Chapter 20
Ang bilis ng panahon, palagi kong nakakasama sila, Adam, Kent at Kelly. Sa chapel man para sa session, sa school at minsan sa bahay. Para bang nasanay na rin ako na once a month nasa bahay sila para minsan sumabay sa hapunan namin o kaya tanghalian, anumang oras at panahon na available sila.
Lalo kong nararamdaman yong pagiging stick namin sa isa’t isa lalo na sa pagtutulungan ‘pag may kailangan ang isa sa amin. ‘Yon ang kinatutuwa ko lalo na’t walang sumbatan na nangyayari, unexpected ang lahat at minsan talaga mahahanap mo yong mga magiging matalik mong kaibigan sa mga taong hindi mo inaasahan.
Kakasara pa lang ng first semester break at araw ng patay ngayon, it’s means this the day I was born and my special day, November 1, kaya nga November din ang pangalan ko, ewan ko ba, bakit ‘yon ang pinangalan sa ‘kin ni mama, trip lang daw niya kaya everytime na pag-uusapan namin ang pangalan ko at may magtatanong sa ‘kin natatawa na lang.
Halos dalawang linggo ko nang hindi nakikita silang tatlo kasi ‘pag ganitong semestral break hindi rin ako gaanong pwedeng lumabas, so ang nangyayari, nakaka-text, chat sa messenger o kaya tawag lang ang gawa namin.
Ang pagkakaalala ko nasa bakasyon ngayon si Kent kasama ang pamilya niya, bago nga magtapos ang semestral break at katatapos ng exams namin, nalaman naming kamuntik na siyang makapasok sa dean’s listed kong wala siyang mga singko sa TOR niya ngayong taon. Mas mataas ang mga nakuha niyang grado kumpara sa amin at halos pantayan na niya si Adam. Doon ko nasabing nagbago na nga siya, alam kong natutuwa rin siya kahit na bugnutin pa rin siyang humaharap sa amin and I know na proud sa kanya ang pamilya niya sa kanya.
Si Adam naman nasa bakasyon din pero hindi siya pumapalya para kumustahin ako habang bakasyon, siya nga ang palagi kong kausap at katawagan. Si Kelly, minsan nakikita ko pa naman siya ‘pag nagpapa-deliver ako sa mga kainan kong saan siya nagtrabaho ngayon ng full time ngayong bakasyon pero busy pa rin siya kaya hindi ko gaanong nakakausap.
Nang magising ako ng umagang ‘yon, hindi mawala ang excitement ko, alam kong sa bata lang ang birthday pero at least hindi lang sila mama ang babati sa ‘kin dahil pati na sila Adam. Nanatili pa akong nakahiga nang kunin ko ang phone ko at binuksan ang screen.
Medyo nagulat ako na walang text galing sa tatlo at kahit sa messenger. Last conversation pa namin ‘yong na andoon at hindi na nasundan pa. Napabuntong-hininga na lang ako at napaisip na baka hindi nila alam.
Bumangon na ‘ko at umalis sa kama. Nagligpit bago ako naghilamos at nagmumog. Pagkababa ko sa kusina, nakita ko si mama na busy sa kanyang pagluluto at nakasuot na siya ng uniporme niya para sa pagpasok kahit na holiday ngayon. Maliban kay tito Mark na pahinga niya ngayon kahit na may pasok pa rin sila kahit may bakasyon sa school.
Napasulyap sila sa ‘kin nang pumasok ako sa loob at ngitian sila. “Good morning,” bati ko sa kanila.
“Good morning din anak, halika na dito almusal na tayo.”
Naupo ako nang yayain ako ni mama sa lamesa, hinihintay ko silang may sabihin pero wala na akong narinig, naupo na si mama sa tapat ko nang ilapag niya sa harapan ko ang tinapay na bagong init, pasalit-salit ang tingin ko sa kanilang dalawa, nakita kong nagbabasa at umiinom ng kape si tito Mark at si mama naman nag-umpisa nang kumain.
“Anong meron at hindi ka pa kumakain?” Tanong ni mama nang mapansin niyang nakatingin pa rin ako sa kanila.
“Wala ba kayong naalala?” Tanong ko sa kanila.
Nagkatinginan sila ni tito at para bang nag-iisip. Muli silang napasulyap sa ‘kin at napailing naman si mama bago niya sinubo ang pagkaing nasa kutsara niya. Nagkipit-balikat naman si tito Mark.
“Wala naman anak, may kailangan ba kaming maalala maliban sa araw ng patay ngayon?” Tanong uli ni mama.
“Oo, wala naman.”
Nagtaka ako, may mali ba sa araw na ito? Hindi ko na sila pinilit at kumain na lang ako. Pagkatapos naming kumain at makapagpaalam si mama para pumunta sa trabaho, dumiretso naman ako sa silid ko, ilang beses ko rin tinignan ang birth certificate ko at baka nagkakamali lang ako, tama naman dahil birthday ko ngayon pero hindi nila naalala.
Nahiga na lang ako at nag-isip-isip. Muli kong kinuha ang phone ko at wala pa rin akong nakitang mensahe galing sa kanila kaya ako na ang gumawa.
[Team Mabait GC]
November: Hello guys
Seen by Adam, Kent and Kelly
Adam is typing…
November: Kumusta na kayo?
Seen by Adam, Kent and Kelly
Napabuntong-hininga na lang ako at mukhang wala silang balak mag-reply o baka busy. Bigla na lang akong nalungkot at nawalan ng gana. Muli ko na lang binalik ang phone ko sa kabinet at nag-asikaso para maligo.
PAGKATAPOS kong maligo, naglinis na lang ako ng kwarto ko, nagdilig at binantayan ang kapatid ko ‘pag may ginagawa ang yaya niya. Para na nga akong sira na kinakausap yong kapatid kong wala pang muwang at sa kanya ko sinasabi lahat ng sama ng loob ko ngayong araw.
“Alam mo ba nakalimutan nila ang birthday ko ngayon,” wika ko at muli kong sinilip ang phone ko kong may mensahe sila para sa ‘kin pero wala talaga, “nakaka-sad ‘yon bebe na wala man lang nakakaalala ng birthday mo,” at nagkunwari akong umiiyak.
Wala naman siyang imik at inosente lang niya akong pinapanood. Nag-pout pa ako, “sabi na nga ba hindi mo ko kakausapin, batiin mo rin ako,” sabi ko sa kanya na akala muna man maiintindihan niya ako. Gusto ko lang yong pakiramdam na may bumabati sa ‘kin ‘pag kaarawan ko at hindi naman kailangan ng handaan.
“Ver.”
Naasulyap ako sa may pintuan nang tawagin ako ni tito Mark, “alis na tayo, dadalaw pa payo sa puntod ng lola mo at saka susunduin pa natin ang mama mo.”
“Sige po susunod na lang po ako,” sabi ko at umalis na siya. Tumayo na rin ako at nagpaalam kay baby bago ako lumabas ng silid.
Wala pa ring mensahe galing sa tatlo o kahit text man lang kay mama. Napabuntong-hininga na lamang ako ng makita 4 na ng hapon at I guess matatapos ang buong maghapon ko na para bang normal na araw lang.