Chapter 49 Nang maging maayos na ang kalagayan ko at payagan na ako ng doctor na magkaroon ng bisita maliban pamilya ko. Kaya nasa loob ng silid ko at nag-iingay na naman sila lalo na si Kelly. Alam ko kong ano ang nangyari sa ‘kin pero para bang iwas sila tungkol do’n at hindi man lang nabubuksan ang isyu na ‘yon. Nakikitawa na lang ako sa kanila at sumasabay sa pagkain na binili ni Kent sa labas na egg sandwich. “Bakit mo dala ‘yong mga art materials mo?” Tanong ko kay Kent habang inaayos ang sketch pad niya. “I-drawing ko kaya,” sabi niya saka siya muling bumalik ang atensyon sa pag-aayos. Tinignan naman ni Kelly isa-isa ang mga gamit ni Kent, “astig ‘yan, pero mas maganda kong i-drawing mo rin sila Adam at Ver ng magkasama tapos ilagay mo sa isang art gallery.” “Huwag na hindi na