Chapter 50 Isang taon ang nakakaraan… Pagkatapak ko sa hallway ay agad kong sinara ang payong kong dalawa. Nakikipag-ngitian at nakikipag-kumustahan ako sa mga nakakakilala sa ‘kin sa tuwing makakasalubong ko sila. Wala akong magagawa, kahit na tinatamad kong sumagot kailangan kasi SSG president ako ng paaralan na ito at alam nilang pala-kaibigan ako kahit na wala naman talaga akong kinikilalang kaibigan sa kanila. Nabigla na lang ako nong may bunga sa likuran ko, kamumtik na ako matumba ngunit nakuha ko ang balanse ko at agad na humarap sa kanya. Nabitawan ko yong payong ko sa sahig at agad siyang sinalo bago pa man siya tuluyang bumagsak. Nakatalikod siya sa ‘kin kaya hindi ko naman makita ang mukha niya. Pero ayon sa buhok at uniporme siya, babae ito. “Ay!” Napasigaw pa siya nong ma