CHAPTER 20

1366 Words
NAPAPANGITI na lamang si Austin habang nakatingin kay Mia na maganang kumakain ng cookies na ginawa niya. Nakapatay na ang aircon ng kotse at nakabukas ang bintana sa tabi ni Mia. “Aren’t you cold?” Austin asked. Umiling si Mia. “Hindi naman. Bakit?” Ngumiti si Austin. “Nothing. I thought you were cold. It’s okay. Just have fun.” Muling nagsubo si Mia ng cookies saka tumingin sa mga dinadaanan nila. Kapagkuwan may naalala siya. “Saan pala tayo pupunta?” tanong niya. “Kahit saan basta ikaw ang kasama.” Mia gave Austin a deadpan look. “Sumagot ka nga ng seryoso.” “Seryoso naman ako sa sinabi ko.” Iniumang ni Mia ang kamao. Austin blew a small breath as he shook his head. “Mia, this is a joyride. We have no final destination.” Mia checked her phone and the Google map. They were already in Taguig, and her eyes saw Tagaytay. “Austin, let’s go to Tagaytay.” Excited na sabi ni Mia. Tumango si Austin. “That’s more than an hour's drive. But it’s okay as long as it’s you.” Mia pouted. “You can’t blame me. You invited me on this road trip.” Ngumiti na lamang si Austin. Sa totoo lang masaya siya na kasama niya si Mia kahit sa ganitong pagkakataon lamang. Talagang inilaan niya ang araw na ‘to para kay Mia. Mia looked outside the window again. Nakikita niya ang mga dinadaanan nila. It was actually refreshing to see new surroundings. Kung sa Manila wala siyang gaanong nakikitang mga puno, habang patungo sila sa Tagaytay, marami na siyang nakikitang puno. At medyo lumalamig na ang simoy ng hangin. Habang papalapit sila sa Tagaytay, ramdam na ni Mia ang lamig pero wala siyang dalang jacket. “I have a jacket in the backseat,” said Austin when he noticed Mia hugging herself. Agad namang tumingin si Mia sa likod at nakita niya ang dalawang jacket roon. Kinuha niya ang isa saka isinuot. Naamoy niya ang amoy ni Austin na nakadikit sa jacket kaya naman napangiti na lamang siya. Austin’s scent can make her calm. Kapagkuwan napatingin siya kay Austin. “Nilalamig ka ba?” Umiling si Austin. “No, I’m good.” Napatango si Mia saka hinayaang nakabukas ang bintana ng kotse. January pa lang kaya malamig pa ang panahon pero kung nasa sentro ka ng syudad hindi mo maramdaman ang lamig kasi mainit ang klima doon. Inilabas ni Mia ang cellphone saka kinunan ng larawan ang mga dinadaanan nila. She also took a selfie with Austin and focused on driving. Nang magsawa siyang kumuha ng larawan, sumandal siya sa kinauupuan. “Austin?” “Hmm?” “Okay lang ba talaga na tawagin kita sa pangalan mo? I mean you’re older than me by about seven years?” Nagbilang si Mia ng age gap nila ni Austin at napagtantong seven years nga ang gap nilang dalawa. “I like it. I don’t like it when you call me by my surname. Masyadong formal.” Sabi ni Austin. “Anyway,” sumulyap siya kay Mia. “Can you tell me more about yourself?” “Myself?” Tumango si Austin. “I want to get to know more about you.” Mia snorted. “Wala ka namang malalaman sa akin. My life is an open book…” bigla siyang napatigil. Maliban kay Mia na kaibigan niya at sa kaniyang ina, walang nakakaalam ng tungkol sa buhay niya. Now, Austin was asking about her life. “There’s nothing to tell you. My childhood was not that good.” Ani Mia saka malalim na napabuntong hininga. “Ayaw ko ng alalahanin pa ang tungkol doon.” Nakakaintinding tumango si Austin. “Okay. I won’t ask anymore. But I’m curious about one thing.” “Ano?” tanong ni Mia. “Were you in a relationship before?” Austin asked. Hindi napaghandaan ni Mia ang tanong na ‘yon ni Austin. Hindi niya inaasahan na ito ang itatanong ng binata. “Are you curious or…” “I’m curious about it. Pero kung ayaw mong sabihin, okay lang naman. Naiintindihan ko.” Napatingin si Mia sa transparent na baunan na naubos na niya ang laman. “Fine. For the sake of your cookies, I’ll answer your question.” Austin steals glances at Mia. “Yes,” Mia answered Austin’s question. Humigpit ang pagkakahawak ni Austin sa manibela. “But we broke up for some reason. He transferred to another school.” “Do you love him?” Austin asked again. “Love?” Natawa si Mia. “I was still young back then. Hindi ko pa masyadong alam kung ano ang ibig sabihin n’yan. But let’s say I have a crush on him. But it was already in the past. Nakalimutan ko na ‘yon.” Medyo lumuwang ang pagkakahawak ni Austin sa manibela. Damn! Kahit pa sabihing ex ‘yon ni Mia pero nakaramdam pa rin siya ng selos. Sino ba namang hindi magseselos? First boyfriend ‘yon ni Mia. “Why are you suddenly interested in knowing about it?” Mia asked. “I just want to know more about my girlfriend,” Seryosong sabi ni Austin. But we are only pretending. Mia thought. Pero hindi na niya prinesure ang sarili na mag-isip. Napatango na lamang siya saka ipinikit ang kaniyang mata. “How about you? Won’t you ask about me?” With her eyes closed, Mia responded, “It’s not my nature to ask.” “I want to tell you.” Gumuhit ang ngiti sa labi ni Mia. “Then tell me.” Aniya. Itinago niya ang excitement sa kaniyang boses. “How many girlfriends did you have before? How many hearts did you break? O baka naman may naanakan ka?” Napatanga na lamang si Austin sa mga tanong sa kaniya ni Mia. “What the hell? Saan mo naman nakuha ang mga tanong na ‘yan?” Mia smiled forcedly. “From the deepest part of my heart and memory. Answer me,” she demands. Napabuga ng hangin si Austin. “I felt like I was being judged.” Mia only looked at Austin. Then she shrugged her shoulders. Napailing na lamang si Austin. “In my twenty-eight years of experience, I have never dated. I never had girlfriends or flings.” “Childhood sweetheart?” nakangising tanong ni Mia. Umiling si Austin. “Wala rin.” Hindi makapaniwala si Mia. “Weh? Sigurado ka? Sa gwapo mong ‘yan, wala kang naging girlfriend? Walang naghahabol sa ‘yo.” “Marami syempre.” Pagmamayabang ni Austin. Mia lost her smile again. “Isa.” Pagbibilang niya. Natawa si Austin. “I’m telling the truth. Many women were chasing me, but not for love. It’s for my money and looks.” Mia scrunched her face. “Hmm… mukha nga.” Aniya. “Pero,” she rubbed her chin. “Aren’t you afraid that I’m like them?” Nanghahamon niyang tanong. Tumaas ang sulok ng labi ni Austin. Sumulyap siya sa dalaga. “Do you want to be one?” “Hmm… parang nga, eh.” Aniya. “It’s tempting.” Natawa na lang si Austin dahil sa pakikisakay sa kaniya ng dalaga. “I know you’re not like them.” “Paano mo naman nasabi?” tanong ni Mia habang nakahalukipkip ang braso. Ngumiti lang si Austin. Para makapagpahinga si Austin sa pagmamaneho. Tumigil sila sa kalsada saka lumabas. Kumuha sila ng larawan sa paligid at kumuha rin sila ng larawan nilang dalawa. Nang muli silang magpatuloy, si Mia na ang nagmaneho. It was her first time driving a luxury car, kaya naman ginanahan siya. “Sabi ni Tito Johan tamad kang magmaneho.” Sabi ni Austin habang nakaupo sa passenger seat. Natawa naman si Mia. “That’s true. But this is my first time driving a luxury car. Of course, I don’t want to let go of the opportunity.” Napailing na lang si Austin habang nakangiti. Hinayaan na lamang niya si Mia. It actually felt good to sit in the passenger seat. And thus, they went to their destination. And Austin knew it would be memorable.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD