Chapter 14
Tuwang-tuwa ang lahat dahil naibenta ang lahat ng panindang pastry and cakes sa shop na ‘yon. Tuwang-tuwa lalo ang may-ari na nakikipagbiruan pa kila Adam pero hindi ko man lang nagawang makipagsabayan sa kanila kahit na pinatahan na ako ni Adam kanina. Hindi ko ba maintindihan ang sarili ko, ang tagal na niyang nawala pero nasasaktan pa rin ako. Tuwang-tuwa si papa sa ibang bago niyang pamilya samantalang ako ano mang oras pwede nang kunin ni Lord. Hindi man lang niya ako kinumusta kahit idaan na lang sa ka-plastikan at nagkunwari pang hindi niya ako kilala.
Hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid ko at nanatili akong nakatulala sa paanan ko habang nakaupo sa isang stall na malapit bintana ng shop. Naririnig ko silang nagsasaya nang mapansin kong may huminto sa tapat ko kaya nilingon ko siya, si Adam pala.
Hawak niya ang isang plastic case na may lamang assorted cinnamon roll. Napansin kong nakasukbit na sa kanan niyang balikat ang bag ko at sa kaliwa naman niya ang bag niya. Inalok niya sa ‘kin ang hawak niya pero hindi ko naman kinuha.
“Sa ‘yo na ‘to, nagkaagawan sila at ito na lang daw ma-offer nong boss ni Kelly. Pwede na tayong umuwi?” Bahagya siyang ngumiti at napansin kong mas maamo nga siya kong ngingiti siya pero hindi pa rin mapawi nu’n ang bigat na nararamdaman ko.
“Una na pala ako sa inyo, may part time job pa ako sa kabila, pero alam ninyo maraming salamat at hindi na magtatangal si boss kaya tuloy pa rin ang trabaho ko rito, ang laki ng tulong ninyo promise,” nag-uumapaw ang tuwa ni Kelly kaya ngitian ko siya at itago ang nararamdaman ko para hindi siya mag-aalala sa ‘kin.
Mas okay na ako ang nag-aalala sa mga taong malapit sa ‘kin, kesa ang taong ‘yon ang mag-alala sa ‘kin, ayokong maging pabigat sa kanila.
“Walang anuman, kami pa,” sabi ko sa kanya.
“Sasabay na ako sa pag-uwi,” sabi naman ni Kent sa tabi ni Kelly na may hawak ding paper bag galing sa shop na ito.
“Magaling kasi si Kent, siya talaga may pasimuno nito,” dagdag ko pa.
“Oo nga eh, galing mo pre,” pabirong binunggo ni Kelly si Kent balikat kaya napansin ko itong napangisi.
“Sabay na lang kami ni Ver,” sabi ni Adam.
Napakunot-noo ako, ako ba ‘yong tinutukoy niya?
“Sige ingat kayo ah, kita na lang tayo bukas sa chapel,” kumaway na si Kelly at kumaway ako pabalik sa kanila bago sila tuluyang lumabas ng shop.
Nang makapagpaalam na rin kami sa may-ari ay agad na din kaming lumabas ng shop. Hindi ko pa rin magawang makapagsalita kahit na andyan lang si Adam, hanggang sa makarating kami sa waiting shed at naghihintay ng bus na masasakyan. Hapon na rin kaya papabulog na ang araw habang may ilang parte na dumidilim na.
“Alam kong hindi ka pa rin okay,” nagsalita si Adam sa tabi ko.
Nilingon ko siya at napansin kong nakatingin pa rin siya sa kalsada.
“Sorry,” na guilty ako.
“Wala ka naman kailangan ipaghingi ng paumanhin.”
Mas lalo akong nahiya nong lumingon siya sa ‘kin at magtama ang mga mata namin. Parang malalim at nangungusap kaya agd kong binawi. Binasa ko ang labi ko at napakagat labi.
“Naiintindihan kita,” dagdag pa niya, “hindi mo naman dapat itago. Hindi ako sanay na ganyan ka.”
Hindi pa rin akong lumingon sa kanya at napataas ang isang kilay ko sa sinabi niya, “ikaw nga iba ang pakikitungo mo sa amin kesa sa mga kasama mo, like duh pantay lang tayo.”
Nagulat ako nang marinig ko siyang tumawa kaya napalingon uli siya sa ‘kin at pati ang mga mata niya nakangiti. Bahagya akong hindi nakahinga nang pisilin niya ng mabilisan lang ang ilong ko. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako patayo. Bago pa man may humintong bus sa tapat ng waiting shed, hinila niya ako palayo ro’n.
“Teka, saan tayo pupunta?”
“Basta!”
Kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko sa kanya kaya hindi ko maiwasang matawa kahit wala namang nakakatawa parang masaya lang talaga siya kasama. Sumabay na ako sa paglalakad habang kinukulit siya kong saan kami pupunta.
Mga sampung minuto ata kaming naglakad bago kami nakarating sa baywalk ng bayan at may ilang mga estudyanteng tumatambay ro’n at malakas ang hangin. May ilang nakaupo sa ilalim ng mga maliliit na puno. May ilang nag-bike at nag-jogging kahit papadilim na.
Lumingon ako sa kanan ko nang mapansin ko ang araw na para bang nilalamon ng dagat sa dahan-dahan nitong paglubog, sa hindi malamang dahilan para bang gumaan ang pakiramdam ko.
“’Pag malungkot ako dito ako tumatambay, hindi muna ako umuuwi sa bahay ‘pag hindi ko nilalabas lahat ng sama ng loob ko.”
Hindi ako nagsalita at pinakinggan lang siya habang ramdam kong hawak pa rin niya ang kamay ko.
“Hindi natin hawak ang tadhana natin, ‘wag sana nating ikulong ang sarili natin sa kalungkutan ng nakaraan, magpakatatag tayo at gamitin na kapangkapan para tumatag tayo ang nakaraan na nagbigay sa atin ng sakit. Napakamakabuluhan ang buhay ng tao para sa kalungkutan, kailangan nating kumilos.” Dagdag pa niya. Ramdam ko yong lungkot at malalim na pinang gagalingan nu’n.
“Malungkot lang talaga sa parte ko nangungulila ako sa kanya, kahit na iniwan niya kami ni mama, tatay ko pa rin ‘yon, tunay ko ‘yon na tatay, ang sakit lang na ang dali niya kaming kalimutan at iwan habang naghihirap kami ni mama…pero ayos na ako, kong saan siya masaya kailangan ko rin maging masaya kasi alam ko namang kong hahayaan ko ang sarili ko baka hanggang ngayon hindi ko pa rin siya napapatawad.” Hindi ko alam pero bigla kong nailabas ang isa sa bigat na nararamdaman ko na kahit kay mama ay hindi ko nasabi.
“Gusto mo dito muna tayo bago tayo umuwi? Palipas oras lang.”
Nilingon ko at nakita kong may ngiti sa kanyang labi.
Hindi ko mapigilang hindi matuwa kaya napakagat labi na lang ako, kasi hindi ko alam pero para bang may naglilikot sa puso ko at mabilis na pagtibok ng puso nito nang dahil sa kanya. Normal kaya ‘yon? Ngayon ko lang ito naranasan.
Tumango na lang ako at saka niya ako hinila sa bakanteng upuan doon.
“Kainin natin ito mukhang masarap at saka gutom na ako. Ang daming bumili kanina,” sa isang iglap naging madaldal siya na lalo kong kinatuwa.
Binuksan niya ang lalagyan at kumuha ako ng para sa ‘kin. Pinagtatawanan namin ‘yong mga pagsusungit ni Kent kanina kahit na may ilang mga babaeng gustong lumapit sa kanya.
“Pero mas mabenta ka, biruin mo ‘yon mas mahaba ‘yong pila sa ‘yo,” tawa kong sabi sa kanya.
“Talaga, hindi ko napansin?” Pagkukunwari niya.
“Weeee di nga,” biro ko naman. Nagtagal kami ro’n hanggang sa mapagod kami at mapagdesisyong umuwi.