Chapter 23

1163 Words
Chapter 23 Sobrang bilis ng panahon, noong nakaraang buwan ay November ngayon naman ay December at lalong nagiging busy ang tao sa campus dahil malapit na rin ang Christmas break. Maraming kailangan tapusing exams, projects at requirements from different professors. Dalawang linggo na lang Christmas break na at sa mga ganitong panahon kami nagkakahiwa-hiwalay nila Kent, Adam at Kelly. Kahit nga break time hindi na kami nagkakasabay maliban ngayon pero si Adam ang wala sa amin. “Na saan si Adam, bakit hindi mo kasama?” Tanong ni Kelly nang makalapit ako sa upuan para maupo. “Busy sila ng officers para sa Christmas ball bago mag Christmas break, diba sa Friday na ‘yon,” sabi ko saka ko nilatag sa lamesa ang pagkain ko, “kaya baka hindi na siya makasabay sa atin ngayon.” Naikwento sa ‘kin ni Adam na halos isang linggo na raw silang nag-aasikaso ng Christmas ball, simula sa decoration, pagkain at ilang gagamitin like sounds and lights. Tumango-tango na lang si Kelly, “oo nga ano, attend ka ba?” “Hindi naman ako pumupunta sa kahit na anong party na meron sa school but this time baka oo na, kong pupunta na rin kayo,” sabi ko saka uminom ng tubig. “Oo ba, sasama ako, party-party tayo,” biro ni Kelly tapos sumasayaw-sayaw pa siya na para bang baliw kaya natawa na lang. Napalingon siya ay Kent na busy sa binabasa niyang papel, “ikaw sasama ka ba? Sama na, ‘wag kang KJ ah, lahat dapat pupunta,” pagpupumilit nito, “na excite tuloy ako kong anong theme nila ngayong taon sana mas exciting,” sabay tawa ni Kelly. Muli kaming napasulyap kay Kent na kanina pa tulala sa hawak niyang papel at nagkatinginan kami ni Kelly na para bang kapwa nagtatanong sa mga mata kong anong meron kay Kent. Nagkipit-balikat siya at tinuturo na ako ang magtanong kay Kent kong anong nangyayari rito. “Kent.” Tawag ko sa kanya pero hindi pa rin siya nakibo, “hoy Kent.” Nanlaki ang mga mata niyang napasulyap sa ‘kin, bago niya binawi ang gulat niya at naupo ng maayos. “Ayos ka lang? Kanina ka pa nakatingin dyan, para saan ba yan?” “Ah, oo,” itatago na niya sana ang papel nang maagaw ito ni Kelly. “Akin na yan!” Babawiin sana niya ngunit nakatayo na si Kelly at hindi na niya pinilit pang kunin. Binasa ni Kelly ang nasa papel, napansin ko ang pagbabago ng ekspresyon sa mukha niya at namilog ito saka siya napasulyap sa ‘kin at kay Kent. “Anong meron?” Nakaramdam ako ng kaba. Tumayo na ako at kinuha ang papel kay Kelly. Binasa ko ang nilalaman ng papel at may gintong seal ito sa gitna. Unang mababasa ro’n ang sikat na paaralan sa kabilang bayan tungkol sa Arts, kasunod nu’n sa pangalan niya na bibigyan siya ng scholarship kong doon siya magpapatuloy ng pag-aaral niya at mahasa pa ang talento niya. “O.M.G. Christian Academy?” Sabay sulyap ko kay Kent at lumapit sa kanya. Nag-uumapaw yong saya ko kahit hindi ‘yon para sa ‘kin, “astig! Paano nangyari ‘yon?” Bigla rin sumilay ang ngiti sa labi niya, pinipilit niyang itago ngunit lumilitaw sa kanyang labi ang saya. “Kwento ka naman dyan,” sabay tabi ni Kelly sa kanya. “Nagawa ko, hindi ko alam, basta…” Hindi niya maipaliwanag at nakangiti pa rin sa amin. Tumabi na rin ako sa kanya, “congratulations, ang hirap kayang makapasok dito, nag-enrol ka?” “Hindi,” sabay iling niya, “nakita nila yong gawa ko at pinadalhan nila ako ng sulat na bibigyan nila ako ng scholarship.” “Tangapin mo, sayang,” sabi ni Kelly. Pero biglang nawala ang ngiti sa kanyang labi, “ayaw nila mom and dad.” Do’n na kami natigilan, sa isang iglap parang binagsakan ng langit, lupa si Kent, ramdam ko ‘yon at kahit din si Kelly na natahimik. ALAM naming gustong-gusto ni Kent na makapasok do’n pero may pumipigil sa kanya na ituloy ‘yon. Kiniwento niya sa amin na hindi siya pinayagan at hindi na siya nagpumilit pa sa mga magulang niya lalo na sa lolo niya. Sabi nito na kailangan niyang ituloy ang business administration course nito dahil panganay siya at siya mismo ang mag-manage ng kompanya ng mga magulang nito pagka-graduate. Halata naman sa kanyang pinipilit lang niyang matapos ang kurso na ‘yon at nagawa niyang pataasin ang grado niya para sa mga magulang niya. Bumabalik na ang atensyon sa kanya ng mga magulang niya, pero hindi ba nakaka-ano sa isang anak na pipilitin mong gawin ang gusto ng magulang mo pero hindi naman ‘yon ang gusto mo, gusto mo lang silang maging proud at matuwa sa ‘yo. Torture ‘yon sa isang anak, maswerte pa ako dahil hindi ako diniktahan nila mama sa gusto nila para sa ‘kin, naging gabay ko lang sila sa pagpili ng gusto ko. Naglalakad ako sa hallway pabalik sa library dahil may hihiramin sana akong libro nang makasalubong akong pamilyar na tao at literal akong napahinto nang makita ko siya. Nilagpasan niya ako at pinasadahan lang niya ako ng tingin dahil kakagaling lang niya sa office ng dean. Agad akong sinundan siya at hinabol, “sir,” tawag ko pero hindi niya ako nilingon, “sir!” Saka ako huminto sa harapan niya nang mahabol ko siya. Tinaasan niya ako ng kilay, “anong kailangan mo, iha?” “Kaibigan ko ‘yong anak ninyo, si Kent, ako po si November,” saka ko nilahad ang kamay ko sa kanya para makipag-shake hands. Medyo nakaka-intimidate siyang kausapin at harapin. Ni isa sa mga kaibigan ko sa tatlo ito lang kay Kent ang nakakaharap ko. Hindi niya kinuha ang kamay ko kaya binaba ko na lang at nahiya rin. “Wala akong naalalang may kaibigan ang anak kong si Kent na katulad mo, wala siyang naikwento sa ‘kin,” masungit niyang sabi, “ano bang kailangan mo?” Bahagya akong nagulat. “Wala siyang nasasabi sa inyo tungkol sa amin dahil takot sa inyo, ayaw niyang masira uli ang tiwala ninyo sa kanya pero ayos lang ‘yon, naiintindihan ko siya at naiintindihan namin siya. Pero ‘wag ninyo pong ipagkakait ang gusto niya…” Hindi niya ako pinatapos nang magsalita siya, “sino ka para pangunahan mo ko sa anong gusto ko para sa anak ko?” “Gusto ba ni Kent, ang gusto mo para sa kanya? Alam kong magulang po niya kayo pero mas nakakapagsabi pa siya ng totoo sa amin kesa sa inyo. Hindi ninyo alam kong gaano siya natuwa nong malaman niyang kinukuha siya ng Christian Academy with full scholarship. Hindi ba ninyo kayang suportahan kong anong gusto niya? Alam ko po na iba-iba ang pagpapalaki ng mga magulang sa anak nila, pero sana tanungin ninyo sila o siya kong anong gusto niya, baka sakaling marinig ninyo kong anong hinaing bilang isang anak.” Tahimik lang siya at nakatingin sa ‘kin. “Sana po payagan ninyo siya sa gusto niya at suportahan. Paumanhin po at maraming salamat sa maikling oras,” yumuko ako ng bahagya saka ko siya iniwan do’n. Habang papalayo ako sa kanya do’n lang ako nakahinga ng maluwag at hindi na siya nilingon pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD