Chapter 25

1213 Words
Chapter 25 Pagkapasok namin sa gym ng campus, bubungad na ang iba’t ibang kasuotan at kong todo porma ang lahat ng pumuntang kamag-aral namin. Malikot ang ilaw sa kisame na sumasabay sa mabilis at pang hip-hop na tugtugin. Sumasayaw naman sa gitna ng dance floor ang ilang grupo at nagkakatuwaan na. Mahahawa ka sa tawanan at ngiti sa kanilang labi. Nasa stage ng gym nakalagay ang sound systems at may DJ pa ro’n na ni-remix ang luma at bagong tugtugin. May disco ball pa sa gitna, may naglalakihang itim na plaka na naka-display sa lamesa at sa mga kurtina, may pagkain at tower ng red wine sa isang gilid kong saan may ilang mga taga-culinary, HRM ang nag-assist at nagbabantay do’n. Iilan lang ang prof na nagbabantay sa amin at halos nagkalat ang ROTC cadet sa paligid para sa kaligtasan, kaayusan at may guard din sa labas ng gym. Sumasabay at sumasayaw si Kelly sa tugtugin. Atomatiko naman akong napasulyap sa isang direksyon at saktong nagtama ang mga mata namin ni Adam nang makita ko siyang kausapin ang secretary ng SSG na para bang may importante silang pinag-uusapan. Hindi ko mabasa ang reaksyon niya kaya nailing ako at napayuko para tignan ang suot ko bago uli tignan siya. Kinawayan niya ako at ngitian kaya ngumiti ako pabalik. Nakasuot siya ng brown trouser na nakatupi ang dulo, brown na sapatos, white long sleeve na tinupi hanggang siko at naka-tuck-in. Nakuha naman ng iba ang atensyon niya ng kausapin siya kaya tumingin na lang ako pabalik kila Kelly. Medyo nalulungkot lang ng kaunti dahil mukhang hindi namin siya makakasama ngayong gabi dahil sa trabaho niya. “Halika na, walang KJ dapat!” Hinila kami ni Kelly papunta sa dance floor. Sinamaan lang siya ng tingin ni Kent pero mukhang wala naman siyang pakialam at kong ano-anong steps na ang ginagawa niya. Natatawa na lang ako at nakisabay sa kanya. Tinitignan lang kami ni Kent hanggang sa nakisabay na rin siya kaya pabiro kaming sumigaw dahil sa kakaiba niyang steps na para bang umaatras. Hawak-hawak ko ang tyan ko habang sumasayaw dahil sa kakatawa. May ilang nababanga kami dahil sa likot din ng mga kasama namin sa dance floor. Nagulat kaming lahat nong huminto ang tugtog at nagkatinginan sa pagtataka hanggang sa isang mas malakas at mas vibe song ang pinalit kaya mas lalong nagsigawan ang iba. May ilan pang nag showdown sa gitna dahil sa tuwa nila nakikisali na rin si Kelly kahit hindi naman siya marunong sumayaw. Tawa na rin ng tawa si Kent dahil sa pinaggagagawa ni Kelly sa dance floor. Siguro nakatatlong apat kaming kanta bago kami huminto at magpahinga. Kumuha si Kelly ng juice para sa amin at pagkain na rin. “Grabe napagod ako do’n ah,” sabi ni Kelly. “Ako rin,” sabi ko habang iniinom ko ang tubig ko. “Ayos lang ba na magpagod ka?” Napasulyap ako sa tanong ni Kent at saka ako umiling sa kanya, “hindi naman, ayos lang ako ‘wag kang mag-alala.” “Okay, magsabi ka lang ah.” “Oo naman yes.” “Kent sa ‘kin ba hindi ka mag-aalala?” Birong tanong ni Kelly sa kanya. “Hindi, kahit mamamatay ka dyan, wala akong pakialam,” saka ininom ni Kent ang juice niya. Nagkunwari naman si Kelly na nasaktan, napahawak sa puso niya at halos humiga na siya sa floor ng gym. “Ouch, it hurts.” “Gago talaga.” Pinanood ko na lang silang magbiruan at ilang mga estudyanteng hindi pa napapagod sa ginagawa nila. Hanggang sa magbago ang ilaw, naging mas dim pa ito at hindi na malikot hanggang sa mapalitan ng malumanay na kanta galing sa isang sikat na local bands. Nakarinig kami ng sipol mula sa gitna ng dance floor at sigawan. Kanya-kanya naman kuha ng ka-partner nila at hinihila papunta sa dance floor. Una nasa isa, dalawa hanggang sa hindi na sila mabilang na mga partner na sumasayaw sa saliw ng malumanay na love song. “Hoy guys, sayaw tayong tatlo,” hyper na yaya ni Kelly. “Hindi naman ‘yon pwede ah,” sabi ko. “Baliw kasi yan mag-isip,” sabi ni Kent. “Pwede ‘yan.” Muli na naman kaming hinila ni Kelly sa gitna ng dance floor and this time magkakahawak kaming kamay. “Para tayong magtatawag ng masamang espiretu sa ayos natin,” biro ko at umiikot-ikot kami dahil kay Kelly kaya nakikisabay na lang kami sa trip niya na para bang mga bata. Napalitan ng ilaw na para bang may stars sa kisame dahil sa ilaw nang magpalit ng tugtog. “November.” Nahinto kaming tatlo nang may tumawag sa amin at nakita kong nasa harap na namin si Adam. Bumitaw na sa pagkakahawak ko ang dalawa. “Pwede ba kitang maisayaw?” Hindi ko alam kong bakit ‘yong tugtog na ‘yon, ang sinaryo na parang kaming dalawa lang bigla ang naroon habang hinihintay niya ang sagot ko, hindi ko maipaliwanag lalo na’t naroon na naman ang kakaibang pagbilis ng t***k ng puso ko dahil sa kanya. “Sige na, hanap na kami ng ibang ka-partner,” sabay tapik ni Kelly sa balikat ko at hinila niya paalis doon si Kent. Kaming dalawa na lang ni Adam ang natira. Inabot ko sa kanya ang kamay ko at kinuha naman niya ‘yon. Dahan-dahan niyang nilagay ang dalawa niyang kamay sa magkabilang kong bewang at ang mga kamay ko sa balikat niya. “Pawis na pawis ka na,” sabi niya nang punasan niya ng kamay ang noo ko kaya natawa ako sa ginawa niya. “Hindi ka ba napagod? Kanina pa kita pinapanood kasama sila Kent at Kelly.” Medyo natigilan ako nang malaman kong pinapanood niya ako nang hindi ko alam, “ayos naman,” pero hindi ko pinahalata sa kanya, “ikaw, hindi ba ‘to nakakasagabal sa ‘yo?” “Hindi ka magiging sagabal sa ‘kin at saka pakiramdam ko kasi nauubusan ako ng oras. Gusto kitang isayaw bago pa man matapos ang gabi.” Hindi ko mapigilang mapangiti, habang tumatagal para bang naiintindihan ko na yong nararamdaman ko para sa kanya kahit hindi ko alamin kosa na lang siyang naramdaman at parang biglaan. “Ang ganda mo,” kumikislap ang mga mata niyang nakatingin sa ‘kin. Pakiramdam ko nga ako ang pinakamagandang babae sa gabing ‘yon dahil na sa ‘kin lang nakatingin ang mga mata niya. “Bolero.” “Hindi.” Sandali kaming natahimik bago ako uli nagsalita, “first time kong mayaya sa sayaw.” “Ang swerte ko naman na ako ang first dance mo.” Natawa na lang ako at nakitawa na rin siya. “I’m glad you’re here.” “Ako rin.” Sa sunod na tugtog hindi ka namalayan na napasandal na ang ulo ko sa dibdib niya at tuluyan na niya akong yinakap habang sumasayaw pa rin kami sa saliw ng tugtog. Napapikit ang mga mata ko nang bigyan niya ako ng halik sa noo, ganito rin yong pakiramdam ko nong gabi ng birthday ko, para kang nakalutang sa alapaap at napakasarap na para bang ayaw mong bumitaw. Rinig ko rin ang malakas na t***k ng puso niya. Gusto kong ipagsigawan ang nararamdaman ko para sa kanya pero hinayaan ko munang ganito kami at namnamin ang bawat sandali. Natatakot din ako na baka hindi ga’nun ang nararamdaman niya para sa ‘kin kahit na maalaga siya, ang mga kilos niya at pag-aalala. Ayoko siyang pangunahan at hihintayin ko na lang na sabihin niya ang mga katagang ‘yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD