Amanda’s POV Nanatili lang ako sa silid ni Nanay habang panaka-naka ang pagkausap ko rito. Kanina lang ay parang mahihimatay ako sa kaba pero ngayon ay sobrang luwag at saya ng pakiramdam ko. Magdadalawang-taon, ni minsan ay hindi nangyari ito kay Nanay. Sana lang talaga ay magawa na nitong magising sa lalong madaling-panahon. Panigurado ay magugulat si Seyang kapag ikinwento ko sakaniya ito, lalo na ang magandang balita. Pagbalik ko ng Maynila ay mas magpo-pokus na ako sa paghahanap sa tatay ko, mas pag-iigihan ko pa lalo ang trabaho ko para paggising ni Nanay ay kahit paano maipapakita ko sakaniya hindi talaga ako napabayaan ni minsan. Gusto kong maging masaya ito sa dadatnan niya. Hindi na tuloy ako makapaghintay... Parang nagising ang buong diwa ko at na-restart ang buong katawa

