Chapter 21

1121 Words
Chapter 21 Tahimik lang ako sa biyahe at nakatanaw lang sa labas ng bintana. Bumili kami ni tito Mark ng bulaklak at kandila para sa puntod ni lola at lolo. Nagtaka ako nang mapansin kong hindi kami dumaan papuntang trabaho ni mama at dumiretso na kami sa kalsada papunta sa sementeryo. “Ang akala ko ba susunduin natin si mama?” Tanong ko sa kanya. “She can’t make it, overtime and nag-text siya na kahit tayong dalawa na lang daw ang maghatid at magsindi ng kandila kila lola mo sa sementeryo,” sabi niya habang nagmamaneho. Napabuntong-hininga na lamang ako at hindi na nagtanong pa, “okay po.” Limang minuto ang nakalipas nang makarating kami sa sementeryo, hapon pa lang pero marami nang dumadalaw para sa puntod ng mga mahal nilang namayapa na, gumagawa silang tent para do’n tumambay ng sama-sama, ginagawa naman namin ‘yon kada-year pero ngayong taon ata hindi dahil mas naging busy si mama at hindi siya nakapagpaalam agad sa boss niya. Sa tingin ko nagbabago nga ang lahat kada-taon. Pagkarating namin sa loob at mahanap ang puntod nila lola at lolo na magkatabi lang. Hindi naman na gaanong mainit kaya ayos lang, nilagay namin sila ng tig isang malaking puting kandila at bulaklak na nasa basket doon sa flower shop. Sandali kaming tumigil do’n at nagdasala. ‘La, nakalimutan nila ang birthday ko? Nakaka-sad hindi ko naman kong bakit, pwede bang ipaalala mo sa kanila,’ sabi ko sa isip ko habang pinagdadasal ko sila. Pagkatapos namin do’n saka naman kami umalis ni tito Mark at bumalik sa biyahe pauwi. “Huwag na raw natin sunduin ang mama mo dahil baka ma-late pa siya ng kaunti.” Tumango-tango na lang ako at hindi na sumagot. “May kailangan ka pa ba o baka gustong kainin?” Tanong niya. Umiling ako, “wala, gusto ko na lang umuwi.” “Okay,” hindi na niya ako kinulit pa at dumiretso na lang kami pauwi ng bahay.   PAGKAUWI namin sa bahay ay agad naman niyang pinarada ang kotse sa loob ng compound at bumaba na ako. Agad kong binuksan ang pintuan, pagkabukas ko, nagulat na lang ako, nanlaki ang mga mata nang makarinig ako ng sigaw at pagputok sa maliit na confetti. “HAPPY BIRTHDAY!” Sabay-sabay na sigaw ni Adam na may hawak na cake na Halloween inspired dahil sa kulay itim at orange nitong pumpkins. Nakangiting hawak ni Kelly ang pinaputok na confetti, habang si Kent naman emotionless na hawak ang orange and black balloons. Bigla naman nagtorotot si mama na may hawak pang banner na binabati ako. “Kala mo nakalimutan na namin ah, surprised!” Sabi ni tito Mark sa tabi ko. Isa-isa ko silang tinitignan, lahat sila’y nandito para sa kaarawan ko at hindi ako makapaniwala. Bigla na lang tumulo ang luha ko kaya nag-alala at nawala ang ngiti sa kanilang mga labi. Binitawan ni mama ang hawak niyang banner at napasulyap pa ako sa party hat na suot niya sa ulo. “Baby,” sabi niya saka niya pinusan ang luha ko, “sorry bakit ka umiiyak?” “Sabi na nga ba hindi magandang ideya ito eh,” bulong ni Kelly kay Kent. “Tumahimik ka,” saway naman ni Adam. “Hindi ka ba masaya?” Tanong ni mama. Napailing ako, hindi ko lang alam kong anong sasabihin ko sa tuwa at pagkabigla. Niyakap ko na lang siya at yumakap din siya pabalik sa ‘kin. “Awwww ang baby ko,” sabi ni mama. Muli nama’y bumalik ang ngiti sa labi ng tatlo kong kaibigan. “Happy birthday,” sabi ni Adam habang pinapakita ang cake sa ‘kin na hawak niya. “I hate you guys,” tawa kong sabi sa kanila nang bumitaw ako kay mama sa pagkakayakap. Hindi mawala ang ngiti ko sa tuwa, hindi lang si mama ang nasa birthday ko ngayon, lahat silang importante sa buhay ko nandito. “Halika doon tayo sa likod ng bahay, naku marami kaming niluto at ‘yong iba nag-order na lang kami para hindi kami mahagol sa oras,” sabi ni mama kaya pumasok na kami. “Kala ko ba nasa bakasyon ka?” Tanong ko kay Adam nang tuluyan na kaming nakapasok. “Noong isang araw pa ako nakauwi.” “Pinilit ko lang makauwi kong hindi ako pinilit ni Adam,” napalingon naman ako sa tabi ko nang magsalita si Kent. “Ikaw ang akala ko ba busy ka?” Tanong ko naman kay Kelly. “Tinapos ko ang trabaho ko nang malaman ko yong trabaho ni Adam.” Napalingon naman ako kay Adam, “ideya mo?” Napahinto ako sa paglalakad at ga’nun din sila. Naiwan kaming apat sa kusina habang naghahanda sila mama sa likod ng bahay kasama si tito Mark. Nahihiya ngunit tumango na lamang si Adam, “hindi ko alam kong magugustuhan mo eh, gusto ko lang namin suprisahin at pasayahin. Parang pagpapasalamat sa pagtulong mo sa ‘kin at sa amin tuwing may kailangan kami.” Nanatili akong nakatitig sa mga nangungusap na mga mata ni Adam at yong pakiramdam na saya na hindi maipaliwanag at pagwawala ng puso ko sa loob ng dibdib ko ay naroon na naman dahil sa kanya. “Maraming salamat, hindi naman kailangan eh at saka hindi ko naman inaasahan ito,” saka ko naman tinignan sila Kent at Kelly, “maraming salamat,” muli na naman may tumulong luha dahil sa tuwa. “Wala ‘yon, ang laki rin ng naitulog mo sa ‘kin, angel kaya turing namin sa ‘yo galing sa kalawakan, parang stars na palaging nakabantay.” “Sira, bolero ka talaga,” sabi ko kay Kelly at pabiro ko siyang hinampas sa braso. “Halika na kayo rito!” Tawag sa amin ni mama mula sa labas kaya lumabas na kami. Ang daming nakahain pero moderately lang sa ibang pagkain dahil mostly sa kanila hindi pwede at hinanda lang para sa kanila. It turns out na si Adam nga ang nagplano ng lahat at pati ng concept na kinuntsaba niya sila mama at tito Mark para rito. Nagkunwari silang nakalimutan para masabing surprised nga. “Na-guilty nga ako na hindi sagutin si Ver,” sabi ni Kelly habang nilalantakan na ‘yong honey glazed buffalo wings. “Anong na guilty? Tuwang-tuwa ka pa nga sabi mo gusto mong makitang umiyak si November,” biglang singit ni Kent kaya sa kanya naman kami napasulyap. “Hindi ka naman mabiro, sakyan mo rin ako minsan ang KJ mo.” Natawa na lang ako dahil madalas na magtalo nitong nakaraan sila Kent at Kelly pero sila naman ang madalas na magkasama. Tawa kami ng tawa ni Adam sa kanilang dalawa. “Tawa ka pa, Adam,” saway naman ni Kelly, “alam mo bang may aaminin sa ‘yo ‘yan si Adam.” Literal na nabigla ako at natahimik. Tumawa lang si Adam, “huwag kang maniwala dyan, malakas lang tupak niyan kasi gutom,” sabi naman nito. Hindi ko na lang sila pinansin, kumain na lang at nakipagkulitan sa kanila. Nakinig ako sa mga kwento nila noong bakasyon at mga plano nila sa pagbabalik sa second semester. Hindi ko inaasahan na magiging normal ang espesyal na araw na ito at masaya ako na kompleto sila sa araw ko. Ito na ata ang pinakamasayang birthday na nangyari sa buhay ko, hindi ko ito makakalimutan at marami rin akong balak kasama sila. Masaya rin ako dahil ganitong regalo ang natanggap ko ngayong taon sa kaarawan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD