Chapter 12

1018 Words
Chapter 12 Isang linggo makalipas nong nangyari kay Kent, hindi ko sila nakasama sa mga sumunod na session, wala si Kelly, hindi ko alam kong inaasikaso niya pero mukhang busy siya sa ibang bagay at si Adam naman wala rin dahil nga sa seminar kaya mag-isa akong uma-attend. Isang linggo ring wala si Kent dahil siguro hindi muna siya pinapasok. Naglalakad ako papasok sa hallway nang matanaw ko sa Kent, katulad ng dati palagi siyang nakabusangot, kinawayan ko siya nong makita niya ako at ngumiti sa kanya. Sumagi sa ‘king alaala kong ano ba ‘yong huli naming pag-uusap nong araw na pinuntahan ko siya at makitang umiiyak. Nong araw na ‘yon kahit papaano naintindihan ko siya kahit na hindi siya masyadong nagsabi ng saloobin niya, dahil pili ang salitang ginagamit niya at para bang takot pa rin maglabas ng kwento sa ibang tao. *** Binigay ko sa kanya ang panyo niya para magamit niya at agad naman niyang kinuha para punasan ang luha sa kanyang mukha. Tahimik lang ako at nanatiling nakatitig sa kisame. “Ang swerte mo.” Napasulyap uli ako sa kanya nang magsalita siya, “bakit naman?” “Mahal ka ng mama mo at ng step-father mo kahit na hindi ka naman niya tunay na anak.” Hindi ko kailangan sabihin sa kanya ang tungkol kay tito Mark dahil halos lahat naman sa campus alam ang tungkol doon. “Swerte ka rin namin ah.” “Nagpapatawa ka ba?” Umiling ako, “hindi ah, mukha ba?” Saka siya napasulyap sa ‘kin. “Paano mo nasabing hindi ka swerte? Ano bang katergorya ng isang tao sa pagiging swerte niya?” Sandali siyang napatitig sa ‘kin saka niya muling binawi at muling tinanaw ang kisame. “Para sa pamilya ko malas ako, baka nga malas ako.” “Hindi ah, swerte ka kasi humihingi ka pa, swerte ka kasi nakaligtas ka pa ro’n sa saksak at swerte ka pa kasi ginigising ka pa niya. Walang malas na tao kong marunong siyang maka-appreciate ng biyayang pinagkakaloob sa kanya. Ang mga tao kasi madalas na tinitignan ang bagay kaya nila nasasabing swerte sila pero hindi nila alam swerte sila kasi nabubuhay pa sila at ibig sabihin lang nu’n may misyon ka pang kailangan tapusin. Kaya hindi ka malas at kong anu man ang sinasabi ng parents mo sa ‘yo patunayan mong hindi ka ga’nun. Ipakita mo sa kanila na kaya mong magbago.” Ngiti kong paliwanag sa kanya kahit hindi ako sigurado kong makukumbinsi ko ba siya. “Bakit ka pa nakakapag-isip ng mga ganyan na kahit ikaw may sakit ka nga?” Natigilan ako sa sinabi niya pero hindi ako nasaktan dahil tanggap ko na hindi ko lang alam kong anong sasabihin sa kanya pabalik. Nakipit-balikat na lang ako, “think positive kahit na anong mangyari sana ga’nun ka rin.” *** Tatawagin ko na sana siya nang may humila sa bag ko at agad na hinarap kong sino ‘yon. Kamuntik na akong bumungo sa mukha ni Adam kong hindi ako napaatras ng kaunti palayo sa kanya. Nanlalaki ang mata kong nakatingin sa kanya at nakayuko siya ng kaunti para pumantay sa mukha ko habang hawak pa rin niya ang strap ng bag ko. Bigla ko na lang naramdaman ang pagbilis ng t***k ng puso ko. Pagkatapos ng isang linggo ngayon na lang uli kami nagkaharap. “Hi,” saka niya ako binitawan. Hindi niya ako binati pabalik kaya nahiya ako ng kaunti at saka niya binitawan ang strap ng bag ko. Kinuha niya ang bag ko at nilagay sa kamay ko ang paper bag na dala niya. Magtatanong na sana ako kong para saan ‘yon kaso ginulo lang niya ang buhok ko saka niya ako iniwan doon, at sumama na siya sa mga barkada niyang SSG officers. Sinilip ko kong anong laman nu’n, isang slice ng blueberry cheesecake at chicken sandwich. “Wow,” hindi ko maiwasang mamanghang. Hahabulin ko na sana siya para magpasalamat pero papalayo na siya sa ‘kin. Napangiti na lang ako habang hawak-hawak ‘yong binigay niya.   NATAPOS ang pangalawang klase namin nang sumama ako sa professor namin para kunin ‘yong na-check niyang pinasa kong project noong nakaraan at makita kong ano ang nakuha kong score ro’n. Habang nakasunod ako kay ma’am Marites hindi ko maiwasang mapahinto nang marinig ko ang pamilyar na boses doon sa nadaanan naming room bago mag-faculty. Paatras akong bumalik sa back door at dahan-dahan sumilip hanggang sa matanaw ko siyang nakatayo sa unahan, si Adam. Tahimik ang buong klase na nakikinig sa kanya habang nagpapaliwanag siya sa presentation niya tungkol sa crop production. Hindi ko alam sa sarili ko at bigla na lang ako namangha habang seryos siyang nagpapaliwanag. Napatanong tuloy ako, anong klaseng ka-klase kaya siya? Alam ko friendly siya at masiyahan maliban sa amin ‘pag kasama niya kami o baka hindi lang niya trip ‘yong grupo. Nagiging gwapo siyang tignan at nabigla na lang ako na habang nagpapaliwanag siya eh napasulyap siya sa direksyon ko. Tumagal ng segundo na nagsasalita siya habang nakatingin sa ‘kin kaya agad kong binawi at nagtago. Napatakbo akong sumunod kay ma’am sa faculty at nahihiya lang ako sa sarili ko dahil nakita niyang pinapanood ko siya at baka mag-isip ‘yon ng iba, ‘wag naman sana. Pagkatapos kong makuha break time, habang naglalakad ako canteen habang hawak ko ‘yong paper bag na binigay sa ‘kin ni Adam nong makita ko sila sa dati naming puwesto, naroon na sila Kent at Kelly na naghihintay. Para bang exclusive na sa amin ang lamesa na ‘yon dahil wala man lang sumubok na umupo ro’n o tumambay. Nang makaupo ako sa tabi ni Kent napansin ko agad ang itim sa palibot ng mata niya. “Natutulog ka pa ba? Anong nangyari sa ‘yo at bakit ngayon na lang uli kita nakita?” Nag-aalala kong tanong sa kanya. “May problema ‘yan sa shop nila.” Sagot ni Kent. “Bakit, anong meron?” Saka ko binalik ang tingin kay Kelly na para bang nag-aalangan magsabi kaya tinaasan ko siya ng isa kong kilay. “Kailangan niyang maka-kuta hanggang sa sabado kong hindi niya magagawa ‘yon baka matanggap siya sa part time niya, sa isang coffee shop and cake malapit sa school.” Nagulat pa ako ng bahagya kaya napa-o ang bibig ko. “Importante sa ‘kin ‘yon kaya hindi ako pwedeng umalis,” sabi niya. “Gusto mo tulungan ka namin?” Tanong ko, “pwede naman diba?” “Pwede naman,” pag-uulit ni Kent. “Anong meron, sali ako?” Tanong ni Adam nong tumabi siya sa may kanan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD