NANG MARINIG NI AUSTIN ang patag na paghinga ni Mia, dahan-dahan siyang kumalas rito at inayos ang kumot ni Mia. Sumandal sa headboard ng kama hanggang sa napansin niya ang nakabukas na nightstand. Inabot ito ng kamay niya pero may napansin siya sa loob. Nilakihan niya ang pagkakabukas ng drawer at kinuha ang isang sketch pad sa loob ng drawer. Kumunot ang noo ni Austin dahil pamilyar sa kaniya ang sketch pad. Kung tama ang pagkakaalala niya. Ito ang sketch pad na nakita niya noon noong pumunta siya sa kwarto ni Mia. This was the sketch pad that Mia didn’t want him to see. Ngayon na-curious siya kung ano ba ang nasa loob ng sketch pad kaya naman binuklat niya ito. It was a normal drawing on the first five pages of the sketch pad. But he was surprised when he saw the drawing on the next