Chapter 8

1250 Words
Chapter 8 Pagkababa namin sa bus ni Kelly sandali pa kaming naglakad papunta sa St. Jude chapel, doon ko nalaman na nag-part time pala siya sa isang malapit na convenience store rito minsan ‘pag kailangan siya at minsan naman nag-part time job siya sa isang laundry shop kong saan siya madalas. Wala na siyang sinabi tungkol doon kaya hindi ko na siya pinilit pa. Bago pa man kami makalapit sa chapel natanaw ko na si Adam sa kaliwang sidewalk at si Kent sa kanan. Atomatiko kaming nagkatinginan na para bang nagpapakiramdaman. Lumapit naman kami ni Kelly sa kanila. “Dito lang pala kayo papunta sana pala nagsabay-sabay na tayo,” sabi ni Kelly sa kanila. “Oo nga,” pagsasang-ayon ko naman sa kanya. “Tsk,” ‘yon ang narinig kong tugon kay Kent saka siya pumasok sa loob na nakatago ang mga kamay niya sa magkabilang bulsa ng black jacket na suot niya. Hindi rin naman umimik si Adam at pumasok na lang din sa loob. Nakipit-balikat kami ni Kelly nang magkatingin kami at saka naman kami sumunod sa kanila. Katulad ng dati halos na una ang ilan sa aming miyembro at may ilan na lang na hinihintay. May ilang baguhan at ilan sa kanila katulad ko’y may kaya’y may sakit o problema sa pamilya. Ilang minuto lang ang tinagal ng paghihintay namin nang makapag-umpisa na kami. Nag-umpisa sa prayer at sumunod naman ang pagpapakilala nong mga bagong miyembro. “Para sa bagong activity ngayong araw gagawa tayo ng sarili nating lapida,” sabi ni brother Mike habang may hawak na mga bond paper, isa-isa niya kaming inabutan ng tig-iisang papel at lapis. Maririnig ang komento sa buong silid at ilan ay nagulat kaya natawa si brother sa naging reaksyon namin. Napangiwi naman ako nong magsalita si Kent sa tabi ko. “Anong klaseng gagawa ng lapida? Ano ‘yon mamamatay na ba tayo?” Hindi ko na lang siya pinansin. “Guguhit lang naman kayo ng lapida at ilalagay ninyo sa lapidang ‘yon kong saang bagay tayo gustong makilala.” Natahimik ang lahat at nakinig sa kanya, “alam naman nating lahat tayo’y mamamatay, darating tayo sa puntong ‘yon at walang makakaligtas. May ilang takot sa atin at may ilang tanggap na ‘yon pero sa anong bagay ninyo gustong makilala.” “Kong pupunta kayo sa sementeryo makikita sa mga lapida ng mga namayapa sa mga pangalan nila’y nakalagay ang mga profession, kayo saan ninyo gustong makilala na kahit sa lapida ay nakaukit kong ano kayo? ‘Yon ang iguguhit ninyo dyan sa gagawin ninyo sa mga papel, pwede na kayong mag-umpisa.” Paliwanag niya bago siya bumalik sa puwesto nang lahat kami’y mabigyan niya ng gagamitin namin. Muli ko na namang narinig si Kent sa tabi ko, “ano naman kayang kalokohan ‘yon?” Bulong niya. Tinitigan ko ang bond paper kong hawak at saka ako nag-umpisa sa pagguhit. Doon ko lang napansin ang pagtahimik ng lahat dahil sa pagtutok nila sa activity namin ngayon. “TAPOS na ba?” Tanong ni brother Mike sa lahat pagkatapos ng labing-limang minuto. “Kong sino man ang tapos na maari nilang i-present at ipaliwanag ang gawa nila para naman malaman ng bawat isa. Pwede na siguro ang dalawa o tatlong mag-volunteer para sa kanilang gawa.” Nagkatinginan ang lahat at may ilang nagbibiruan na sila na ang mauuna ngunit hindi naman nila tinataas ang kamay. Tinignan ko sila Adam, Kent at Kelly na tahimik pa rin sa kanilang upuan. Hinihintay ko ang isa sa kanila kong sino ang pwedeng mag-present ng kanilang gawa hanggang sa magtaas ng kamay si Kelly. Napalingon siya sa amin at ang dalawang kasama nami’y nagulat sa pag-presenta niya pero ako ngitian ko lang siya. “Go,” sabi ko sa kanya. “Sige na, Kelly. Maari mong i-share sa amin ang nagawa mo.” Sabi ni brother Mike. Pumunta si Kelly sa gitna at hinarap ang papel sa lahat para makita. Simple at literal na lapida ang nakaguhit doon. Nakasulat ang pangalan niya at sa ibaba nito ang salitang MANGLALAKBAY. Nahihiya siyang ngumiti sa amin bago siya nagsalita, “hi, ako nga pala si Kelly Manalastas as you can see sa lapida na nagawa ko. Alam ninyo sa una hindi ko alam kong anong gagawin ko, hindi ko alam kong saan nga ba patungo ang buhay ko…at doon ko napagtantong gusto ko pala magpakalayo-layo sa lahat ng problema ko. Hindi dahil gusto ko silang takbuhan kong di gusto ko lang maging masaya at malaya. Na kahit minsan gusto kong maranasang malaya.” Nakangiti si Kelly sa amin pero bumibigat ng yong puso ko sa naririnig ko mula sa kanya. “Walang taong gustong makulong sa lungkot at dilim pero lahat tayo matapang. Bakit manglalakbay? Marami akong gustong tuklasin katulad ng gusto ko pang matuklasan ang pagkatao ko. Mas maganda na habang tinutuklasan mo ang pagkatao mo nalilibang ka sa mga lugar na gusto mong puntahan, ‘yon nga lang mahal yong pangarap ko pero pagsisikapin kong maabot at siguro ‘yon ang misyon ko sa buhay kong bakit ayaw akong tanggapin ni Lord sa langit.” Ilang segundong katahimikan pagkatapos niyang magsalita bago kami magpalakpakan sa sinabi niya. Hindi mo talaga masasabing ayos lang ang isang tao sa panglabas nilang anyo kong hindi sila magkwento sa ‘yo kong ano nga ba ‘yong bigat na nararamdaman nila. “Salamat,” sabi niya habang nakangiti. Nawala rin ang bigat na nararamdaman ko dahil kahit papaano positive pa naman mag-isip si Kelly. Bumalik siya sa tabi namin, “galing,” komento ko. “Maraming salamat,” sabi niya pabalik. Pagkatapos namin sa session namin ngayong araw, nag-prayed uli kami bago kami nagpaalam sa isa’t isa at masaya na namang natapos ang araw na ito. Kasabay kong maglakad palabas sila Kelly nang mag-alok siya. “Halika ihatid na kita sa inyo bago ako pumasok sa trabaho ko,” sabi niya sa ‘kin. Sasang-ayon na sana ako nang magsalita si Adam, “ako na at halos makalapit lang naman ang street ng bahay namin.” Hindi lang ako ang nagulat, pati ang dalawa pa naming kasama at literal kaming napasulyap sa kanya. Hindi ko alam kong sasang-ayon ako o hindi, pero nagsalita si Kelly. “Sige, una na ako, si Adam na lang.” “Uwi na rin ako, ingat kayo,” sabi naman ni Kent. Hanggang sa maiwan kaming dalawa ni Adam sa hallway. “Halika na,” na unang maglakad si Adam nang mapansin niya ang awkwardness sa pagitan namin. Napabuntong-hininga na lang ako at sumunod sa kanya. Nang tuluyan kaming nakalabas sa chapel halos magdidilim na, siguro pag-uwi ko sa bahay maghahapunan na at pinantayan ko sa paglalakad si Adam. Ilang beses ko siyang tinitingala habang naglalakad kami. “Alam mo kong may tanong ka o sasabihin, sabihin mo hindi ‘yong tingin ka ng tingin sa ‘kin.” “Bakit gusto mong sumabay sa ‘kin?” Inosente kong tanong sa kanya at sana hindi siya mapikon. “Wala naman, masama ba?” “Hindi naman, minsan kasi para kang si Kent, bugnutin at hindi naman halata sa ‘yo na sumasabay ka sa paglalakad sa katulad ko…” Natigilan ako nong huminto siya at humarap sa ‘kin na siyang kinagulat ko. “May problema ka ba ro’n?” Magsasalita na sana ako nang hilahin niya ako papalapit sa kanya at bigla na lang may dumaan na nag-bike sa likuran ko. Ang bilis ng t***k ng puso ko sa gulat, bahagya naman siyang lumayo sa ‘kin, sinundan ko ‘yong nag-bike habang hawak pa rin niya ang pulso ko. “Halika na,” yaya niya habang hila-hila paalis doon. Naglalakad kaming nakatingin sa kamay niyang nakahawak pa rin sa ‘kin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD