Amanda’s POV “I don’t have any spare clothes. Kailangan ba talaga lumublob sa tubig bago makapunta roon sa cave? Alangan naman magswimming ako ng naka-blouse at pencil-skirt.” Tanong ko kay Kaiden dahil kasalukuyan na kaming nandito sa kwarto sa loob ng bahay nito. He’s really a minimalist type. Wala ring masyadong gamit itong private house niya pero ang ganda pa rin tingnan. Nakapagpahinga na kami pagkatapos naming kumain kanina at ngayon ay napagpasyahan na naming pumunta doon sa sinasabi niya artificial cave. I’m so excited to see what it looks like, ang kaso lang kailangan pa palang sa pool ka talaga manggaling at tumawid sa mismong lagaslas ng tubig nu’ng waterfalls. Kaiden just glanced at me. Nakatingin lang ako rito na tapos na mag-alis ng damit pang-opisina. He’s now already t

