga sunod-sunod na text galing sa kanya. Agad akong naupo sa kama at binasa ang mga mensahe niya. [From Kelly: November] [From Kelly: Na saan ka ngayon?] [From Kelly: Nasa park ako, kagabi pa ako nandito] Napakunot-noo ako sa pagtataka, ano naman kaya ang ginagawa niya ro’n. [From Kelly: Pinalayas ako sa amin] Hindi na ako nag-reply sa mga mensahe niya at agad na akong nagpaalam kila mama na lalabas lang ako sandali. Hindi ko na nahintay pa ang sasabihin niya basta narinig ko na lang paglabas ko na mag-iingat ako dahil sa pagmamadali at pag-aalala kay Kelly. Ilang kanto rin ang nadaanan ko palabas ng village bago ako tuluyang nakalabas at nakarating ng park. Huminto ako at luminga-linga para hanapin siya. Maaga pa lang kaya kaunti pa lang ang naglalarong bata sa playground, mga nag-jogging at nag-bike sa sidewalk. Naglakad pa ako ng kaunti hanggang sa masilayan ko si Kelly na para bang kawawang pulubi sa dulo ng mga bench. Naglakad ako papalapit sa kanya na halos takbuhin ko na para lang makalapit sa kanya. Gulo-gulo ang damit niya at buhok. Habang papalapit ako napansin kong may mantsa ng dugo ang damit niya at kamao kaya lalo akong nag-alala sa kanya. Wala siyang dala kong di ang sapin na dyaryo ang meron sa bench na para bang kakagaling lang niya sa paggising. Tumingala siya nang huminto ako sa harapan niya. Napahawak ako sa mukha niya nang makita ang pasa sa mukha niya, napangiwi na may tuyong dugo sa may ilong at gilid ng labi niya sa left side. “Anong nangyari sa ‘yo? Nagkapalit ba kayo ni Kent ng katauhan? Bakit ang dami mong pasa?” Para siyang maiiyak at hindi makapagsalita. Napayuko siya habang mahigpit niyang hawak ang phone niya. Napabuntong-hininga ako, “halika ka, kain ka na muna tapos saka ka magkwento sa ‘kin.” Hindi naman siya nakipagtalo sa ‘kin at agad naman siyang sumama. May malapit na diner sa lugar kaya doon ko na lang siya niyaya. Sa una para pa siyang nahihiyang pumili ng pagkain kaya ako na lang ang pumili ng para sa kanya, buti na lang dala ko yong wallet ko, pumili ako ng alam kong makakain niya at nag-order pa ako ng marami na kaya niyang ubusin bago kami pumili ng lamesa para sa amin. Good for two sa pinakadulo na malapit sa bintana. Hinayaan ko lang siyang lantakan ang burger, fries at spaghetti niya. “Kong kagabi ka pa rito dapat sana tinawagan mo ko para nakatulog ka ng maayos at ligtas.” Sabi ko sa kanya habang kumakain siya. Nang mapansin niyang pinapanood ko lang siya inalok niya sa ‘kin at umiling naman ako. Napalunok siya at ininom niya muna ang iced coffee bago niya ako nilingon uli. “Sorry, kong inabala kita, hindi ko kasi alam kong kanino ako hihingi ng tulong, kayo lang naman ang kaibigan ko.” “Ayos lang, ano ba kasing nangyari?” Tanong ko uli sa kanya, “bakit may mga sugat at pasa ka?” Every time na tinatanong ko sa kanya kong anong nangyari sa kanya, para siyang maiiyak pero pinipigilan lang niyang ilabas ang luha niya. “Dalawang linggo nang may kinakasama si mama at pinatira pa niya sa apartment namin. Hindi kami magkasunod lalo na nong kinuha niya yong lahat ng ipon ko kahapon lang sa pinagtataguan ko. Ang masakit pa nu’n mas kinampihan pa niya si mama kesa sa ‘kin. Nabugbog ako kasi gumanti ako sa kanya, pero ang natanggap ko kay mama, pinalayas niya ako at ‘wag na raw babalik kong hindi ko raw magustuhan ang desisyon niya sa buhay.” Habang nakatitig siya sa ‘kin doon na tumulo ang luha niya. “Kaya ko lang naman nagawa yon dahil alam kong mapapasama lang si mama sa kanya. Simula nang makilala niya ‘yon nag-iba na rin ugali ni mama sa aming magkakapatid…” Hindi na niya ituloy pa ang sasabihin niya. Lumapit ako at tumabi sa kanya. Kinuha ko siya at yinakap. Tinago niya ang ulo niya sa balikat ko at hinayaan ko siyang umiyak do’n kahit na pinagtitinginan kami ng ilang kumakain sa loob pati ang crew. Hinayaan ko lang siyang umiyak hanggang sa maging ayos siya at umalis na kami do’n sa diner. Alam kong masakit sa parte niya na pinalayas siya ng mama niya tapos December na December ganito pa nangyari sa kanya. Ayokong maramdaman niya na malungkot ang magiging pasko niya at maramdaman niyang may tao pa ring nagbibigay importansya para sa kanya. SINABI ko sa kanya na do’n muna siya sa amin tumira hangga’t na maging okay ang lahat. Kanina pa kami nakatayo sa labas at ayaw niya akong sabayan sa pagpasok sa loob ng bahay namin. ‘Yon lang ang tangi kong maitutulong sa kanila at alam kong magiging ayos lang ‘yon kila mama. “Hindi ba nakakahiya, sobra na ito eh,” nahihiya niyang sabi. “Ayos lang yan sa kanila, kaya halika na, ‘wag ka nang mahiya.” Hindi pa kami nakakapasok nang lumabas si mama at mapatingin sa aming dalawa. Nagulat naman siya nang makita niya ang itsura ni Kelly. “Naku po, anong nangyari sa inyo?” Nang makapalapit si mama sa amin at nag-alala siyang nakatinginkay Kelly. “Pinalayas siya sa kanila at wala na po siyang matutulugan, ma.” Sasawayin sana ako ni Kelly nang masabi ko na ang problema niya kaya mas lalong nag-alala si mama. “Kong pwede rito na muna siya sa atin mamalagi?” Pa salit-salit ang tingin niya sa aming dalawa bago sumilay ang ngiti sa labi ni mama. “Oo naman, bakit hindi? Pwede ka rito.” Napangiti naman ako at hindi naman makapaniwala si Kelly. “Ta-talaga po?” “Oo naman,” pag-uulit ni mama, “halika na sa loob para magamot yang sugat mo at mga pasa.” “Naku, nakakahiya pero hindi po ako magiging pabigat, tutulong po ako sa gawaing bahay, ipagpapatuloy ko pa rin po ang part time…” Hindi niya naituloy ang sasabihin niya nang muli na naman siyang maiyak, nadala si mama sa emosyon ni Kelly. “Hindi na kailangan, anak, halika na sa loob, welcome kayo ng mga kaibigan ng anak ko, bilang magulang, tutulungan kita kong anong kailangan mo,” sabi ni mama sa kanya. Kaya nakaka-proud at napaka-swerte ko na siya ang naging ina ko, minsan napapaisip ako, ano kayang pakiramdam? Ano kayang mangyayari, kong hindi siya ang naging ina ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD