PAGPASOK ni Mia sa sariling kwarto, agad na humilata si Mia sa kama. Literal na ibinagsak niya ang katawan sa kama dahil sa nangyari sa araw na ‘to. Tinakpan niya ang mukha gamit ang dalawa niyang kamay at kinikilig na nagpipigil ng ngiti.
Napahawak siya sa sariling labi dahil pumasok sa isipan niya ang halik na pinagsaluhan nilang dalawa ni Austin. That kiss was not supposed to happen because they were only pretending, but nevertheless, she enjoyed it. She felt the good sensation while the kissing was happening.
Bumangon siya saka napatingin sa kalendaryo na nasa study table niya. Inabot niya ito. It’s been one-and-a-half months since she and Austin started their fake relationship. Natawa siya ng mahina. Hindi niya akalain na isang buwan at kalahati na pala ang lumipas. Hindi man lang siya namalayan ang mga araw na lumipas.
Hindi niya alam kung hanggang kailan ang pagpapanggap nilang dalawa ni Austin pero habang nagpapanggap pa rin sila, i-enjoy na lamang niya.
Kapagkuwan biglang pumasok sa isipan ni Mia ang engagement nilang dalawa ni Austin. Hindi pa niya ito nasasabi sa binata pero alam niyang alam na nito ang tungkol doon. But neither of them talk about it. As if they were both enjoying each other’s company.
It’s good, though, because there was no pressure on her.
Humugot ng malalim na hininga si Mia saka napatingin sa pinto ng kwarto niya nang may kumatok.
“Ate?”
“Ano ‘yon?” tanong ni Mia.
“Pwedeng pumasok?”
“Bukas ‘yan. Pumasok ka na lang.”
Bumukas ang pinto ng kwarto ni Mia. “Ate, pwedeng magpaturo ng assignment ko?” tanong ni Charles habang nakasilip sa may pinto.
Sinenyasan naman ni Mia ang kapatid na pumasok na lang.
Nang makalapit si Charles, tumaas ang isang kilay ni Mia. “Bakit ganiyan ang mukha mo?” tanong niya.
Charles was frowning as if he were weighing the burden of the world.
“Ang hirap ng math, Ate.” Nakasimangot na sabi ni Charles.
Natawa naman ng mahina si Mia. “Well, wala namang madali. Lahat kailangang paghirapan” Aniya at nginitian ang kapatid. Though nahihirapan rin siya sa Math talaga pero kahit ganun sinisipagan niya itong ipasa noon. “Come on. I’ll help you.”
Mia patiently taught her brother how to answer his homework. Mabuti na lang at maalala pa niya ang pinag-aralan niya noong nasa Grade School siya. Pagkatapos turuan ni Mia ang kapatid niya sa homework nito umalis na ito ng kwarto niya.
Pagkasara ng pinto ng kaniyang kwarto, muli niyang naalala ang halik na pinagsaluhan nilang dalawa ni Austin. That kiss was sweet and passionate. Napatakip na lamang siya sa mukha gamit ang dalawa niyang kamay.
She suddenly felt shy of herself.
Gusto niyang sumigaw pero baka isipan pa ng mga kasama niya sa bahay na nababaliw na siya.
Mia could only bury her face in her pillow and scream. Her screams were muffled because of the pillow.
Mabilis na lumipas ang mga araw. Natapos na naman ang isang taon. Sa gabi bago ang New Year, sama-sama ang pamilya ni Mia na sinalubong ang bagong taon. Nakatanggap pa siya ng mensahe mula kay Austin.
‘Happy New Year, Camille.’
Napangiti na lamang si Mia saka nag-reply sa binata. ‘Happy New Year too.’
Mia’s heart instantly beats faster when Austin replies with a heart emoji.
Napailing siya. Her body was healthy, but her heart was in trouble. Hindi ‘to maganda para sa kaniya.
“Bakit, anak?” tanong ni Camila nang makita niyang nakasapo si Mia sa dibdib nito.
Umiling si Mia. “Wala po.”
“Sigurado ka?”
“Opo.” Tumango si Mia saka kumain na lang. Syempre, hindi nawawala sa lamesa ang paborito niyang chocolate chip cookies.
‘Don’t forget about tomorrow, Camille.’
‘Yes, Sir.’
‘Stop calling me that, Camille. Should you call me ‘Honey’, ‘Baby’, or sweetheart’?
Napaubo si Mia. ‘And why would I?’
‘Because I am your boyfriend.’
Napatitig si Mia sa huling text ni Austin. Ano daw? Boyfriend?
Mia wanted to ask to clarify, but she didn’t dare. Though she was tough and bold sometimes, there were also times when she was restrained and chose to keep silent.
Napabuga na lamang ng hangin si Mia saka hindi na nag-reply kay Austin.
KINABUKASAN. Nagulat si Mia nang makita si Austin sa living room nang makababa siya ng hagdan at kausap pa nito ang Papa Johan niya.
“Morning.” Bati ni Austin.
Mia stopped on her track and stared at Austin. “Ang aga mo naman yata.” Aniya.
Austin smiled. “I wanted to see you soon.”
Napatikhim na lang si Mia dahil sa sinabi ni Austin. Ngumiti siya. “Hindi pa ako nakahanda.”
“It’s okay. I’ll wait for you.”
Tumango si Mia.
“May date kayong dalawa?” tanong ni Johan sa dalawa habang nakangiti ng mapang-asar.
“Papa, hindi date. May lakad lang kami.” Tanggi ni Mia.
“Really?” Hindi naniniwala si Johan. “Pinagpaalam ka na ni Austin. Pumayag na ang Mama mo. Pumayag na rin ako."
“Hindi ba pareho lang naman ‘yon?” wika ni Austin kay Mia.
Pinandilatan ni Mia si Austin ng mata pero ngumiti lang ang loko. Napalabi na lang siya saka tinungo ang kusina.
Napapangiti naman si Austin. Hindi yata napansin ni Mia na magulo pa ang basa nitong buhok. Pero kahit magulo ang buhok nito. Maganda pa rin naman ang dalaga.
“Bring her back before dark.” Sabi ni Johan kay Austin.
Tumango si Austin. “Opo, Tito.”
“Puntahan mo na lang siya sa kusina. Pupuntahan ko lang ang asawa ko.”
“Sige po.” Tumayo si Austin at nagtungo sa kusina. Habang si Johan ay lumabas ng kabahayan para puntahan ang asawa sa may hardin.
Austin smiled, seeing Mia eating breakfast.
“Won’t you invite me?”
“Kain,” Pag-aya ni Mia. Sumulyap pa siya kay Austin.
Natawa na lamang si Austin. One of Mia’s personalities was being calm, and he liked that personality of hers.
Kinuha ni Austin ang suklay na nasa lamesa saka pumuwesto sa likod ni Mia.
Napatigil sa pagsubo si Mia nang maramdaman niyang suklayin ni Austin ang buhok niya. Napasulyap pa siya sa binata pero pinaharap nito ang mukha niya sa harapan. “Kumain ka na. Susuklayin ko ang buhok mo.”
At doon lang narealize ni Mia na nakita ni Austin ang magulong hitsura niya. Nasapo na lamang niya ang sentido saka napangiwi.
Natawa naman ng mahina si Austin. “It’s okay. Maganda ka pa rin naman kahit magulo ang buhok mo.”
“Bola.”
“Hindi ako nambobola. Nagsasabi ako ng totoo, Camille.” Malambing na saad ni Austin, using his husky voice.
Mia closed her eyes and took a deep breath. Austin’s voice was husky. Parang nang hehele. Napailing bigla si Mia. No, wake up, Mia.
Austin combed Mia’s hair gently. Every stroke was gentle and with care.
Kalmadong nagpatuloy si Mia sa pagkain pero sobrang bilis ng t***k ng puso niya.
For Mia, holding her hair was an intimate move, but she didn’t dare to stop Austin because she didn’t want to offend him.
Habang sinusuklay ni Austin ang buhok ni Mia, nakuha ng atensiyon niya ang leeg nito. Mia’s neck was attractive. He wanted to bury his face on Mia’s neck but didn’t dare to do it. Mabilis niyang tinapos ang pagsuklay niya sa buhok ng dalaga at nang matapos siya inilapag niya ang suklay sa lamesa.
“Hintayin na lang kita sa labas.” Aniya saka nagmamadaling lumabas ng kusina.
Napasunod naman ng tingin si Mia kay Austin. “Anong nangyari do’n?” tanong niya. Para kasing napaso si Austin sa pagmamadali nitong lumabas.
Mia shrugged her shoulders and continued eating. Nang matapos siya, hinugasan niya ang pinagkainan saka bumalik sa kwarto upang mag-ayos ng sarili.
Pagkalabas ni Mia ng gate, nakita niya si Austin na nakasandal sa kotse nito.
“Let’s go?”
Tumango si Mia.
Austin opened the car’s door for Mia. Maingat niya itong isinara nang makaupo ang dalaga sa passenger seat.
Umikot si Austin patungong driver seat at nang makaupo siya sa likod ng manibela, inabot niya sa likuran ang isang maliit na baunan saka ibinigay ito kay Mia.
Nagtaka naman si Mia. Nakita niyang cookies ang laman ng baunan dahil transparent ito.
“Para sa ‘yo.”
“You bought it?” Mia asked.
“I made it.”
Nagulat si Mia saka napatingin kay Austin. “You made it?” There were flashes of excitement in Mia’s eyes.
Tumango si Austin. “I don’t cook, and I didn’t learn how to cook or make pastries.”
“I heard a ‘but’ in your voice, Mr. Esquivel.”
Nahihiyang napakamot sa batok si Austin. “But I am willing to learn for you. I wanted to make something for you.”
Gumuhit ang ngiti sa labi ni Mia. Austin’s effort touched her. “Thank you. Can I taste it now?”
Tumango si Austin saka ikinabit ang seatbelt. Pero napansin niyang hindi pa nakakabit ang seatbelt ni Mia kaya tinanggal niya ang seatbelt niya. And then he leaned towards Mia and reached for her seatbelt. Eksakto naman na nag-angat ng tingin si Mia kaya dumikit ang labi ni Mia sa pisngi ni Austin. Pareho silang natigilan.
But Austin did his best to back away from Mia and buckle his seatbelt.
Pasimpleng huminga ng malalim si Mia nang makalayo sa kaniya si Austin. Binuksan na lamang niya ang baunan saka kumuha ng isang cookies. Hindi naman kasing lasa ng ginagawa niyang cookies ang ginawa ni Austin.
But it’s the thoughts and efforts that count.