Chapter 9

1077 Words
Chapter 9 Lunes na naman at pinabagong araw na naman para sa bagong linggo. Katatapos ko lang sa unang klase ko nong umaga na ‘yon nong dumiretso ako sa library para sa vacant time at magpalipas oras do’n. Pagkapasok ko at maibigay ang library card sa librarian na si Mrs. Celeste, saka naman ako pumasok sa loob para maghanap ng puwestuhan ko. Mas maganda ‘yong malayo sa ilang naroon. Naghanap na lang ako ng librong hindi ko naman alam kong para saan ‘yon at basta lang ako humugot. Naglakad ako hanggang dulo sa may kaliwang parte ng library at malapit sa hilera ng mga computer na nakasara at hindi naman gaanong nagagamit. Natigilan ‘ko nang mapansin ko ang isang lalaking nakatungo sa mahabang lamesa at sa mismong puwesto ko pa nakaupo kong saan ako madalas tumambay. Lumapit ako sa natutulog na ‘yon at sinilip kong sin ‘yon. Yumuko ako ng kaunti bago ako tumayo ng tuwid at lumayo sa kanya nang makilala ko siya. “Adam?” Bulalas ko sa pangalan niya. Mukhang tulog na tulog siya kaya na isip kong umalis na lang at lumipat sa ibang puwesto. Ang kaso bago pa man ako umalis may humawak sa kamay ko at nakita ko na lang na hawak niya ang kamay ko kahit na nakapikit pa rin ang mga mata niya. “Gising ka ba?” Tanong ko. Dahan-dahan niyang idinilat ang mga mata niya at saktong nagtama ang mga mata namin. Halata sa mga mata niya na inaantok pa rin siya, ano kayang pinagkakaabalahan ng lalaking ito? At napapansin kong madalas siyang antukin. “Dito ka na,” sabi niya, inalis ang nakapatong na bag niya sa tabi at saka niya ipinatong sa lamesang nasa harapan niya. Hindi na ako nagpapilit pa at naupo na lang sa tabi niya. Gusto ko rin naman do’n eh. Nilapag ko rin sa lamesa ang bag ko at nakita ko na lang siyang ipinatong ang ulo niya uli sa lamesa katulad nong nakita ko siya kanina. “Wala bang trabaho si pres?” Tanong ko sa kanya at hindi ko alam kong sasagutin ba niya ‘yon. Binaling naman niya ang ulo niya sa direskyon ko pero nakapatong pa rin ang ulo niya sa lamesa. “Nagtatago ako sa kanila kahit ngayon lang,” napansin ko ang lungkot sa boses niya. Tumango-tango ako, “kahit din naman sino mapapagod kong marami kang ginagawa diba.” Hindi siya sumagot pero nanatili siyang nakatingin sa ‘kin. Naiilang ako sa kanya kasi hindi naman siya ganito sa ‘kin. Muli akong napabaling sa kanya nang mapansin kong may kunin siya sa may bulsa niya, isang itim na headset, nilagay niya sa kaliwang tenga niya ang pod at saka sa kanan ko naman ang isa na siyang kinagulat ko talaga. Kinuha niya ang phone niya, pinindot ang screen at narinig ko agad ang tumutugtog doon. “’Wag mo muna akong kausapin at hayaan mo muna akong magpahinga kahit saglit lang.” Saka niya pinikit ang mga mata niya. “Sige,” ipinatong ko ang braso ko at ginawang unan ‘yon sa ulo ko na nakaharap sa kanya. Pinikit ko ang mga mata ko at hindi ko alam kong bakit ko naisip ‘yon. Idinilat ko ang mga mata ko nang magising ako sa pagkakaiglip at isang brown paper bag ang nakaharang sa mukha ko. Agad akong naupo at napansin kong wala na si Adam. “Hindi man lang ako ginising ng isang ‘yon,” bulong ko at nang tignan ko ang oras mabuti’t break time na ang kasunod bago ang susunod pang klase. Sinulyapan ko uli ang paper bag at kinuha ‘yon. Nang buksan ko at tignan ang laman, merong lamang dalawang ham and cheese sandwich at may sticky note pang asul na nakadikit at nakasulat doon ang: For November. Nagtaka ako, iniisip ko kong sino nag-iwan noon doon o baka si Adam, hindi ako sigurado. Kaya kakamot-kamot ako sa ulo at inaalala kong sino nga ba ang pwedeng magbigay nu’n sa ‘kin. Habang naglalakad ako sa pasilyo nakasalubong ko si Kelly na agad akong kinawayan nang masilayan din ako, nakikipagsiksikan siya sa mga ilang estudyanteng naroon na kakalabas lang din sa mga klase nila. Tuluyan na siyang nakalapit sa ‘kin na hingal na hingal pa, “anong nangyari sa ‘yo?” Hindi rin nawawala ang ngiti sa labi ko. “Kanina ka pa namin hinahanap at nag-presenta na lang ‘ko na ako na lang ang maghanap sa ‘yo. Andoon na sila sa canteen kanina pa.” “Sinong sila?” Pagtataka ko. “Sila Kent at Adam, sabay ka na sa amin sa canteen, kain na tayo, medyo nagugutom an rin ako eh.” Hindi man lang niya ako tinanong kong gusto ko nong tumalikod na siya at naglakad kaya sumunod na lang ako sa kanya. Hindi ko nga alam kong sino ang may trip nito at first time ko lang na may makakasamang kumain sa school dahil madalas akong solo sa talisay. Pagkapasok namin sa canteen halos mapuno na ‘yon ng mga estudyanteng nasa pila at kumakain kasama ang mga Barkada. Sa totoo niyan naiilang ako sa mga titig nila, hindi ako sanay sa ingay sa canteen at naninibago ako rito. Hindi ko na lang sila pinansin at sumunod na lang kay Kelly hanggang makarating kami sa medyo malayo. Habang papalapit kami nakikita kong may mga pagkain na sa red at pabilog na lamesa kong saan naghihintay sina Kent at Adam. Nang tuluyan na akong nakalapit sa kanila hindi naman ako nililingon ni Adam at pinapansin hindi katulad kanina sa library. Gusto ko pa naman siya tanungin kong siya ba ang nag-iwan nu’n ngunit hindi ko na lang ginawa nang yayain na ako ni Kelly na maupo. “Sino naman ang may pakulo nito?” Tanong ko sa kanila. Tinaasan ako ng kilay ni Kent at napapansin kong pinagtitinginan din kami ng ilang estudyanteng naroon at nagtataka siguro bakit kami nasa iisang lamesa. “Bakit may magbabago ba sa pagkatao mo ‘pag sinabi kong ako?” Sarkastikong tanong ni Kent saka niya inabot ang baso ng juice sa harapan ko. Sasagot na sana ako nang kunin ‘yon ni Adam at magsalita ito, “hindi ‘yan pwede sa kanya.” Naalala niya pa pala? Ang talas naman ng memorya niya. Muli naman akong bumaling ng atensyon kay Kent, “wala namang magbabago pero sa ‘yo mukhang meron.” Hindi naman niya ako pinansin at kumain na lang siya ng cheesy macaroni niya. Sinabayan ko lang sila sa pagkain, madalas lang na magkwentuhan ni Kelly at bigla naman sumasabat si Kent at ang tanging tahimik lang sa amin ay si Adam na nakikinig lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD