Chapter 11
Hindi pa rin ako mapakali kahit nadala na si Kent sa Celestine Medical Hospital at nagamot na rin ang mga sugat na nakuha ni Kelly sa pangti-trip ng apat na lalaki. Nakaupo lang ako sa waiting area sa mga hilerang upuan malapit sa silid na pinagdalhan kay kay Kent kasama si Kelly. Tinawagan ko rin si mama na hindi pa ako agad makakauwi dahil sa nangyari at sinabi ko kong na saan ako. Hinihintay pa namin ang resulta kong magiging ayos na ba si Kent dahil sabi ng doctor kailangan pa ng ilang procedure maliban sa paglilinis at pagtatahi ng sugat nito.
Habang nakaupo ako do’n ko lang napansin ang mantsa ng dugo ni Kent sa kamay, braso at uniporme ko. Napabuntong-hininga na lang ako at napasulyap kay Kelly na tahimik lang sa tabi ko na kanina pa walang imik.
Parehas kaming napasulyap sa pagbukas ng pintuan nong silid at lumabas doon ang doctor at kasama nitong nurse. Napatayo kaming dalawa ni Kelly at humarap sa kanila.
“Kayo ba ang kasama nong binatang ‘yon?” Tanong nong doctor.
“Opo, kami po,” sagot ko.
“Okay na siya pero kailangan pa niyang manatili ng isa o dalawa pang araw sa para maghilom ang tahi. Hindi pa siyang pwedeng kumain at maaring tubig lang.” May ilang paalala pa siya bago niya kami tuluyang iwan kami at saka lang kami nakapasok sa loob.
Nadatnan namin siyang nakahiga sa isang bakanteng higaan at nakalagay ang braso niya sa mga noo na para bang tinatago ang mata niya. Dahan-dahan kaming lumapit sa kanya at nakabihis na rin siya ng putting hospital gown.
Nang maramdaman niya ang presensya namin saka lang niya inalis ang braso niya at tinignan niya ako ng masama pero hindi ko na lang pinansin dahil sanay na akong ga’nun siya kong makatingin.
“Diba sabi ko sa ‘yo umalis ka na kanina, paano kong nadamay ka edi kargo pa kita sa nangyari,” parang nagkukunwari lang siyang galit kahit na nag-aalala naman ang mga mata niya ngayon at sinulayapan din niya si Kelly, “isa ka pa, susunod ‘wag na kayong sasabay sa ‘kin.”
“Mas maganda nga ‘yon eh para may nakakakita at nakakaalam sa ‘yo. Masama ba ‘yon, kong wala kami edi kong ano ng nangyari sa ‘yo doon.” Sabi ni Kelly.
“Tama siya,” pagsasang-ayon ko.
Magsasalita pa sana si Kent nang bumukas ang pintuan sa likuran namin kaya sabay-sabay kaming napalingon doon. Nagulat ako nang makita ko si mama na papalapit sa ‘kin, punong-puno ng pag-aalala ang mga mata niya at para bang iiyak. Nakasunod si tito Mark sa likod niya at karga nito ang kapatid kong bunso.
Hindi na ako nakaimik lalo na ang dalawa kong kasama nang yakapin ako ni mama. Ramdam ko ang panginginig ng katawan niya at saka siya kumalas. “Jusko, anong nangyari sa ‘yo? Pinag-alala mo ko,” tinitignan niya ang uniporme kong may dugo, “sa ‘yo ba ‘to?” Lalong nagtubig ang mata niya at takot sa kanyang mga mata.
“Hindi, mansta lang ito.” Halos pabulong kong tanong. Sa isang iglap biglang sumagi sa ‘king alaala ‘yong unang araw na aksidente ako, ganitong-ganito ang itsura ni mama at nong panahon na diagnosed ako na may terminal illness. Hindi pwedeng maulit ‘yon dahil baka mapaaga ang pag-alis ko at sa isang iglap parang hindi ko pa lang kayang iwan si mama lalo na kong nakikita siyang nasasaktan kahit na nag-aalala lang siya.
“Mag-iingat ka sa susunod,” dagdag pa niya.
“Ma mga kaibigan ko pala, si Kent at si Kelly,” sabi ko kay mama na bahagyang kinagulat niya.
“Ah talaga, sino ba ‘yong nasaksak?” Hindi na kailangan ba sagutin ang tanong ni mama nang makita niya si Kent na nakahiga na nakatingin pa rin ngayon sa kanya at kahit din si Kelly na manghang-mangha sa di ko maipaliwanag na dahilan. “Ipagdadasal ko na maging okay ka agad para gumaling ka at ikaw din,” sabay harap niya kay Kelly.
“Sa-salamat po,” nahihiyang wika ni Kelly.
“May gusto ba kayo o baka nagugutom kayo bibili ako ng pagkain bago kami umuwi,” alok ni mama.
“Hindi pwedeng kumain si Kent sabi nong doctor.”
Tumango-tango naman si mama, “ah, ga’nun ba, ikaw may gusto ka ba?”
“Naku ‘wag nap o,” pailing na sabi ni Kelly.
“Ma ayos na sa kanya kahit mainit na sabaw o kaya sandwich at tubig na rin.” Sabi ko kasi alam kong mahihiya siyang magsabi kahit na alam kong gutom na rin siya.
“Sige ako nang bahala,” ngiting wika ni mama bago siya lumabas.
Nang maihatid ni mama ang pagkain at makapagpahinga ro’n saka naman kami nagpaalam kay Kent na uuwi na kami. Naunang umalis si Kelly dahil may trabaho pa raw siya. Hindi ko gustong iwan si Kent hangga’t hindi pa dumarating ang pamilya niya ngunit ayoko rin magpumilit kila mama dahil sobra-sobrang pag-aalala na ‘yong naibigay ko sa kanila.
KINABUKASAN pagdating ko sa school kalat-kalat ang nangyari kay Kent, ang daming pekeng balita, kwento tungkol sa nangyari at sa pagkaka-hospital niya. May ilang gustong magpakamatay si Kent kong hindi ko lang daw na iligtas at meron ding nagsabing dahil na naman daw sa pagiging siga nito. Gusto ko siyang ipagtanggol dahil wala ni isa ro’n ang tama ngunit nanatili akong tikom ang bibig.
May ilang gustong magtanong sa ‘kin lalo na ang mga ka-blockmate ko pero ako na mismo ang umiiwas sa kanila. Dumating ang lunch time nang mapag-desisyunan kong bumalik sa opsital para tignan siya at bumili rin ako ng ilang prutas para sa kanya.
Naglalakad ako papalapit sa silid niya at huminto sa tapat no’n nong makarinig ako ng ingay mula sa loob.
“Hindi ka na nadala! Ang dami mo nang kahihiyang binigay sa pamilyang ito, kong di sa pang gugulo mo sa klase, pang babastos mo sa mga teacher mo at pakikipag-basag ulo sa labas ngayon naman na ospital ka dahil dyan sa katarantaduhan mo!” Sigaw ng boses lalaki.
“Hanggang kailan ka ba magiging ganyan, Kent! Sawang-sawa na kami ng mama mo sa kagaguhan mo! Hindi ka tumulad sa kapatid mo at sa mga pinsan mo na walang binibigay na balita kong di ang magaganda. Ikaw ang kakaiba sa lahat, hindi ka naman ganyan dati!”
“Tama na, hon, mas magandang hayaan mo muna natin si Kent,” boses ng isang babae.
“Ikaw kasalanan mo ito, kinukunsinti mo ang kagaguhan ng anak mo kaya lumalaking paurong! Kong hindi lang naawa sa ‘yo ang mama at kapatid mo wala sana akong puntahan ka rito! Malas ka talaga sa buhay ko! Letche!”
Parang ako ang nasasaktan para kay Kent at hindi ko akalain na ganito talaga ang pakikitungo sa kanya ng mga magulang at lolo niya. Naupo ako sa bakanteng upuan sa labas ng silid nang mapansin kong papalabas na sila. Nagkunwari akong walang alam at nakayuko habang mahigpit ang hawak ko sa supot ng mga prutas.
Bahagya kong nilingon sila pero hindi nila ako napansin. Parehas silang nakasuot ng pang opisinang damit at may buhat pang mamahaling bag ang ina ni Kent. Narinig ko pa ang ilang reklamo ng ama ni Kent tungkol sa anak niya at inaamo naman siya ng asawa. Nang tuluyan na silang nakalabas at saka naman ako pumasok sa loob.
Pagkapasok ko sa loob nanatiling nakatingin siya sa kisame at tinago niya sa braso niya ang mga mata nang malaman niyang naroon ako. Wala siyang imik, gusto ko man magsalita pero baka makadagdag lang ako sa init ng ulo niya at nang tuluyan na akong nakalapit doon ko lang napansin na lumuluha siya. Hindi ko man makita na galing mismo sa mata niya pero patuloy ang pag-agos ng luha. Nakakuyom ang mga palad niya.
Matapang man siya sa pang labas niyang anyo ngunit madali rin siyang masaktan at may hindi rin nakakaintindi sa kanya. Dahan-dahan kong hinawakan ang kamay niya at nagulat na lang ako na humawak siya pabalik. Hinayaan ko lang siyang maglabas ng sama ng loob niya sa pamamagitan ng tahimik na pag-iyak at hindi ko siya iniwan.