Chapter 17
Pagakatapos ng tawag na ‘yon, hindi ka na siya na-kontak pang uli kaya lalo akong nag-alala, ilang beses kong sinubukan tawagan, maliban sa cannot be reach, minsan naman pinapatayan niya ako. Kaya hiningi ko na lang kay Kelly ang address kong na saan ang boarding house niya at nakihiram pa ako ng payong sa ka-block mate ko para lang may magamit ako dahil naulan pa rin.
Nang malaman ko kong saan ang address niya’y agad ko namang pinuntahan. Hindi na ako nakapasok sa mga susunod ko pang klase nang dahil lang sa pag-aalala ko sa kanya. Hindi ko nga alam kong bakit pa siya naninirahan sa isang boarding house, samantalang halos malapit lang ang bahay niya sa village papuntang school, kaya rin ba minsan ko na lang siya makasabay sa biyahe? Ang dami kong tanong at hindi ko alam kong masasagot ba niya ‘yon kong sakaling tanungin ko siya ‘pag nagkita kami.
Isang white-silver building hindi naman malayo sa campus at kailangan mo lang maglakad ng mga sampung minuto para makarating do’n. Tan Hostel ang nakalagay sa itaas nito sa banner na may apat na palapag. Simple lang at hindi naman gaanong pang mayaman na tama lang na pang low budget na estudyante.
Agad na akong pumasok sa loob nang masara ko ang payong, nababasa na rin ang slacks at sapatos ko sa lakas ng ulan. Pagkapasok ko bubungad ang isang babaeng nasa mid-30 na nagbabantay sa counter. May mini sala gitna na may sala set at TV. Gray, white and brown ang dominant na makikitang kulay sa loob ng building. Sa kanan malapit sa elevator ay isang vending machine ng kape at snack.
Lumapit ako sa counter at habang papalapit ako ro’n naririnig ko ang Korean language mula ro’n. May mga panindang sabon, towel at kong ano-anong essentials sa likuran niya na nakalagay sa glass kabinet. Natanaw ko ang koreanobelang pinapanood niya sa netbook nakulay black at saka niya pinindot ang pause yon bago humarap sa ‘kin.
Maigsi ang buhok niya na abot hanggang balikat at nakasuot ng short sleeves na dress, pink polka dots.
“Anong kailangan mo?” Mataray niyang tanong kaya naiilang ako sa kanya.
“Ah eh, may nag-stay po bang Adamson Mortel dito sa hostel ninyo?” Tanong ko sa kanya.
Tinaasan niya ako ng kilay at para bang may sinilip sa ilalim ng kabinet nong tanungin ko siya. Saka siya bumalik sa pagkakaupo at muling humarap sa laptop niya. Nagtipa siya ro’n at para bang may hinahanap bago siya muling lumingon sa ‘kin.
“Meron, bakit?”
“Ka schoolmate po niya ako at hindi po siya pumasok sa school. May sakit po siya, pwede po bang malaman ang room number niya?”
“335 sa second floor,” hindi naman siyang nag-alingan na sagutin ang tanong ko, “akin na yong ID mo, iwan mo rito at balikan muna lang ‘pag aalis ka na.”
Tinanggal ko naman sa ID lace ang ID ko saka ko inabot sa kanya, pina-fill-up pa niya ako sa isang maliit na papel na katibayang nagbisita ako sa araw na ‘yon bago niya ako tuluyang napapayag na umakyat sa taas. Umakyat na lang ako sa hagdan total second floor man lang ang punta ko. Tinignan ko isa-isa ang numero na nakakabit sa pintuan hanggang sa makita ko ang numerong 335.
May doorbell ang kada-pintuan kaya medyo high-tech na para sa ‘kin ang hostel na ito. Napabuntong-hininga ako bago ko pinindot ang doorbell. Naghintay ako ng ilang segundo pero wala pa ring nasagot o nagbubukas sa ‘kin kaya inulit ko ng mga dalawang beses.
Pipindutin ko sana nong tuluyang magbukas ang pintuan at niluwa nito si Adam na nakayakap sa isang gray na kumot. Nagkatitigan kami, nagulat ako sa ayos niya, maliban sa kumot, nakasuot siya ng sweat pants na gray at nakaitim siyang shirt, ngunit napawi ang gulat ko at napalitan ng pag-aalala para sa kanya.
Magsasalita na sana ako para tanungin siya kong kumusta na ba siya ngunit hindi ko naituloy nang hatakin niya ako papasok sa loob. May maliit na espasyo, sa baba no’n ang iwanan ng mga sapatos bago tuluyang makapasok sa pinaka-bahay.
“Anong ginagawa mo rito, bakit basang-basa ko?” Paos ang boses niya, namumutla at medyo malalim ang mga mata niya na napapalibutan ng itim.
Doon ko ring napagtantong basa ang buhok ko sa lakas ng ulan kahit nakapayong na ako.
“Sinabi ko na kila Kelly na ‘wag na ‘wag kang papapuntahin dito, bumalik ka na sa school,” may pag-aalala sa kanyang boses ngunit mas nangingibabaw ang inis niya.
Naiinis siya na pinuntahan ko siya?
“May sakit ka? Gusto mo tawagin natin ang parents mo para maalagaan ka nila, aalis ako ‘pag okay ka na.”
“Tsk,” bulalas niya at napahawak siya sa kanyang ulo habang nakapikit.
Hindi na ako naghintay pa na paalis na naman niya ako. Kinuha ko ang kamay niya at dumiretso na kami sa loob kahit hindi ko alam kong saan kami pupunta dahil ngayon pa lang ako nakarating dito. Pinaupo ko siya sa sofa’ng naroon. Simple lang ang ayos ng bahay, mini sala at sa kanan ang maliit na kusina at sa gitna naman may dalawang pintuan. Bahagyang bukas ang isa at nakita ko ang kama kaya masasabi kong ‘yon ang silid niya.
“Ano bang ginagawa mo rito?”
Sinulyapan ko uli siya, nakita kong nakasandal ang ulo niya sa sandalan ng sofa habang nakapikit ang mga mata.
“May sakit ka nga kasi kaya na isip kong baka walang mag-aalaga sa ‘yo, kumain ka na ba? Baka hindi ka nakakainom ng gamot?”
“Hindi ko kayang kumilos, kagabi pa ako nakahiga sa kama,” paos niyang sagot.
“Halika na, lipat ka na muna sa kama mo, ako na gagawa…”
“Hindi pwede, bumalik ka na sa school.”
“Wala na, ‘pag bumalik pa ako ro’n baka palabasin lang ako ng prof ko kasi late na ako sa klase niya at hayaan muna lang ako.”
Idinilat niya ang mapupungay niyang mga mata at kinuha ko uli ang kamay niya. Inalalayan ko siyang makatayo at maihatid sa silid niya. Hindi siya gaanong makakilos kaya ako na lang nagkumot sa kanya. Bahagyang bukas ang kabinet ng damitan niya at nagkalat ang ilang papel sa sahig.
“Ako nang bahala, matulog ka na muna,” hindi na siya nagsalita pa at hinayaan ko na lang siya mag-isa ro’n.
Pagkalabas ko ng silid niya, ipinatong ko muna ang bag ko sa sofa at dumiretso sa kusina. Naghanap ako ng pwede kong lutuin para sa kanya at naisip kong lutuan siya ng kahit sabaw man lang. Mabuti na lang, kompleto ang rekado at kailangan sa kusina. Kinabahan ako lalo na ang makita ang mga matatalim na bagay sa kusina niya, ngayon na lang ako gagamit nu’n dahil sa pagluluto, hindi kasi ako pinapayagan ni mama dahil sa kondisyon ko. Maingat akong naghiwa ng mga ingredients para sa sabaw na lulutuin ko para sa kanya.