Chapter 10
Papalabas na ako ng campus nang makasabay ko si Kelly na papalabas din, “pupunta ka ba ngayon sa chapel?” Tanong niya nang makalapit siya sa ‘kin.
Wednesday ng hapon at katatapos lang ng klase. Katulad ng dating gawi kailagan kong pumunta sa chapel parang daily routine at atomatik na ‘yon sa isip ko na hindi na kailangan pag-iisipan pa. Tumango ako at saka ngumiti, “oo, ikaw ba?”
“Oo rin, sabay na lang uli tayo, ay oo nga pala wala si Adam ngayon may seminar sila kasama ng ilang miyembro ng SSG at nagsabi na baka isang linggo sila sa seminar na ‘yon.” Kwento niya.
Napakunot-noo naman ako at napaisip, kaya pala hindi ko siya nakikita simula nong Tuesday, “nagsabi siya sa inyo?”
“Oo kahit kay Kent nagsabi siya at saka sabi niya sa amin na bantayan ka ng mabuti.”
Sa huling sinabi ni Kelly nagulat ako at hindi na ako nakaimik, bakit naman kaya? Nong tuluyan kaming nakalabas ni Kelly nadatnan naming nakaupo sa waiting shed si Kent na para bang may hinihintay. Napasulyap siya sa amin nong papalapit kami sa kanya. Tinignan lang niya kami ng masama pero pakiramdam ko natural na ‘yon sa kanya.
“Ang tagal ninyo, kanina pa ako naghihintay sa inyo,” pagrereklamo niya.
“Sorry, katatapos lang ng quiz namin sa pang huli naming klase,” sagot ko.
“Same,” sabi ni Kelly.
Sakto naman na may dumating na bus na huminto sa tapat, unang sumakay si Kent at sumunod naman kami ni Kelly. Hindi ko alam pero ang sarap din pala sa pakiramdam na may naghihintay sa ‘yo pag-uwian at may pwede kang sabayan sa pag-uwi o kaya sa pupuntahan mo. Hindi ko rin inaasahan ito, paano nga ba kami ng ganito? Pero ayos lang naman sa ‘kin, kahit na magkakaiba kami ng personality at hindi gaanong nagsasabi ng saloobin namin, nagkakaintindihan naman kami kahit papaano.
Habang nasa biyahe kami si Kent ang katabi ko at nasa unahan namin si Kelly. Tina-try ko siyang kausapin kasi sa kanilang tatlo siya lang ang minsan kong makausap kahit na siya ‘yong siga sa amin.
“Kumusta ang klase?” Tanong ko sa kanya.
“Ayos lang, nakakatamad pa rin katulad ng dati,” sabi niya habang nakatanaw sa bintana.
Pansin ko rin na wala na siyang gaanong pasa sa mukha at isang linggo na rin ang nakakalipas na wala na akong nababalitaang gulo na siya ang nagpapa-umpisa o kaya’y napapa-guidance katulad noon.
“Improving ka,” sabi ko uli dahil pakiramdam ko baka nga nakakatulong sa kanya ‘yong session namin sa chapel kahit hindi pa sila ganoong katagal.
Sumulyap siya sa ‘kin at tinaasan lang ako ng kilay, “anong improving?”
Umiling ako at ngitian siya, “wala lang.”
“’Wag mo nga ako ngitian ng ganyan mukha kang aso,” saka muli siyang tumanaw sa may bintana at hindi na siya kinulat. Si Kelly naman ang kinausap ko kahit na nasa unahan namin siya.
Makalipas ng biyahe ay isa-isa na kaming bumaba ng bus. Nasa unahan pa rin namin si Kent sa paglalakad at tumawid kami bago makarating sa kabilang sidewalk. Papadilim na at iilan na lang ang naglalakad sa kalsada. Isa-isa na ring bumubukas ang mga ilaw sa sidewalk at nagsasara na rin ang ilang tindahan.
Napansin naming huminto si Kent kaya tumigil din kami, “anong problema?” Tanong ko sa kanya.
Hindi siya sumagot at nanatili siyang nakatayo lang. Sumilip si Kelly kaya ga’nun din ang ginawa ko. May limang lalaking papalapit sa amin at mga nakangisi sa amin. Bigla ako nakaramdam ng gulo.
“Hoy halika na, maglakad ka na,” bulong ko kay Kent pero hindi niya ako kinikibo.
Tuluyan nang nakalapit yong mga lalaki sa amin at napansin kong may hawak pang baseball bat yong sa sa kanila. “May kasama yong kumag oh, hindi na siya nag-iisa.” Sabi nong parang lider sa kanila at nakataas pa ang buhok niya dahil sa gel na gamit niya.
“Baka nagkakamali lang kayo, aalis na kami…”
“Hindi walang aalis,” saway naman nong isa kay Kelly.
“Sabi ko sa inyo dito lang ‘yan makikita eh,” komento nong lalaking may hawak na baseball bat.
“Hoy gago hindi kami nagkakamali dahil yang kasama ninyong siga eh may kasalanang ginawa sa amin ‘yan, nanahimik kami tapos guguluhin kami niyan,” sabay duro non glider nila kay Kent pero si Kent wala pa ring imik.
“Pwede naman siguro pag-usapam ng maayos ito diba,” sabay tawa ko sa kanila pero mukhang hindi siya natutuwa kaya tumigil ako. Napaatras ako nong lalapit sana sa ‘kin yong isa pero hinarang ni Kent ang sarili niya.
“Kong may problema kang pangit ka ‘wag mo silang idamay,” mapang-asar na sabi ni Kent.
“Gago ka pala eh,” bigla na lang umamba ng suntok yong lider nilang lalaki kay Kent pero nakaiwas ito.
Hinila agad ako ni Kelly paatras para hindi nila ako matamaan habang gulat na gulat akong nakatingin sa kanila. Si Kent ang umamba ng suntok at simpa na agad niyang natamaan yong lalaki pero nakaganti agad yong isa sa kanila at sumunod yong naka-baseball bat nong hampasin siya sa likod kaya natumba siya.
“Jusko po!” Sabay takip ko sa bibig ko. Hinihila ko yong damit ni Kelly, “pigilan mo sila, pigilan mo sila!”
Agad na tumakbo papunta si Kelly sa grupo at tinulak niya yong susuntok sana kay Kent kaya siya naman ang pinagdiskitahan nong apat. Sinipa si Kelly nong isa sa sikmura at agad namang tumayo si Kent. May dugong tumutulo mula sa ilong niya at sugat sa gilid ng labi niya. Tinignan niya ako ng masama.
“Tumakbo ka na! Alis na!” Sigaw niya habang pinapaalis ako.
Naiiyak na ako at hindi alam ang gagawin. Pumunta siya kay Kelly para tulungan at tinulak niya yong isa para parehas silang matumba sa lupa. Palinga-linga ako at hindi alam kong sino ba ang tama kong tawagin dahil walang nagtangkang gustong lumapit at tumulong sa gulo.
Si Kent naman ngayon ang binalingan nila at mas nanlaki ang mata ko sa gulat nang maglabas ng patalim ang isa sa kanila. Bago pa man makatayo si Kent agad na niyang sinaksak sa sikmura si Kent at halata sa kanya na nasaktan siya. Doon na ako lumapit at pinaghahampas sila sa ng bag pero parang hindi naman sila nagsisisi.
“Halika na pre,” sabay hila nong kasama sa sumaksak kay Kent at sabay-sabay silang tumakbo papalayo sa amin habang si Kent at Kelly ay parehas na nakahiga sa sahig.
“Siraulo ka, sabing umalis ka diba,” inis na wika ni Kent pero hindi ko siya pinansin.
Pinangtakip ko yong banyo ko sa sugat niya at dahil sa pagdiin lalo siyang napaigda sa sakit. “Sorry, tatawag ako ng ambulansya ‘wag kang matutulog,” nanginginig kong sabi. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng slacks ko saka siya nag-dial ng number nong ambulansya na nanlalabo ang paningin dahil sa mga luha ko at takot.