HABANG naglalakad si Mia sa may gilid ng kalsada nang may kotse na tumabi sa kaniya, Napatigil siya sa paglalakad saka napatingin sa driver ng kotse. Napabuntong hininga siya nang makita si Austin. Biglang pumasok sa isipan niya ang halikan nila noong pasko.
“Why do you have that solemn expression after seeing me?” Austin asked.
Mia forced a smile. “What are you doing here?”
Austin smiled. “Coincidence.”
Natawa si Mia ng mahina. “Coincidence ka diyan?” aniya.
“Get in.” From inside, Austin pushed to open the door.
Sumakay naman si Mia sa passenger seat. “Ang lamig.” Hindi niya napigilang sabihin. Tinignan niya ang airconditioned ng kotse ni Austin. “Ang lamig na nga ng panahon, naka-aircon ka pa.”
“Well, I’m already used to it.”
“Well, I’m not used to it.” Sabi ni Mia.
Ngumiti lang naman si Austin saka pinatay ang aircon ng kaniyang kotse. “Saan ka nanggaling?” tanong niya sa dalaga.
“Gallery Shop. I’d dropped my resume for my on-the-job training next year.”
Napatango si Austin.
Napansin naman ni Mia ang suot ni Austin na necktie. Mia smiled inwardly and buckled up her seatbelt.
“May pupuntahan ka pa bang iba?” tanong ni Austin.
Umiling si Mia. “Wala na. Uuwi na ako. Pahatid. Salamat.”
Natawa ng mahina si Austin saka napailing na lamang. “Won’t you spend more time outside? It’s boring to stay inside the house all the time.”
“Kung para sa ‘yo boring. It’s comfortable for me. My pending paintings were still waiting for me at home.” Sabi ni Mia saka sumandal sa kinauupuan at ipinikit ang mata.
“Don’t go home yet, Camille. Accompany me to the company.” Nasa tono ng boses nito ang pagpapaawa.
Nagmulat ng mata si Mia at napatingin kay Austin. “Anong gagawin ko doon? It’s boring.”
“Ayaw mo bang makita kung saan ako nagtatrabaho?” tanong naman ni Austin.
Mia looked in front and sighed. Kapag uuwi siya wala naman siyang gagawin doon. Magpe-paint lang naman siya o di kaya ang thesis niya ang gagawin niya. Tumingin siya kay Austin saka tumango. “Fine, but you have to give me food.”
“No problem, Camille.”
Ngumiti si Mia.
Austin started the car’s engine and drove the car towards Esquivel Royal Real Estate.
Nang makarating sila sa kumpanya ni Austin, namangha naman si Mia sa taas ng gusali. This was bigger than her stepfather’s company. Well, hindi na siya nagtaka dahil mayaman ang mga Esquivel. Austin’s family also have companies abroad.
“Let’s go, Camille.”
Pagkatapos iparada ni Austin ang kotse, bumaba silang dalawa ng kotse.
Nagulat si Mia nang hawakan ni Austin ang kamay niya. Hihilain na niya sana ang kamay niya pero humigpit ang hawak roon ni Austin. Kaya naman hinayaan na lang ni Mia ang binata. Ngumiti na lamang siya pero nang tumingin sa kaniya si Austin, nawala ang ngiti niya. She doesn’t want Austin to see that she’s enjoying the moment of holding their hands together.
Pagpasok nila sa lobby, napansin ni Mia na napapatingin sa kaniya ang ilang empleyado sa loob ng kumpanya. Nanunuri ang tingin ng mga ito lalo ang mga babaeng empleyado.
Mia tugged the sleeve of Austin’s coat.
Austin looked at Mia. “What’s the matter?”
“They’re looking at me.” Mahina niyang sabi pero sapat lang upang marinig ni Austin.
Akala ni Mia bibitawan ni Austin ang kamay niya pero hindi dahil ngumiti lang ang loko.
“I actually want to show off my beautiful girlfriend.” Medyo malakas ang pagkasabi ni Austin kaya nagulat ang mga nakarinig.
Para sa mga empleyado ng Esquivel Royal Real Estate, ito ang unang beses na nagdala ng babae ang boss nila sa kumpanya. At ito rin ang unang beses na nakita nilang may kasama itong babae.
Nang makapasok ang dalawa sa loob ng elevator at silang dalawa lamang pwersahang hinila ni Mia ang kamay niyang hawak ni Austin. Sinamaan niya ng tingin ang binata na pangiti-ngiti lang.
“Bakit?” tanong ni Austin.
Umirap lang si Mia. She crossed her arms over her chest.
“Ang sungit mo,” sabi ni Austin. “Meron ka ba?”
Mia lost the expression on her face and gave Austin a deadpan look.
Ops! It looked like I hit the nail on the head. Austin thought and smiled at Mia. “Sorry,” he muttered.
Hindi tumugon si Mia. “You actually wanted to show off? Akala ko naman gusto mo lang ng may kasama.”
“What’s wrong if I want to show off my beautiful girlfriend?” Austin asked.
Fake girlfriend, you say. Mia thought, looking at Austin. Gusto niyang sabihin ‘yon pero gusto niya munang i-enjoy na hindi binabanggit ni Austin na peke ang relasyon nilang dalawa.
She noticed that she was just the one saying their relationship was fake. Hindi pa niya ito narinig mula kay Austin. Pero hindi naman niya alam kung ano ang iniisip ni Austin. Hindi naman niya hawak ang isipan nito.
When the elevator stopped and opened, pinauna ni Austin si Mia saka siya sunod na lumabas. Agad na nagbigay ng daan ang mga nakita nilang nag-aantay ng elevator.
Napasunod ang mga empleyado ng tingin kay Austin at Mia. Nagkatinginan pa ang mga ito. The employees were filled with a lot of questions in their minds. But no one could answer it because they were afraid to ask their boss.
“Sir.” Pagbati ni Diana na siyang secretary ni Austin.
Mia looked at Austin’s secretary. Nakita niya sa nameplate nito ang pangalan pero nakadamit naman ito ng pambabae. At first look, Mia already knew that Austin’s secretary was gay. Pero kung hindi niya nakita ang pangalan nito sa nameplate, aakalain niyang babae talaga ito. Ang ganda, eh.
“When Mia comes here in the future, don’t stop her,” said Austin.
“Yes, Sir.” Tugon ni Diana. “Hi, Ma’am.”
Ngumiti si Mia. “Hello. You’re beautiful.”
Tumawa si Diana. He was grateful for what he had heard. “Thank you, Ma’am.”
Muling ngumiti si Mia.
“Daniel, order a dessert from my favorite pastry shop.” Utos ni Austin sa secretary nito.
“Sir naman. Tawagin ba naman ako sa tunay kong pangalan.” Sabi ni Diana. “Sige, Sir. Mag-o-order po ako.”
Kakausapin pa sana ni Mia si Diana pero hinila na siya ni Austin papasok sa opisina nito.
Mia looked inside Austin’s office, which was located on the top floor of the building. Through the floor-to-ceiling windows, Austin’s office offered panoramic city views. There was also an informal meeting area with a set sofa and a coffee table.
The furniture includes a large marble table for the CEO, and behind the table is an ergonomic chair. Naglakad si Mia patungo sa upuan ni Austin saka siya umupo doon.
Austin smiled and let Mia sit on his chair.
On the marble table, a computer, a laptop, and some unopened folders were placed. On the wall, company logos and mission statements are displayed. On the corner of the office, a diorama of a building was placed. On the wall behind the CEO’s desk, a curated artwork was displayed.
Near the table, a bookshelf stood, holding a mix of business literature books, industry reports, and some personal items.
“Ang ganda ng opisina mo, ah.” Sabi ni Mia saka tumayo at naglakad patungo sa salaming dingding. Mula sa kanyang kinatatayuan, kitang-kita niya ang nasa ibaba.
Ngumiti si Austin at naglakad palapit sa dalaga. “Let’s go out after new year.”
“Go out? Saan naman tayo pupunta?” tanong ni Mia. “Tinatamad ako.” Dagdag niya.
“Couples date. Do you want your mother or my mother to doubt our relationship?” tanong ni Austin. Ayaw niya sanang gamitin ‘yon pero kailangan para mapapayag niya ang dalaga.
Napatitig si Mia kay Austin. Since she and Austin had a fake relationship, her mother stopped nagging her about getting married. But she suddenly remembered her engagement with Austin. Their fake relationship is useless now if that’s the case. But she doesn’t want to get married.
Marriage was scary.
“Saan naman tayo pupunta?” tanong ni Mia.
“No particular location.”
Mia looked at Austin flatly.
Austin chuckled. “Joy ride.”
Nawala ang blangkong tingin ni Mia kay Austin. Nagliwanag ang mukha ni Mia. “Really?”
Tumango si Austin.
Mia tried to suppress her smile, but it still came out.
“Huwag mo ng pigilan ang ngiti mo, Camille.” Sabi ni Austin. At hindi niya napigilan ang sarili na yakapin si Mia mula sa likuran at ipinatong ang baba sa balikat nito.
“Camille…”
Hindi naman nakagalaw si Mia sa kinatatayuan dahil sa ginawa ni Austin. Ramdam niya ang sobrang bilis ng pagtibok ng kaniyang puso.
“Austin, go away from me.” Mia was trying to unwrap Austin’s arms around her, but Austin didn’t let her.
“I’m sorry, Camille,” Austin apologized all of a sudden.
Mia frowned. “Why are you apologizing?” she asked.
Napabuga ng hangin si Austin saka gamit ang isa niyang kamay, idinampi niya ito sa kaliwang pisngi ni Mia at pinabaling ang mukha nito pakanan. And with that, he claimed her lips.
Lumaki ang mata ni Mia. Biglang bumalik sa isipan niya ang halik na pinagsaluhan nilang dalawa ni Austin noong pasko. She felt the same feeling again. A pleasant sensation and euphoria. Kusang pumikit ang mata niya at tumugon sa halik ni Austin.
Wala ito sa usapan nila ni Austin pero ayaw niyang palagpasin ang pagkakataon.
Once again, Austin and Mia shared a passionate kiss that they both enjoyed.