Chapter 22
Nag-formed kami ng circle at nasa gitna namin ang mini bonfire na ginawa ni tito Mark. Nag-gitara siya habang kumakanta si mama ng isang mahinang awitin para sabayan si tito and they look cute together. Siguro kaya rin talaga nagustuhan ni mama si tito dahil ganito siya, sweet and caring. Gusto ko rin maranasan ‘yon, pero minsan hindi ko rin maitatangi sa sarili ko na hindi na ata mangyayari ang mga bagay na maaring maranasan ng isang normal na tao dahil may sakit ako.
Nakikinig lang kaming apat sa kanila at halos padilim na rin pero narito pa rin sila at hindi pa nauwi. Dapat nasa pami-pamilya na sila dahil araw ng patay pero mas pinili nilang magpahinga muna rito.
Tumayo na ako at iniwan sila. Pumasok ako sa loob dahil kailangan kong uminom ng gamot. Pagkapasok ko, dumiretso ako sa taas para kunin ang gamot ko at do’n na lang uminom. Pagkabukas ko ng pintuan ng silid ko para lumabas laking gulat ko nang makita si Adam sa labas.
“Oh,” bulalas ko habang nanatiling nakahawak sa doorknob, “may kailangan ka?”
Nakalagay sa likuran niya ang mga kamay niya bago niya nilabas at may hawak siyang maliit na asul na paper bag. Pinagmasdan ko yon bago ko binalik ang tingin sa kanya.
“Para sa ‘yo ‘to,” sabay abot niya sa ‘kin.
Napangiti naman ako, “naku sobra na ito ah, ‘yong ginagawa ninyo ngayong araw it’s also a gift for me kaya hindi naman kailangan ito pero sige tatangapin ko nakakahiya naman,” pabiro kong sabi saka ko kinuha. Bubuksan ko sana nang hawakan niya ang kamay ko para pigilan ito at muli akong napasulyap sa kanya.
“Bakit?”
“Pwede bang buksan muna lang ‘pag wala na ako, nakakahiya, hindi ko kasi alam kong anong gusto mo o kong magugustuhan mo yan?”
“Hindi naman ako maarte eh, pero sige mamaya na lang pagkaalis mo, pero wala bang clue?”
“Something you can remember me always every time you see that,” seryoso niyang sabi habang nakatitig ang mga mata niya sa ‘kin, “hindi ko alam kong anong dapat kong sabihin pero thank you kasi nakilala kita…”
Napangisi ako, “I think I should be the one thanking you at sila Kent dahil sa paghahanda sa kaarawan ko, ideya mo ito diba, hindi kayo obligado pero maraming salamat, I’m not dreaming a birthday like this, madalas ko lang itong naririnig sa mga ka-block mate ko o kaya nakikita sa social media, but here I am experiencing event like this with you guys, hindi pa ako nakaranas ng kaibigan kong hindi dahil sa inyo, I feel so special alam mo ba ‘yon and feeling of being special is one of the greatest thing you can give to that person.”
Naghumerintodo ang puso ko nang haplusin niya ako sa mukha ng kanyang kamay at para bang sasabog ang puso ko sa bilis ng t***k nito.
“Tama nga sila, you’re like star from the universe, saviour and an angel.”
Hindi ko maiwasang matawa sa sinabi niya, “nagiging bolero ka na rin ‘pag kasama mo si Kelly.”
“No, you save me ng hindi mo alam.”
Hindi ko alam kong anong ibig sabihin nu’n kaya nanatili akong nakatingin sa kanya. Hindi siya nagsasalita pero kumikislap ang mga mata niya na para bang nangungusap. Bahagya akong nagulat nang itapat niya ang mukha niya sa mukha na sobrang lapit at segundo ang binilang na para bang nawalan ako ng hininga. Lalong nagwala ang puso ko, ipinikit ko ang mga mata ko at para bang handa na kong anong sunod niyang gagawin.
Pero ilang segundo nang maramdaman ko ang malambot niyang labi na dumampi sa ‘king noo pero hindi ko pa rin idinidilat ang mga mata ko at ninamnam ang sandaling ‘yon. Napabitaw sa pagkakahawak sa doorknob ng hilahin niya ako papalapit sa kanya at yakapin niya. Kosang dinala ng kamay ko para yakapin siya pabalik at isinandal ang ulo ko sa dibdib niya. Hinalikan niya pa ako sa ulo ko at binulong ang mga katagang.
“Happy birthday, November.”
Halos maghahating gabi na rin nang mapagdesisyonan nilang umuwi at nakapagpahinga na rin ako. Nang makapaglinis na ako ng katawan at makapagpalit ng damit bago ako sumampa sa kama. Hindi pa ako agad nakatulog nu’n at isa-isa ko na lang binuksan ang regalo nila para sa ‘kin. Una kong binuksan ang galing kay Kent, wala akong ideya kong ano ‘yon hanggang sa makita ko siya at hindi ko maiwasang hindi mapangiti sa pagkamangha.
Isang charcoal sketch portrait ko sa isang A4 size bond paper na nakalagay sa isang frame. Nakangiti ako ro’n at kuhang-kuha niya ang angulo ng mukha ko. ‘Yong kay Kelly naman isang teddy bear na kulay asul at sumunod naman ‘yong kay Adam.
Nang tuluyan ko siyang mabuksan ko siya napa-wow na lang ako dahil isa itong artificial lampshade moon at may stand ito na pwede mong ipatong malapit sa kabinet ng kama mo na siya ko naman ginawa at sinaksak para mabuksan siya.
Napahiga ako sa kama at inalala ang mga nangyari sa kanina. Hindi ko siya makakalimutan at nang ipikit ko naman ang mga mata ko, si Adam naman ang nakita ko. Yong sinaryo namin sa pintuan ng silid ko ang isa pa sa hindi ko makakalimutan sa araw na ito.
May gustong isigaw ang puso ko pero hindi ako sigurado kong tama ba ‘yong nararamdaman ko o baka pinaglalaruan lang ako ng damdamin ko dahil ngayon ko lang ito naramdaman. Idinilat ko ang mga mata ko at kinuha ang phone ko para kausapin sila sa group chat.
[Team Mabait GC]
November: Nakauwi na ba kayo?
Adam: Yup
Seen by Kent
Kent: Malapit na
Kelly: oo naman yes
November: mabuti naman kong ganun
Seen by Kent, Adam and Kelly
November: Maraming salamat sa lahat at sa gifts
Kelly: walang anuman basta ikaw, wag mo kong kakalimutan sa birthday ko ah, charrr
November: bakit hindi
Kelly: house and lot gusto kong regalo
Adam: andyan lang naman sa tabi ‘yong gusto ko
Natawa na lang ako sa reply ni Kelly sa ‘kin at ni Adam.
Kent: hindi ko kailangan ng regalo, ayos na sa ‘kin na malusog ka
Kelly: ang sweet naman ni kuya Kent
Seen by Kent and Adam
November: hahahaha
November: Good night guys, sana masaya rin kayo
Adam: Good night :)
Seen by Kent, November and Kelly
Nilapag kong muli ang phone ko sa lamesa na malapit sa kama at tuluyan na akong dinalaw ng antok na masaya.