Napayuko ang dalaga. "Ayos ka lang, Marieneth?" Nag aalalang tanong ni Brian. *Sniff* "T-teka wag iiyak patay ako nito. May nakakaiyak ba sa mukha ko?" Nagpapanik na si Brian. Nagtawanan naman ang mga tao sa paligid. "Ikaw pala ang magiging asawa ko." Mahinang sabi ni Marieneth. "Ha? Hindi noh... ayoko pang mamatay ng maaga sa magiging asawa mo noh. At may Fiancè kaya ako ayon oh." Sabi ni Brian sabay turo sa amerkanang babae at nagwave naman ang babae. Napalaki ang mata ni Marieneth. "S-sino ang pakakasalan ko? Teka pwede pala ang bride lang ang nandito?" Sabi ng dalaga at tiningnan ang magulang at kuya na nasa gilid na pala niya nakangiti ito. "Wag kang atat, little sis. Ayan ang asawa mo." Sabi ni Martin sabay turo sa likod ni Brian. Napahinto ang dalaga sa sinabi ng kuya at unt

