Chapter 33 Hindi pa kami umalis ro’n at nanatili pa kami hanggang magdilim. Pare-pareho kaming nakaupo higa sa sapin at magkakatabi. Nakatingala sa kalangitan na puno ng bituin na kumikinang sa kadiliman at nasa gitna pa rin ng kakahuyan. Tahimik lang kaming pinapanood at pinagmamasdan ang ganda nito. “Sana palagi na lang tayong ganito,” narinig kong nagsalita si Kelly. Tama siya, sa mga oras na ito, napakagaan ng pakiramdam ko na para bang nakakapaglabas kami ng mga sama ng loob at problema namin sa isa’t isa. Nagkakaintindihan at nagbibigay ng mga payo kong kaya namin. “Wala tayong masyadong iniisip, nakakapagpahinga, malayo sa ingay ng bayan at malayo sa problema.” Dagdag pa ni Kelly. Sa mga oras na ito para kaming nakatakas sa anong meron sa labas ng tunay na mundo na ito. Mas la