Chapter 34 Pagkatapos ng session namin sa Celestine Mountain parang mas bumilis pa ang takbo ng araw at dumating na rin ang pinakahihintay ng lahat. Ang pasko, lahat ay busy sa pag-aasikaso sa araw na ‘yon, umaga hanggang gabi para sa hahandain nila sa hapag at pag-ayos ng dekorasyon ng kanilang bahay. Dumating ang gabi at halos napaghanda na kami nila mama ng kakainin. Maririnig ang ingay ng mga tugtugin sa mga katabing bahay at mga batang nangaroling sa bahay-bahay. “Handa na ba ang lahat?” Tanong ni mama Katulad din ng naging tradisyon nakasuot kami ng mga damit na kulay pula. Tradisyon din na kailangan naming magsimba sa pang huling simbang gabi ng magkakasama ngunit ang nabago sa taon na ito’y may bagong miyembro sa pamilya, si Kelly. “Okay na ma,” sabi ko naman habang inaayos an