Chapter 24

1151 Words
Chapter 24 Gabi na at tulala akong nakaupo sa study table ko malapit sa bintana ng silid. Medyo kinakabahan din ako sa ginawa ko kanina, hindi ko na isip agad kong makakasama ba ‘yon kay Kent o hindi at baka mapalala ko lang ang sitwasyon. Hindi ko matapos-tapos ang gagawin kong requirements na ipapasa ko sa susunod na linggo dahil sa kakaisip nu’n. Nag-iisip ako ng mga pwede kong idahilan kong sakaling komprontahin ako ni Kent sa nangyari. “Wala ka ring preno eh,” saway ko sa sarili ko at saka ako napaduko sa lamesa. Ilang segundo nang may kumatok sa pinto at agad akong napalingon doon. Dahil bukas ang silid ko ay kitang-kita ko kong sino ang naroon, si mama. “Bakit po, may kailangan po ba kayo?” “Wala naman, pero may bisita ka sa baba, ayaw pumasok kasi sandali lang daw siya, babain muna,” sabi niya bago niya ako iwan. Napatayo ako at napasilip sa bintana. Namilog ang mga mata ko nang makitang nakaupo si Kent sa kabilang sidewalk, suot ang itim niyang hoodie at nakapamulsa ang magkabilang kamay sa bulsa ng suot niya. Nakatingala siya sa may bintana ko kaya alam niyang naroon ako. Agad akong napaatras, kanina iniisip ko pa lang siya, nandito agad? Kinamot ko ang ulo ko sa inis at hindi alam ang gagawin. “Naku, ito na nga ba ang sinasabi ko eh,” bulong ko sa sarili ko na halos sabunutan ko na. Umayos ako ng tayo at ilang beses huminga ng malalim. Pinapalakas ko ang loob ko bago ako lumabas ng silid, ilang minuto pa akong tumambay sa pintuan ng bahay namin bago ako tuluyang lumabas. Pagkalabas kong naramdaman ang lamig ng simoy ng hangin lalo na’t December na. Lumabas ako ng gate, nakita kong tumayo na siya mula sa puwesto niya at naglakad papalapit sa direksyon ng bahay namin. Alam kong seryoso siya pero mas naging seryoso siya ngayon, hinahanap ko kong may pasa ba siya sa mukha o sugat dahil ga’nun siya dati ‘pag nagagalit siya sa pamilya niya at gusto niyang ilabas ang galit niya, pero wala naman o baka nakipagsagutan siya sa papa niya dahil sa ‘kin. Naku! Huwag naman sana. “Ah…” Magsasalita na sana ako nang bigla na lang niya ako yakapin na siyang sobra kong kinagulat, hinigpitan pa niya ang yakap sa ‘kin at hindi ko na alam kong ano ng nangyayari. “Salamat.” “Huh?” “Salamat sabi ko.” Hindi ko pa rin siya maintindihan. Kumalas siya sa pagkakayakap, nawala na ang pagiging seryoso niya at napalitan ito ng tuwa. Ngayon ko lang siya nakitang ganito, ang rare. “Pwede ka bang sumama sa ‘kin?” Tanong niya. “Pwede sana kaso…” Saka ako napatingin sa itsura ng damit ko, naka-sweatpants at white loose shirts lang ako na may drawing na bunny sa gitna. Hinubad niya ang hoodie niyang suot at saka niya inabot sa ‘kin. Nagtataka akong kinuha ‘yon. “Suotin mo muna ‘yan, malamig sa labas at saka pinagpaalam na kita kay mama mo, gusto ko lang magpasalamat kaya halika na.” Kahit na litong-lito pa rin ako sa nangyayari sinunod ko na lang ‘yong sinabi niya. Nang masuot ko ‘yong hoodie niya ay sumabay na ako sa kanyang paglalakad hanggang sa makarating kami sa isang convenience store malapit sa amin, sa may kanto. Hindi pa rin mawala sa isip ko, magpapasalamat siya para saan? Na napagalitan siya? Tuluyan kaming nakapasok sa loob. “Anong gusto mo?” Tanong niya sa ‘kin kaya napasulyap ako sa kanya habang napapagitnaan kami ng mga shelves ng paninda. “Nagpapasalamat ka dahil saan?” Nagtataka kong tanong. “Maraming salamat kasi binigyan mo ko ng lakas para ipagtanggol ko ‘yong gusto ko kila papa. Napag-usapan ‘yon kaninang hapunan at nabanggit ka ni papa na nagkausap raw kayo. Sa una naiinis ako kasi hindi muna man kailangan gawin ‘yon eh at baka mapahamak ka lang pero dahil do’n sa tapang mo nagawa nilang pumayag.” Kwento niya na hindi pa rin nawawala ang ngiti sa kanyang labi, ibang Kent ang nakikita ko ngayon. Hindi ko maiwasang hindi matuwa sa balitang nalaman ko, “talaga? Totoo bay an? Baka fake news lang ‘yan ah?” Biro ko sa kanya. Umiling siya, “hindi, totoo nga, payag na sila and baka next academic year lumipat na ako ro’n. Sabi nila pwede ko pa rin naman ipagpatuloy yong business nila habang ginagawa ko yong passion at pangarap ko para sa ‘kin.” “Congrats, masaya ako para sa ‘yo.” “Pero thank you talaga.” Napahawak ako sa dibdib ko, “jusko, akala ko kong ano na, pinakaba mo ko ng sobra at dahil dyan kukuha ako ng gusto ko.” “Sige na, basta ‘yong pwede lang baka pagalitan ako ni tita ‘pag may nakakain kang bawal sa ‘yo.” “Yes, boss.” Narinig ko na lang ang tawa niya habang naglilibot ako sa loob ng tindahan para maghanap ng gusto ko at namili rin siya ng para sa kanya. Tumambay muna kami sandali ro’n at nagkwentuhan pa bago niya ako tuluyang hinatid sa amin. PINAGMAMASDAN ko ang sarili ko sa salamin habang bini-braid ni mama ang buhok ko, na maging crown style siya at may ilang hibla ng buhok ko ang sumasayad. Nilagyan din ako ni mama ng simpleng make-up. Naka-vintage dress ako maxi dress akong polka dots na itim, ¾ ang sleeves niya at may putting collar habang nakasuot ako ng pulang doll shoes. “Ang ganda ng baby ko,” sabi ni mama saka niya ako hinalikan sa ulo at napangiti naman ako. Ngayong gabi magaganap ang Christmas ball and last day namin sa school, ang napag-usapan ding theme eh dapat vintage ang suot dahil vintage style Christmas ang datingan. Huling araw din ngayong taon na makikita ko sila Kent, Adam at Kelly dahil baka next year ko na sila makita uli. “Thank you ma,” sabi ko naman. Bumaba na kami at nakita kong naghihintay na roon sila Kent at Kelly. Na una na rin sa amin si Adam dahil officer siya at kailangan magbantay sa school from start to end. Nakasuot ng short sleeve na cream polo si Kelly na tinupi pa para maging maigsi lalo, naka-tuck-in sa brown niyang trouser at may suspender pang kasama, medyo mahaba ang white niyang medyo na pinaresan ng brown na sapatos. Si Kent naman nakasuot ng black trouser, white short sleeve polo, may patong na brown vest na may tatlong botunes at itim na sapatos. “Ang ganda natin ah,” sabi ni Kelly. “Sira, halika na,” sabi ko. Ang gagamitin naming kotse ay sasakyan ni Kent dahil pinahiram siya ng papa niya ng gagamitin namin sa biyahe. “Mag-iingat kayo ah,” sabi ni mama bago kami tuluyang lumabas ng bahay. Sumakay na kami sa kotse at hindi mapakali si Kelly sa tuwa habang nag-umpisa na ang biyahe. “Na excite na ako,” sabi niya habang nakaupo sa passenger seat. Na excite rin ako kasi matatapos ang taon na kahit papaano masaya, nakasama ko at nakilala ko sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD