Chapter 15

1097 Words
Chapter 15 Katatapos lang ng session namin sa chapel nang marinig naming may misa sa mismong simbahan, bihira lang na magkaroon ng samba tuwing ganitong sabado ng gabi kaya niyaya ko na silang magsimba at hindi naman sila nagpumilit. Pagkakataon na ‘yon, nakaupo at magkakatabi kami sa pinakahulihang upuan sa may kanang parte napansin kong para silang naiilang. Napapagitnaan ako ni Adam at Kelly habang katabi naman ni Kelly si Kent sa kanan niyang side. “Anong nangyayari sa inyo?” Kahit kasi tahimik sila parang wala sa loob nila ang misa. Isa-isa ko sila pinasadahan ng tingin at para bang nahihiya sila kaya yumuyuko o hindi man lang sinasalubong ang tingin ko. “’Wag ninyo sabihin na ngayon na lang uli ninyo nakapagsamba?” Napabuntong-hininga si Kelly, “sorry, hindi naman talaga ako dumadaan sa samba siguro simula nong naghiwalay mga magulang ko, pero ayos lang kami.” “Pwede naman siguro na umuwi na lang tayo…” Hindi nila ako pinatapos. “Hindi ah,” iiling-iling na sabi ni Kelly. “Tapusin na natin, na andito na tayo eh,” si Adam. “’Wag ka na lang maingay,” masungit na saway ni Kent sa ‘kin kaya hindi ko maiwasang matawa dahil sa kanya. Muli nakinig kami sa sermon ng pare sa unahan at natahimik. Makalipas ng kalahating oras nang matapos ang misa at isa-isa nang nagsisilabasan ang mga tao sa simbahan. Habang papalabas kami nang marinig ko ang komento ni Kelly sa likuran. “Parang gumaan ang pakiramdam ko,” sabi niya. “Totoo nga kasi lalo na kong isasa-puso mo,” sabi ko pabalik. Nang makalabas na kami natanaw ko si tito Mark na nakasandal sa kotse niyang nakaparada sa hindi naman malayo sa simbahan. “Andyan na pala ang sundo mo,” sabi ni Adam. Naglakad kami papalapit kay tito at kilala naman niya yong tatlo kaya wala nang problema sa kanya. Tuluyan na kaming nakalapit nang ngitian niya ang tatlo. “Hello sir, magandang gabi po,” bati ni Adam. “Magandang gabi rin sa inyo mga binata, gusto ba ninyong sumama sa amin ni Ver, sumabay na kayo sa aming hapunan bago kayo umuwi?” Alok ni tito sa kanila. Nagulat ang tatlo at kahit din ako. “’Yon ay kong ayos lang sa inyo baka kasi pinapauwi na kayo ng mga magulang ninyo,” dagdag pa ni tito. Nag-aalangan sila Adam nang tignan ko sila na para bang nahihiya at hindi alam kong sasang-ayon ba sila sa alok. “Gusto ba ninyo?” Tanong ko rin sa kanila. “Hindi ba nakakahiya, ‘wag na lang uuwi na ako sa amin,” sabi ni Kelly. “Ako rin,” sabi ni Adam pero mukhang halata naman sa kanila na parang gusto nila. “Ako po pwede, hindi naman ako hahanapin agad sa amin.” Lahat kami’y napasulyap kay Kent nang sumang-ayon siya kaya natuwa ako, hindi ko inaasahan ito, “talaga? Oh my, alam mo masarap magluto si mama.” Muli kong sinulyapan ang dalawa, “ano hindi pa ba magbabago isip ninyo? Ayaw ba talaga?” Pabiro kong tanong sa kanila. Walang nagawa ang dalawa at napapayag ko rin silang sumama sa amin, kaya kompleto kaming apat. Hindi naman inabot ng sampung minuto nang makarating kami sa bahay, simple lang yong bahay pero ayos naman para sa limang taong nakatira kaya hindi naman nakakahiya sa kanila. Nasa pintuan si mama na para bang alam na darating kami at naghihintay doon na nakangiti. Nahihiya at nag-aalangan pa silang lumapit kila mama nang mapansin kong nakatayo pa rin sila sa labas ng nakaparadang kotse ni tito at napansin kong hindi na sila nakasunod sa ‘kin. Kaya bumalik ako at kinuha ko na ang kamay nila para hilahin sila bago kami huminto sa harap ni mama. “Mga kaibigan ko pala ma,” sabi ko, “may bago kaming kasama si Adam,” sabay turo ko sa kanya na nakangiting nahihiya kay mama. “Magandang gabi po,” bati niya. “Kamuntik silang hindi sumama eh,” patawang sabi ni tito sa likuran namin. “Buti naman at napapayag kayo ni Mark na sumama sa amin sa hapunan. Halika pasok kayo,” alok ni mama. Nang makapasok na siya sa loob, tinulak ko silang tatlo na maunang pumasok at sumunod kami ni tito. Nang tuluyan na silang nakapasok, para ba silang namamagha sa itsura ng sala namin at para bang nagtataka rin. “Ang ganda ng bahay ninyo,” komento ni Kelly. “Maraming salamat, kami dalawa ng anak ko ang nag-design nito at siguro after two years palitan ulit namin ang ayos para bang bonding,” sagot ni mama habang nakasunod kami sa dining hall, “feel at home kayo ah, ‘wag nang mahiya, alam ba ninyo na first time na nagdala si November ng bisita o kaibigan.” Nahiya akong natawa sa sinabi ni mama lalo na nong sulyapan ako ni Adam, “hindi naman counted yon kasi kayo nag-invite sa kanya.” “Ga’nun na rin ‘yon eh,” sabi ni mama uli. Na upo si tito Mark sa kabisera at si mama sa kanan at ako sa kaliwa. Katabi ko si Adam habang katapat niya at katabi ni mama si Kent, sa kabilang kabisera sa tapat ni tito Mark si Kelly. Naamoy ko ang samu’t saring amoy ng mga niluto nila mama at punong-puno ang lamesa katulad ng adobong manok, mga steam veggies, mainit na kanin, letchong kawali at steam fish. “Tulog na ba si baby?” Tanong ko. Tumango naman si mama, bago kami kumain nagdasal muna kami na pinangunahan ni tito Mark at nag-umpisa na kami. Sa una nahihiya pa sila hanggang sa gumaan na ang pakiramdam nilang tatlo, sumabay na sila sa kwentuhan at pagsagot sa mga simpleng tanong nila mama sa kanila. “Ang daya ah, hindi naman kayo ganito maghanda ng hapunan ‘pag tayo lang,” pabiro kong sabi at natawa si mama. “Ano ka ba? Syempre may bisita ka eh, anak pakikuha nga muna yong fruit salad sa ref,” utos niya. “Wow, may fruit salad,” kaya tumayo na ako at pumasok sa pinaka-kusina namin. Nang makuha ko ang fruit salad sa ref hindi ko maiwasang hindi sila silipin sa may pintuan, habang hawak ko pa rin yong isang Tupperware na fruit salad at masayang nakikipagkwentuhan ang tatlo sa mga magulang ko. Hanggang sa magtanong si mama, “may nagkakagusto ba sa anak ko?” Biglang nasamid at napaubo ang tatlo. Hinampas at hinimas ni Kent ang diibdib niya, umiinom naman si Adam ng tubig. “Wala naman po, wala pa naman po akong alam,” sabi naman ni Kelly. Lalabas na sana ako nang marinig ko pa ang sunod na sinabi ni mama sa kanila. “Sana bantayan ninyo ang anak ko,” na kahit sila’y natahimik. “Mahal ko ‘yon eh, kaya sana bantayan ninyo rin siya, maraming bawal sa kanyang pagkain at bawal na bawal siyang masugatan, tandaan ninyo ‘yan total kaibigan naman ninyo ang anak ko at hindi ko naman siya mababantayan 24 oras para malaman ko kong anong nangyayari sa kanya.” Sandaling katahimikan bago ko narinig uli na may nagsalita. “Maingat naman po siya sa sarili niya,” sabi ni Kent. “Opo, makakaasa po kayo sa amin,” pagsang-ayon ni Adam at ga’nun din si Kelly at Kent.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD