ISANG UMAGA, maagang gumising si Mia katulad ng nakagawian niya tuwing weekdays. Pero sa pagkakataong ito hindi siya papasok sa university kundi papasok siya sa trabaho. Ito kasi ang unang araw ng pagsisimula niya sa kaniyang OJT.
Hindi na nagtaka si Mia nang makitang niyang nasa sa labas ng bahay nila si Austin at naghihintay sa kaniya. He looks cool while leaning on the hood of his car.
Napailing na lamang si Mia. Simula noong roadtrip nila, hindi na mawala ang binata sa kaniyang isipan. Lagi na lang itong sumasagi sa kaniyang isipan nang wala namang dahilan minsan.
Hindi namalayan ni Mia na nakatitig na pala siya kay Austin. This man… had no girlfriend since birth and hadn’t dated anyone except her. Parang ang hirap paniwalaan kasi sa hitsura ni Austin, alam niyang maraming babae ang nagkakagusto rito.
Totoo ang sabi ng iba, nasa lalaki ‘yon kung maging playboy siya o maging stick to one. Hindi man niya gaanong kakilala si Austin, masasabi niyang stick to one ito. But the future was unpredictable.
People are unpredictable.
Just like her, maybe today she likes Austin, but what will happen in the coming days? Will she still like him?
Mahinang napabuntong hininga si Mia. Sa panahon ngayon, maraming mga bagay ang nangyayari na hindi inaasahan. Just like her and Austin. Dahil sa kanilang mga ina, kinailangan nilang magpanggap na magkasintahan upang tumigil ang mga ito.
Austin… Mia smiled while looking at Austin. Grab the opportunity at present and don’t think of the future. Just enjoy the moment.
Napatango si Mia sa kaniyang naisip. Tama lang ang desisyon niya na pahalagahan ang pagkakataon na ‘to kahit nagpapanggap lamang sila.
“Morning.” Nakangiting bati ni Austin nang mapansin niya si Mia na nakatayo sa gate.
Bahagya pang natigilan si Mia nang masilayan niya ang ngiti ni Austin. Kusa na lamang na gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi. “M-morning.”
Binuksan ni Austin ang pinto ng passenger seat. “Get in. Ihahatid kita.”
Agad namang sumakay si Mia at ikinabit ang sariling seatbelt.
Umikot naman ni Austin patungong driver seat. At nang makaupo siya, tinignan niya kung nakasuot na ang seatbelt ni Mia bago niya ikinabit ang sariling seatbelt.
“Today is your first day of work. Good luck.”
Mia looked at Austin. “Good luck? How will you wish me?” tanong niya.
Tinanggal ni Austin ang suot na seatbelt saka humarap kay Mia. He leaned towards her and placed a kiss on his lips.
Lumaki ang mata ni Mia dahil nagulat siya sa ginawa ni Austin.
“That’s my good luck kiss for you,” Sabi ni Austin.
Mabilis na nag-iwas ng tingin si Mia saka itinulak si Austin palayo sa kaniya. Napahawak siya sa seatbelt at napaharap sa kaniyang kanan dahil hindi siya makatingin kay Austin ng deretso.
Natawa naman si Austin. “Camille, this was not the first time we kissed.”
Tinakpan ni Mia ang tainga dahil pakiramdam niya nag-iinit ang mukha niya. Hindi nga ito ang unang beses na naghalikan silang dalawa pero kahit na, hindi siya sanay at nahihiya siya. Pinaalala pa talaga nito sa kaniya ang tungkol sa bagay na ‘yon.
Austin started the car’s engine and drove the car towards Mia’s work.
“Camille, these coming days, magiging abala ako at baka hindi kita masundo.”
Tumango si Mia. “It’s okay. Pwede naman akong mag-commute pauwi.”
Ngumiti si Austin. “Salamat.”
Mia smiled and stepped out of the car.
Kapagkuwan nakita niya ang paparating na kotse at nang tumigil ito, bumaba si Audrey.
“Mia!”
Mia waved her hand, smiling at Audrey. Nagyakapan pa silang dalawa saka sabay na pumasok sa loob ng gusali.
Mabait ang Teamleader nila. Office work ang base nilang dalawa ni Audrey pero bilang mga art student, kailangan rin nilang magpinta. Iyon ay kung kakayanin nila. So far so good naman ang first day ni Mia sa kaniuyang OJT.
Lumipas ang mga araw at katulad ng sinabi ni Emerson, may mga pagkakataon na hindi siya nito nasusundo pero lagi siya nitong hinahatid sa trabaho. Actually, they were both busy and there was time that Mia would immediately sleep after getting home.
Mas pagod pa siya sa trabaho kaysa noong nag-aaral siya. Tama ang laging sinasabi ng kaniyang ina kapag nagrereklamo siya tungkol sa tagal ng pag-aaral niya. Sa oras na magkaroon siya ng trabaho, gugustuhin niyang bumalik sa pag-aaral. At ‘yon ang nararamdaman niya ngayon. Dalawang linggo pa lang siya sa OJT niya pero parang gusto na niyang hilain ang araw para matapos na ang OJT niya.
“I have a bid tomorrow,” Wika ni Austin.
Magkausap silang dalawa sa cellphone. Mia was already in bed and was about to sleep when Austin called.
“Bidding? How does it work?” Mia asked, eager to know how it works. Wala siyang alam sa business, eh. She was not ignorant of what business was, but she just didn’t want a complex problem or situation.
Austin smiled, hearing the eagerness in Mia’s voice. “Well, it’s not complicated as long as you prepare and submit your bid within a specified timeframe to the project owner. Then the project owner will evaluate it. As long as you pass the criteria, then the bid will be yours.”
Napatango naman si Mia. Hindi siya interesado sa negosyo dahil ayaw niya sa mathematics. Ayaw niya ng computation. Kaya nga arts ang kinuha niya, eh, pero may mathematics pa rin naman. “Anong bidding ba ‘yon?”
“Construction of a shopping mall near a residential area. The location was good. A lot of people were in that area, but they lacked commercial buildings. They have to travel for about one hour until they get to the market. But if the shopping mall is built, their lives will become easier.”
Mia smiled. Alam niyang matalino si Austin pagdating sa ganitong bagay. “Then good luck to the company that can get your approval for the bidding.” Aniya.
Natawa ng mahina si Austin. “Hmm…” he hummed.
Kapagkuwan naririnig ni Mia ang pagtipa ni Austin ng keyboard. “You’re still working?”
“Yeah.”
“In your office?” Mia asked.
“Yep.”
Mabilis na tumingin si Mia sa digital clock na nasa nightstand. “It’s already nine in the evening.” Aniya. “Mr. Esquivel, think of your health. You’re a workaholic.”
Austin chuckled. “Wala naman akong uuwian sa apartment ko. It was just empty and dark.”
Mia rolled her eyes. “Even so. You can’t abuse yourself like that. Baka hindi ka pa kumain.”
“I already did.”
Mia rolled her eyes again. Kung katabi niya lang si Austin baka piningot na niya ito. “Liar,” she said. “Alam mo magpasalamat ka na wala ka sa tab ko dahil baka napingot na kita.”
Napatigil si Austin sa pagtipa ng keyboard. Napangiwi siya. “Mabuti na lang pala at wala ako sa tabi mo.”
“Austin Zyair Esquivel, you better stop working now and eat dinner,” Seryosong sabi ni Mia.
“Alright, Camille. I’ll listen to you.” Sabi ni Austin nang marinig niyang ang seryosong boses ni Mia. Parang nakakatakot pa naman ito kapag seryoso ang boses ni Mia. There was something about Mia that made him shut up his mouth when Mia was mad or serious.
Austin turned off his computer and left his office. Pero kahit napagsabihan siya ng dalaga, napangiti na lamang siya. It meant that Mia was concerned about him. At hindi siya maaaring magkamali sa pakiramdam niya na ‘yon.