Chapter 16

1110 Words
Chapter 16 Hinatid ko na sila sa labas nang matapos kumain at makapagpahinga sila. “Maraming salamat at nabusog kami. Ngayon na lang uli ako nakakain ng lutong-bahay,” sabi ni Kelly habang nagkakamot pa siya sa kanyang batok. “Si Kent din eh maraming nakain.” Sinulyapan ko si Kent, “maraming salamat uli sa mama mo. Sige una na ‘ko.” “Ingat kayo, ikaw din Adam, sabay na ako kay Kent,” paalam ni Kelly at saka siya humabol ng paglalakad kay Kent. Tanging si Adam na lang ang natitira, napasulyap ako nang guluhin niya ang buhok ko, kaya hiniwa ko ang kamay niya at inayos ang pagkakagulo ng buhok ko. “Uwi na ‘ko, kita mo ma-swerte ka pa rin kahit ganito kayo at wala ang tunay mong ama mo sa tabi ninyo,” wika niya. Tumango ako, “maraming salamat din.” Nakangiti lang siya at nakikita ko na naman ang nakangiti niyang mga mata habang nakatingin sa ‘kin, “walang anuman, kami ang dapat magpasalamat, pakiramdam ko parte rin ako ng pamilya ninyo, walang halong pagkukunwari.” Hindi ko alam kong anong sasabihin ko at binawi ko ang tingin ko sa kanya. Napatitig ako sa paanan ko na para bang may kakaiba ro’n. “Alis na ako, magkita na lang tayo sa Lunes at palagi kang mag-iingat.” Nilingon ko na siya at nakitang naglalakad palayo sa ‘kin habang kumakaway. Kinawayan ko rin siya pabalik, “ingat!” Kaso hindi pa siya nakakalayong tuluyan nang matalisod siya bago makatungtong sa pavement ng sidewalk dahil nakatingin pa rin siya sa ‘kin, kaya hindi ko maiwasang matawa, tumayo siya ng maayos at napakamot sa kanyang batok sa hiya. “Kakasabi ko pa lang na mag-iingat eh!” Biro ko sa kanya, hindi mawala ang ngiti ko at ga’nun din siya kahit ang layo na niya sa ‘kin na nakatingin pa rin sa direksyon ko.   MALAKAS ang ulan at may kasama pang malakas na hangin nong tanghali ng Lunes. Noong linggo pa ng hapon ang ulan, minsan titigil at uulan na naman. Basa ang hallway dahil sa mga sapatos nong mga estudyanteng nang gagaling sa labas, kaya kailangan mag-ingat sa paglalakad. Habang naglalakad ako sa hallway at dahil may ilang nagmamadali ro’n hindi nila maiwasang ilang beses akong mabunggo. Sa pangatlong beses na may nakabungo sa ‘kin, nawalan na ako ng balanse, kamuntik na akong matumba at mapaupo sa sahig nang may humawak sa magkabila kong balikat mula sa likuran, kaya para akong nakasandal sa kanya. Ang bilis ng t***k ng puso ko sa kaba at kamuntik na ‘yon habang nanlalaki ang mga mata ko. “Ayos ka lang?” Pamilyar ‘yong boses na nagtanong kaya agad akong umayos ng pagkakatao habang tinutulungan niya akong maibalik ang balanse ko. Nilingon ko siya at tiningala, sabi na nga ba si Kent. Nakasuot siya ng itim na hoodie. “Ayos ka lang ba?” Tanong niya uli sa ‘kin. Tumango na lang ako, “oo, okay naman, medyo madulas kasi ang sahig, pero thank you.” “Mag-iingat ka kasi sa susunod,” seryoso niyang sabi, pakiramdam ko tuloy para ko siyang kuya. Tinaas ko ang kamay ko at sinaluduhan siya, “yes sirrr.” Pabiro siyang napairap at nauna na sa ‘kin maglakad nong lagpasan niya ako. Naglakad na rin ako sa pasilyong pupuntahan ko. Simple akong dumaan sa silid ni Adam kahit na wala naman akong kailangan do’n. Habang dahan-dahan akong naglalakad at sumilip sa back door napansin kong iba na ang nag-report sa unahan. Siguro nasa 20 students lang ang nasa loob kaya madali mong mahahanap kong na saan siya pero nagtaka ako nong hindi ko siya makita. Tumigil ako nang lumagpas ako sa silid na ‘yon na hindi siya nakita. Pasimpleng bumalik uli ako at sumilip sa back door ng silid nila ngunit wala akong Adam na nakita. Napaisip ako, “andoon naman mga ka-klase niya ah, bakit wala siya?” Tanong ko sa ‘king sarili. “November!” Napalingon ako sa direksyon ni Kelly nang patakbo siyang lumalapit sa ‘kin at tawagin niya ako para makakuha siya ng atensyon sa ibang naroon sa hallway. Nang tuluyan na siyang nakalapat sa ‘kin halos parang hingal kabayo siyang nagpahinga. “Anong nangyari sa ‘yo?” Tanong ko na nakatingin pa rin sa kanya. Napalunok siya at pinunasan ang luha pawis sa noo bago niya ako hinarap ng maayos. “Si Adam, nakita mo ba?” Tanong niya. “Hindi, bakit, anong nangyari?” Medyo kinabahan din ako sa tanong niya. “Nong linggo kasi nag-deliver ako ng mga pagkain galing sa Chinese restaurant na pinagta-trabahuhan ko…” “May isa ka pang part-time job?” Tanong ko sa kanya dahil parang ang dami naman ata, nagpapahinga pa ba siya? “Oo, pero ‘wag mo muna isipin ‘yon, kasi tinulungan ako ni Adam nong hapon kong kailan matatapos na ako nong makita niya ako, kaso nabasa kami ng ulan, ewan ko ba kong pumasok, baka magkasakit ‘yon kargo ko pa.” Paliwanag niya. Natuwa ako na tumutulong si Adam kay Kelly kahit wala sa plano, may kosa ang kaso mas nakakalungkot naman kong nagkasakit siya at hindi nakapasok ngayong araw, Lunes na Lunes pa naman. “May number ka ba niya? Paki-text naman, wala kasi akong load…” “May number kayo ni Adam?” Nakataas ang isang kilay ko. “Oo, may number ako nong dalawa…” tumigil siya nang may mapagtanto siya, “oo nga ano, ikaw na lang ang wala akong number?” “Bakit wala akong number ni isa sa inyo? Ang daya ah,” medyo nainis ako ng kaunti, “sige, akin na ‘yong number ninyo at ako na ang tatawag kay Adam,” inabot ko sa kanya ang phone ko at hinayaan siya na maglagay do’n ng mga number nila. Nang matapos niya ay inabot naman niya pabalik sa ‘kin. “Sige ah, balitaan mo ko, may klase pa kasi ako, tawagan mo siya agad ah,” sabi niya bago siya nagpaalam sa ‘kin. Tinitigan ko ang pangalan at numero ni Adam sa screen ng phone ko. Nag-aalangan akong i-text siya at para bang nahiya ako bigla, “ano bang sasabihin ko?” Tanong ko sa ‘king sarili habang nakatitig pa rin sa pangalan niya. Do’n ako nag-umpisang gumawa ng mensahe sa kanya pero ilang beses ko rin binura bago pa man ipadala sa kanya. Napabuntong-hininga ako at inigsiin lang. [To Adam: Hi, si November ito, hinahanap ka ni Kelly sa akin.] Naupo ako sa bakanteng upuan sa hallway at naghintay ng reply niya pero ilang minuto nang wala akong ma-receive galing sa kanya, kaya gumawa uli ako. [To Adam: Okay ka lang ba? Hindi kita nakita kanina pang umaga, pumasok ka ba?] Wala pa rin reply galing sa kanya. Kaya nanginginig na pinindot ko ang ‘CALL’ sa tabi ng pangalan niya at tinapat sa tenga ko. Kagat labi akong naghihintay kong may sasagot bas a kabilang linya, hanggang sa may sumagot ka na siyang kinagulat ko. “Hello…” May kasama pang singhot, parang paos ang boses niya pero alam kong siya ‘yon, si Adam. Napangiwi ko nang marinig ko ang pag-ubo niya. “…Ver,” tawag niya sa ‘kin. “May sakit ka ba?” “Hindi, ayos lang ako.” Sagot niya sa kabilang linya saka naputol ang tawag, kaya lalo akong nag-alala kong anong nangyayari sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD