Amanda's POV "Hnngg-" Nakangiwi at masakit ang ulo kong dahan-dahang nagmulat at bumangon. Napahawak pa ako sa ulo ko. Anong oras na? Baka ma-late ako sa trabaho. Wala sa sariling tumayo na ako at aalis a sana ng kama pero natigilan rin nang magpantanto kong wala ako sa kama? Napahinga ako ng malalim at nailibot ko ang paningin sa paligid. Unti-unting nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ko ang nangyari kagabi. Lalo na nang dumako ang tingin ko sa babaeng natutulog sa isang bahagi ng sahig, maging ang isa pa sa kama ko? Nakangiwing bumangon ako at napakurap-kurap nang makilala ko si Karina na siyang na nakahilata sa kama ko at si Lei na nasa sahigan. Anong nangyari?! Paano nangyaring nandito ang mga ito- "Dito na ako matutulog Kuya." I gasped. Sunod-sunod akong napalunok nang s

