CHAPTER 46: Mistress

1253 Words

"A-Ace." Napayakap ako sa kanya ng mahigpit habang patuloy sa pag-agos ang mga luha ko sa pisngi. Hindi lang dahil sa takot ko sa mga lalaking ito kundi para sa kanya at sa nararamdaman ko para sa kaniya. Alam ko sa sarili kong mahal na mahal ko pa rin siya hanggang ngayon at sobrang saya ko ngayong nakita ko siyang muli at nayakap. "Shyota mo ba 'yan? Eh bakit mo iniwan?" maangas na tanong ng isa sa mga sa lasing. "Pasensiya na. May tampuhan lang kaming dalawa kanina." "Kahit na! Ang mga babaye, hinde iniiwan, hik!..niyang mga lalakhe...intiyende?!" "Yes, bossing. Mauuna na kami ng girlfriend ko." Kaagad na niya akong inakay paalis sa mga kalalakihan. "Shige, sha shunod, ha. Pag-ayaw mo na, sha akin na lang!" sigaw pa rin ng isang lasing kahit malayo-layo na ang aming nalalakad.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD