Isang araw na lang ang kasal ni Marieneth sa isang lalaking di niya kilala kahit di man lang nagbigay ng clue ang kanyang mga magulang kung sino. Nasa agency siya kasi magre retire na siya sa kanyang pagka Agent kahit mahirap kailangan niya iyong gawin dahil sa kanya pinamahala ng kanyang magulang ang kompanya. "Waaaa! Nakakalungkot Agent Ace... aalis ka na." May mga luha na tumulo sa mga mata ni Jerry dahil sa aalis na ang nagi inspirasyon sa kanya dito sa opisina. "Bibisita pa naman ako dito. Wag ka ngang umiyak nagmumukha kang bakla." Sabi ng dalaga. At ayun mas lalong umiyak at kinagat niya ang kanyang kamay para di siya sumigaw sa kanyang iyak. "Agent Ace..." "Guys di nako Agent... retire nako just call me Marieneth." Sabi ng dalaga. Napangiti si Agent Bill at niyakap ang dalaga.

