Chapter 13

1146 Words
Chapter 13 Katulad ng napag-usapan naming apat kahit na hindi sigurado si Kelly sa planong ‘yon, tutulungan namin siyang makabenta at sana lang sumang-ayon ang panahon sa plano na ‘yon. Friday pa lang ng hapon nang dumiretso na kami sa shop at nakita naming busy sa paglalabas ang tatlong crew ng shop kasama ro’n si Kelly. Sa labas sila magtitinda para mas lalong makaakit sa mga mamimili o dumadaan. Halos lahat naman kami ay half day lang ang klase kaya naging ayos hindi ko nga akalain na sasali si Kent, kasi hindi halata sa kanya. Hinayaan na namin si Kelly sa pagtatrabaho niya nang pumasok kami sa loob at tumayo sa harap ng counter habang naroon ang may-ari ng shop. Isang singkit na lalaki at medyo may katandaan na ang sinamaan kami ng tingin nang mapansin kami. Napansin kong pamilyar ang design at mga paninda nila, katulad nong binigay ni Adam sa ‘kin, dito kaya niya binili ‘yon? “Bibili ba kayo? Nasa labas ang mga paninda namin,” wika niya. “Mag-apply po sana kami kahit ngayon lang ng part time job,” sabi ko na siyang kinagulat niya. “Jusko namang mga bata ito, ano bang trip ninyo? Hindi ba ninyo alam na magbabawas kami ng tauhan dahil medyo nalulugi ang paninda namin dahil halos dalawang linggo na kaming hindi nabebentahan!” Bugnutin niyang sagot. Kinabahan ako nang sinabi niyang magbabawas sila ng tauhan at sana hindi kasama ro’n si Kelly. “Hindi po gusto lang po sana namin makatulong pero hindi po namin kailangan ng kapalit sa pagtulong,” sabi naman ni Adam na nasa likod ko. “Opo,” sang-ayon ko na hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi ko. “Hindi pwede, baka kong ano na namang trip ninyo…” Hindi siya pinatapos ni Kent nang magsalita ito, “sige pagbigyan muna kami, ‘pag naubos namin ang paninda mo bigyan mo lang kami ng isang slice na strawberry cheesecake ayos na at kong hindi namin maubos ang tinda ninyo kami ang magbabayad ng halaga kong magkano ang hindi nabili.” Nanlaki ang mga mata ko at napaharap kay Kent, “anong ginagawa mo? Wala tayong halagang ga’nun,” bulong ko sa kanya. “Gusto ninyong tulungan si Kelly diba, ito lang ang paraan, hindi naman kasi madali na papayag ‘yan na tumulong tayo sa kanila ng isang araw lang.” May punto si Kent pero paano kong kami ang magbayad ng lahat ng ito? Mas lalo akong kinabahan. “Sige pumapayag ako basta ‘yon ang kasunduan katulad ng sinabi ng kasama ninyo,” pagsasang-ayon nong may-ari, “kong gusto ninyong mag-umpisa na…” may kinuha siya sa may ibaba ng counter na para bang kabinet at nilatag tig-iisa ang itim na apron, “kayo ‘yan ang mga apron at dumiretso na kayo sa labas, tandaan mga bata kalahating araw lang ito at kayo nagsabi ng kondisyon.” Ngisi niya na para bang nanalo na siya samantalang wala pa nga yong resulta. Iniwan namin ang mga bag namin sa loob ng opisina at nagsuot ng itim na apron saka namin kami nakisalo kila Kelly sa pagtitinda. “Buti naman napapayag ninyo ‘yon,” bulong ni Kelly sa ‘kin. “Kinakabahan na nga ako ‘pag hindi tayo buminta at hindi ito nabili lahat dahil kay Kent.” Nagtakang nakatingin si Kelly sa ‘kin, “bakit?” “Si Kent kasi nagbigay pa ng kondisyon na kong hindi tayo bebenta, kami ang magbabayad lahat ng ito…” “Ano?” Kahit din siya’y nagulat sa kanyang narinig. “Diba ang galing ano…” Pero hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang may apat na babaeng lumapit sa amin at nakangiting tinatanong si Adam kong magkano ‘yong cinnamon sa isang box. Nakangiti naman si Adam na binabanggit ang mga presyo sa apat na babae na animoy sinisilihan sa puwet dahil para silang kinikilig. Habang tinitignan ko sila, mukhang hindi sila taga-CCC dahil iba ang uniporme nilang suot at ngayon ko lang naalala na heart robe pala si president sa ibang school at kahit din naman sa amin. Kaya hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya, gwapo naman siya tignan ‘pag nakangiti, pero mas gwapo siya ‘pag seryoso siya at naalala ko na naman ‘yong itsura niya nong habang nakatitig siya sa ‘kin tapos nagpapaliwanag siya sa klase. “Bakit namumula ka?” Agad akong napasulyap kay Kent nang tanungin niya ako at doon ko lang napansin na namumula na pala ang pisngi ko. Umiling-iling ako, “wala.” “May sakit ka ba?” Pagtingin ko kay Adam nakatingin na rin pala siya sa ‘kin, at para bang nagtataka. “Okay ka lang?” Tumango-tango na lang ako, “oo naman, bakit hindi?” Doon ko lang napansin na parami ng parami ‘yong lumalapit sa amin. Halos mga estudyante at mga babae nag-aaral sa kalapit na campus, may ilang college students at may ilan ding high school students. Mas gusto nilang pumila kay Adam kesa sa amin kaya ina-assist namin siya sa pagtitinda at may ilan ding lumalapit kay Kent kaso napakasungit ni Kent kaya nahihiya na yong iba. Napagtanto kong hindi kami malulugi at least natulungan pa namin si Kelly sa problema niya. Nakailang lapag kami ng paninda galing sa labas dahil hindi naman tumatagal ng isang oras ang display at may agad na bibili. Yong ibang napapadaan na curios sila sa dami ng kumpulan kaya napapabili na rin sila. Mukha naman talagang masarap ‘yong mga panindan nila at mukhang mahal pero sulit naman yong presyo. Busy ako sa pagbibigay ng paper bag kila Kelly nang may huminto sa harap kong batang babae na sa tingin ko nasa sampung taong gulang. “Ate magkano po ito?” Sabay turo niya doon sa assorted cinnamon roll. Magsasalita na sana ako nang may pamilyar na lalaking lumapit sa kanya. “Anong gusto mo anak?” Tanong nito sa batang babae na puno ng saya sa kanyang mga mata. Nang mapasulyap siya sa ‘kin nawala ang ngiti niya sa mukha at nagulat nang makita ako. Hindi ko alam kong paano ko siya kakausapin dahil sa tagal na panahon ngayon na lang kami nagkaharap pagkatapos niya kaming iwan ni mama. Nanginginig ang kamay ko at nanghihina. Hindi ko alam kong anong mararamdaman ko dahil sa sari-saring emosyon na gustong umibabaw sa ngayon. Siguro’y hindi rin niya inaasahan na makikita niya ako. Agad siyang napaiwas ng tingin. Ang sweet niya sa iba pero hindi man lang niya nagawang magpakatatay sa ‘kin nong mga panahon na kailangan ko siya. “Pa ito gusto ko,” sabi nong batang babae. “Sige anak,” ngiti niyang pagsang-ayon, muli siyang humarap sa ‘kin na para bang hindi niya ako kilala na lalong nagpabigat sa nararamdaman ko, “miss isa nga nito.” Para bang may nabasag sa parte ng puso ko, “opo,” nanginginig na sabi ng boses ko at yumuko. Nagtutubig ang mga mata ko habang hinahanda ang napili nila. “180 po sabay abot ko sa batang babae.” Inabutan niya ako ng tamang bilang ng pera saka siya dahang-dahang lumayo sa ‘kin at hindi man lang niya nagawang kamustahin ako. Naikuyom ko ang kamao habang ang perang inabot niya sa ‘kin at bago pa man pumatak ang luha ko o makita ng iba agad akong tumalikod. Bumagsak nang tuluyan ang mga luha ko. Yong sakit na iniwan niya andoon pa rin. May umakbay sa ‘kin at kinuha ang ulo ko para isandal sa dibdib niya, si Adam pala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD