Amanda’s POV “I hope we’re not creeping you out.” Mabilis akong umiling kay Zues nang pagkababa nito ng sasakyan. Halos kakarating lang kasi namin sa bahay ng Lola niya. Nilapitan na ako nito saka na ako nito inayang maglakad kaya naman sumunod na ako rito. “Huwag mong masyadong alalahanin ‘to dahil kusa naman akong sumama. Sana lang talaga ay makatulong ako kahit papaano.” Mahinang sambit ko saka tipid na ngumiti. Zues just stared at me until he sighed and smiled back. “Kaiden is so lucky to have you,” Hindi ko inasahan ang sinabi nito kaya naman mabilis kong naramdaman ang pag-init ng pisngi ko at wala sa sariling napaiwas ako ng tingin. Oo nga pala at alam nila ang tungkol sa bagay na ‘yon. Hindi ako nakaamik pero tuloy lang ang paglakad namin ni Zues hanggang sa makapasok na

