Chapter 19
Kinusot-kusot ko ang mga mata at nag-unat habang sarap na sarap akong nakahiga sa malambot na kama. Inayos ko ang pagkakaayos ng kumot, ninanamnam ko ang lambot ng kumot at dulas nito. Tuluyan nang nagising ang diwa ko pero nanatili akong nakapikit.
Ilang minuto nang mapansin kong wala akong katabi sa kama, naalala kong nakatulog akong nakaupo kagabi at kinapa-kapa ko ang tabi ko dahil parang wala na akong katabi. May naamoy akong kakaiba na para bang may nagluluto dahil sa amoy na para bang may ginigisa at narinig ko ring may ingay na nang gagaling sa kusina. Doon ko lang napagtantong wala ako sa silid ko o sa mismong bahay namin.
Tuluyan na akong nagising at bumangon sa kama. Napansin kong bahagyang madilim pa sa labas at agad na akong umalis sa kama. Halos madapa ako at lumabas ng silid nang hindi ko makita si Adam do’n. Pagkalabas ko ng silid agad kong nakita si Adam sa kusina na nka-apronna violet at may hawak oang spatula pagharap sa ‘kin na para bang nagulat din sa bigla kong paglabas. Kahit din naman ako kaya agad akong lumapit sa kanya, kahit na hindi pa ako nakakapaghilamos o nakamumog man lang.
“Anong ginagawa mo?” Tanong ko sa kanya saka ko binawi sa kanya ang spatula, “diba may sakit ka pa,” agad kong dinampi ang kamay ko sa noo niya dahil sa pag-alala pero napansin kong normal na ang temperature niya. Dahan-dahan akong napasulyap sa kanya na nakatingin pa rin sa ‘kin at nawala ang pag-alala ko nang mapansing maaliwalas na ang mukha niya.
Muli kong binalik sa kanya spatula, “okay ka na ba?” Tanong ko uli sa kanya.
Dahan-dahan sumilay ang ngiti sa kanyang labi at bahagyang pinantayan ang mukha ko nang yumuko siya ng kaunti. “Okay na ako, kaya maraming salamat sa pagbabantay sa ‘kin.”
Ayon na naman ‘yong t***k ng puso ko na para bang nagwawala sa loob ng dibdib ko. Tumango-tango na lang, “hindi ka ba mabibinat?”
“Hindi na, sige na doon ka na lang, malapit na rin akong matapos dito,” saka siya bumalik sa pagluluto.
Pinanood ko na lang siya habang nakaupo ako sa harapan ng island nong kusina, busy siya sa pagsasalin ng pagkain sa plato.
“May masusuot ka nang uniporme kasi nilabhan ko kaninang madaling araw at nilagay ko dryer, maya-maya lang matutuyo na ‘yon,” paliwanag niya habang isa-isa niyang nilalapag sa harap ko ang mga plato na puno ng pagkain.
May tinapay, steamed veggies uli, may keso rin, gatas, kape at fried rice.
“Kaninang madaling araw ka pa gising? Bakit hindi mo ko ginising?”
“Hindi naman na kailangan at saka okay na ako,” tinanggal niya ang apron at nilagay niya sa sabitan. Nilagyan niya ng plato sa harapan ko saka sa kanya. “Kain na.”
“Hindi muna man kailangan labhan, nakakahiya sa ‘yo.”
“Pero mas nakakahiya na binantayan mo ko buong magdamag.”
Naramdaman ko na lang ang pag-iinit ng pisngi ko dahil sa sinabi niya.
“Pwede naman kasi akong umuwi sa amin.”
“Ma-late ka naman, sige na kain na at sabay na tayong pumasok.”
Hindi na ako nagsalita at kumain na lang.
PAGKATAPOS naming makapag-asikaso ay agad na kaming lumabas ng silid bahay niya. Naamoy ko ang normal niyang amoy lalo na ‘yong shampoo’ng gamit niya. Bahagyang basa pa ang buhok niya, medyo gulo pa at nakasunod lang ako sa likuran niya.
Nang makababa kami sa lobby nong gusali nakita kong nakatingin sa ‘kin ‘yong babaeng nasa counter, nagtataka at nanliliit ang mga mata niyang nakatingin sa amin lalo na sa ‘kin nang naglalakad kami palabas. Nagmadali na akong naglakad para makasabay sa paglalakad kay Adam,
Nang makalabas na kami may isang estudyante kaming nakakasabay at nakakita sa amin na lumabas sa Tan Hostel. Napansin kong pinagmamasdan nila ako at nakikita silang nag-uusap, doon ko lang napagtanto ang kong anong ibig sabihin ng mga tingin nila. Napayuko ako at nahiya baka iba ang iniisip nila.
“November,” napasulyap ako kay Adam na halos malayo na sa ‘kin at seryoso siyang nakatingin sa ‘kin.
Hindi ko na pinansin ang mga nakatingin sa ‘kin at sumabay na uli sa kanya sa paglalakad. Sana lang hindi ako pag-usapan o kaya magkaroon ng kwento tungkol sa ‘kin. Nang makalapit ako sa kanya nagulat ako nang hawakan niya ako sa kamay at agad akong napatingala sa kanya.
“Huwag mo na lang sila pinansin, halika na.”
“Oo.”
Nang malapit na kami sa gate ng campus nang matanaw ko si Kelly kaya agad kong binawi ang kamay ko sa pagkakahawak ni Adam bago pa man niya ito makita. Nang mapalingon siya sa amin ay kinawayan niya kami. Nakatingin siya kay Adam.
“Buti naman at magaling ka na,” tuwang sambit ni Kelly at napalingon siya muli sa ‘kin ngunit napakunot-noo siya, “pero diba nasa boarding house ka, bakit kayo sabay pumasok ngayon?”
Nanlaki ang mata ko sa gulat at napamura ako sa ‘king isipan.
“Nakita ko lang siya pagbaba niya sa bus kaya niyaya ko na siyang sumabay,” sabi ni Adam.
“Ah,” tatango-tangong sabi ni Kelly.
“Magaling kasi ‘yong gamot at magaling siyang mag-alaga,” dagdag pa ni Adam.
Sabay-sabay na kaming naglakad papasok.
Tinuon ko na lang ang sarili ko sa klase bago mag-break time nang makita ko si Kent na papasok din sa cafeteria dahil break time na. Huminto siya nang makita ako at hintayin hanggang sa makalapit ako sa kanya. Magsasalita na sana ako para kamustahin siya nang mapansin ko mga hawak niyang sketch.
“Wow, ang gaganda, ikaw may gawa?” Tanong ko at hindi maiwasang hindi mamangha. Inabot niya sa ‘kin kaya kinuha ko para lalong tignan ‘yon ng mabuti.
“Oo.”
“Wow, ang galing muna man, nakakaingit ang galing mo pala rito.”
“Sa ‘yo na lang.”
Napakunot-noo ako at nagtaka, “bakit naman? Sa ‘yo yan kaya itabi mo, sayang.”
“Mas sayang kong ako ang magtatabi, ang papangit daw at wala talaga akong talent.” Saka siya naunang pumasok at iwan ako.
Isa-isa ko pang binuklat at nagulat ako na halos lahat ‘yon ay magaganda. Sumunod na ako sa kanya sa loob at nakipagsiksikan sa ilang estudyante. Kinulit ko pa siya tungkol doon pero hindi naman niya ako pinansin kaya nang makita ko sila Adam at Kelly pinakita ko ang gawa niya. Katulad ko’y natuwa at namangha sila sa gawa ni Kent pero pansin kong parang wala kang Kent ang pagkamangha namin sa gawa niya.
Siguro tungkol na naman ito sa pamilya niya kaya hindi siya masyadong natutuwa kaya pinilit ko at ilang beses pinaalalang magaganda ang gawa niya para magkaroon pa siya ng inspiration na gumawa ng marami pang abstract sketch.